"Shit!" mura ko nang mahulog ako mula sa kama koGumulong kasi ako at hindi ko alam na malapit na ako sa dulo ng kama kaya ang ending nahulog ako. Umupo ako at nagkusot ng mata ko. Inaantok pa ako dahil late ng natapos ang photoshoot ko kahapon.
"Ma'am Meghan?" tawag sakin ng isang katulong at kumatok ng tatlong ulit
Papungas pungas na tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.
"Pinapagising na po kayo ni Ma'am Scarlett. Breakfast na daw po kayo." sabi nito
Tumango ako sa kanya at wala sa sariling bumaba na. Wala akong pakialam kung magulo ang buhok ko dahil maganda naman ako kahit magulo ang buhok. At isa pa, baka magalit si mommy pag di pa ako bumaba.
"Good morning, mom, dad." bati ko at humalik sa pisngi nilang dalawa
"Morning, sweetie. Maupo ka na." nakangiting sabi ni mommy kaya naupo na ako
Napalingon ako sa paligid nang mapansin na wala yung kambal na kuya ko.
"Asan sila Kuya?" takang tanong ko
Binaba ni dad ang binabasa niyang dyaryo at sinagot ang tanong ko.
"Nasa business trip ang Kuya Adam mo, while your Kuya Niall, well doon siya natulog sa condo niya. Baka may dinala nanamang babae kaya doon natulog." naiiling na sabi ni dad
Napailing nalang din ako sa sinabi ni dad. Well, my two brothers are complicated. Si Kuya Adam seryoso sa buhay pero madalas din silang gumawa ng kalokohan noon ni Kuya Niall. Si Kuya Niall naman babaero siya at mas naging babaero siya noong namatay yung girlfriend niya. That's a different story.
"I heard Shaun is back." dad said
There's something in his voice the way he say those words but I can't name it. Parang may alam siya na hindi ko alam pero hinayaan ko nalang. Napalunok ako sa sinabi ni dad at napainom ng tubig.
"Yeah. Binisita niya ako sa photoshoot ko nung isang araw." kalmadong sabi ko
Mom looked at me. May kakaiba sa tingin niya kagaya ni dad pero binalewala ko nalang din iyon. My mom can be weird sometimes.
"Binisita ka niya? Dapat dinala mo siya rito sa bahay." sabi ni mommy at nagpatuloy na siya ulit sa pagkain
"Mom, kakagaling lang niya sa flight kaya pinapahinga ko muna." sagot ko rito
Close si Shaun sa pamilya namin lalo na at pinsan ko siya. Lagi rin siya sa bahay mula pagkabata hanggang sa mag-college kami dahil kaedad lang namin siya ni Gavin.
"You sound like a concerned girlfriend." nakataas ang kilay na sabi ni mommy
Napalunok ako sa sinabi ni mommy at tumawa ng peke sa sinabi niya. May alam ba si mommy? Imposible naman yun.
"A-Ano ka ba, mom? He's my cousin." sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin
Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko sa sinabi ko. Sana hindi ko nalang pinsan si Shaun. Kung ganun lang sana ang buhay namin edi sana hindi ko tinatago sa kanya ang nararamdaman ko. Edi sana pwede kami.
"She's right, baby. They're cousins." makahulugang sabi ni dad kaya hindi ako makatingin sa kanila
"I'm not saying anything naman, Jack." sabi ni mom kay dad
I'm being uncomfortable because of their topic. Pakiramdam ko may alam sila. Sana nagkakamali lang ako ng pakiramdam. Hindi nila pwedeng malaman na nagkaroon kami ng relasyon noon ni Shaun.
Yes, we had a relationship. We're cousins but we love we each other. I love him and he loves me way back then. Pero bigla nalang siyang nawala noon at iniwan ako. I cried because of him pero anong magagawa ko? Gusto niyang umalis kaya hinayaan ko nalang siya at ngayon, bumalik na siya.
"Good morning everyone!"
Napatingin kami kay... Kuya Niall? Oh yeah. He's Kuya Niall. Medyo seryoso sa buhay si Kuya Adam eh. Argh! I'm a worst sister ever. Nalilito ako sa kanila kahit na kasama ko silang lumaki at mga kapatid ko sila dahil magkamukhang -magkamukha sila.
"Saan ka nanaman galing kagabi?" matalim ang mata ni mommy habang nakatingin kay Kuya
Humalik siya kay mommy at sakin tapos nagtanguan sila ni daddy bago siya naupo.
"Work, perhaps? Come on, mom! I'm old enough to be independent. Kung tutuusin dapat nga may sarili na akong bahay eh." nakasimangot na sabi ni Kuya
Mas tumalim ang mata sa kanya ni mommy at sinamaan din siya ng tingin ni dad. Napailing naman ako dahil alam ko na magagalit nanaman si mom dahil sa sinabi niya.
"You want to be independent and buy your own house? Yun ba talaga ang gusto mo? Matanda ka na nga pero hindi ko nakikita sa kilos mo ang sinasabi mong edad mo. Kailan ka ba titino, Niall? Sawang-sawa na ako sa pambabae mo at sinasabi ko sa'yo, ayokong marinig sayo na nakabuntis ka ng babae ng hindi ka naikakasal." puno ng otoridad na sabi ni mommy
Tuluyan na akong natahimik at yumuko dahil ayokong nagagalit si mommy. She's scary when she's mad and I swear I don't want to see her mad.
"This is me, mom. Bakit hindi niyo nalang ako hayaan na doon na talaga tumira sa condo ko?" inis na sabi ni Kuya
Napatingin ako kay Kuya at pasimple siyang sinipa sa paa pero hindi niya ako pinansin. Never talk back, Kuya.
"Niall!" saway sa kanya ni dad
"What dad? I want my freedom! Matanda na ako pero hanggang ngayon para pa rin akong preso at teenager na kailangan kong sabihin kung saan ako pupunta o saan ako galing."
Napapikit ako ng mata nang tumaas na ang boses ni Kuya Niall. Yan naman palagi ang issue nila ni mommy eh dahil hindi siya umuuwi sa bahay palagi tapos bumili siya ng condo niya nang hindi namin alam.
"Watch your words, Niall." nagtitimping sabi ni mommy
"I'm just saying the truth, mom. Kailan niyo ba ako papakawalan? Kapag uugod-ugod na ako?" mapait na sabi ni Kuya
"I'm just doing this for you." seryosong sabi ni mommy
"No, mom. You're doing this because you're selfish. Iniisip mo na mawawalan ka ng anak pag hinayaan mo kaming magkaroon ng condo at mamuhay ng mag-isa." malamig na sabi ni Kuya Niall
Sabay kaming napasinghap ni mommy nang biglang higitin ni daddy ang kwelyo ni Kuya Niall at tinayo. Matalim ang tingin ni daddy sa kanya at maging si Kuya Niall ay nagulat sa ginawa ni dad.
"Watch your words, son. Where's my sweet son, huh? Binaon mo na rin ba sa hukay kasama ni Hikari?" matigas na tanong ni dad
Nakagat ko ang labi ko nang mabanggit ni dad ang pangalan ng namayapang kasintahan ni Kuya Niall. But it's true. Kuya Niall became like that since Ate Hikari died.
"How dare you mention her name, dad? How dare you." malungkot na sabi nito
Napatingala ako para maiwasan ang luha ko sa pagtulo. Ngayon ko na lang ulit nakita si Kuya ng ganyan.
"You want your freedom? You can have your freedom." mapait na sabi ni mommy at walang sabi na tumayo
Nakita ko pa ang pagpunas ni mommy sa pisngi niya bago siya umalis ng dining room. Napailing nalang ako at mabilis na sinundan si mommy.
"Mom? Mommy?" tawag ko sa kanya habang kumakatok sa kwarto nila ni dad pero walang sumasagot
"Mommy, are you okay?" muling tawag ko sa kanya
Wala ulit sumagot kaya napabuntong-hininga nalang ako. Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likuran ko.
"She's in the garden."
Napalingon ako kay Shaun at sinamaan siya ng tingin.
"What are you doing here?" masungit na tanong ko sa kanya
Bakit ba? Eh sa bitter ako sa kanya eh. Iniwan niya ako noon at siguradong iiwan nanaman niya ako.
"Visiting my girlfriend." nakangising sabi nito
Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip ako sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.
"Wala kang girlfriend dito. The last time I checked, you left her." mataray na sabi ko at tinalukran siya pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako
"The last time I checked, she's still my girlfriend because I didn't break up with her." seryosong sabi nito
Hinarap ko siya at sinampal. Kanina pa ako nanggigigil sa kanya. Ang lakas ng loob niyang sabihin yan sakin matapos niya akong iwan. He's really shameless!
"Ang kapal ng mukha mo. Wag kang umasta na parang wala kang ginawa, Shaun. Bigla ka nalang nawala and worse wala man lang akong alam. Sana hindi ka nalang bumalik dahil wala ka ng babalikan." gigil na sabi ko sa kanya
Lumungkot ang mata nito at dumaan ang sakit doon kaya napaiwas ako ng tingin.
"I still love you, Meghan. I'm sorry for leaving you back then." malungkot na sabi nito
"Anong magagawa ng pagmamahal mo, Shaun? Nasaktan mo na ako. I trusted you dahil akala ko hindi mo ako sasaktan pero nagkamali ako. Kung talagang mahal mo ako, hindi mo sana ako iniwan!" sumbat ko sa kanya
"Meg, listen. I have my reason, okay? I will tell you pero wag muna ngayon. Give me time, love." sinserong sabi nito at hinawakan ang kamay ko
Marahas na binawi ko ang kamay ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Time? Apat na taon kang nawala tapos time? Kahit ano pa yang rason mo, wala na akong pakialam, Shaun. Just save it because I don't need it anymore. Your explanation is four years late." mapait na sabi ko sa kanya
"What happened to you, Meg? You used to be sweet and caring to me." nakayukong sabi niya
Mapait akong ngumiti sa kanya at pinunasan ang luha kong tumulo.
"That was before, Shaun. Iba na ang sitwasyon natin ngayon. At alam mo na hindi pwede ang relasyon na gusto mo. Wag mong hanapin ang dating babae na iniwan mo." sabi ko rito
"That's bullshit, Meghan!" galit na sabi nito pero may iba sa boses niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi dahil may pumipigil sa kanya
"Umalis ka na, Shaun." seryosong sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran
Tumulo ang luha ko nang tuluyan na akong makatalikod sa kanya at mas lalong tumulo ang luha ko nang marinig ko ang huling sinabi nito bago ako makapasok sa kwarto ko.
"Babawiin kita, Meghan. Babawiin kita at pag nabawi kita, hindi na kita papakawalan."