Time Traveler's Watch

48 3 0
                                    

Hindi magkanda-ugaga si John sa kanyang relo at kinakalikot niya parin ito at punupunasan.

Maya maya pa ay tumayo siya ng tuwid, inayos ang buhok at sabay inikot ang bahagi ng relo na kung saan maigagalaw ang mga kamay nito.

"Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas, Wendy. Magkikita na tayo." sabi niya sa kanyang sarili.

Hindi nagtagal inikot niya ng inikot ang kamay ng kanyang relo hanggang sa umabot ito sa ikalimang oras.

Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si John. Nahihilo, nasusuka. Ipinikit niya ang kanyang mata.

Pagdilat niya dito ay napunta siya sa araw na naganap ang aksidente.

[3/4]

100 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon