Biters Ahead

22 1 0
                                    

"Hindi!" 

"Sabi mo bibilhan mo ko ng ice cream! You promised me.'' pagmamakaawa nya.

''Wala akong matandaan.'' patay malisya kong sagot.

Naka-upo kami sa may bubongan ng pinakamataas na bahay na unang natanaw namin habang kumakain at pinapanood ang mga nagkalat na patay na palakad-lakad sa ibaba. Tanaw na tanaw ko kung paano sila magbungguan, mag-ingay at maghanap ng bagong mabibiktima pero isa na ata ito sa pinaka tahimik na araw para samin. Sa amin ni Jakob. 

"I'm done eating. Gusto ko ng ice cream." tumingala na lamang ako at nanahimik. Tinignan ang langit at nag-isip kung paano mapagbibigyan itong batang ito. 

Wala akong anak pero pakiramdam ko bigla akong nagkaroon sa ayaw ko man o gusto.

Pero hindi na ko magrereklamo pa. Pasalamat na lamang dahil kahit papaano may nakakausap at nakakasama ako kahit na puro sakit ng ulo ang dala nito. Dahil sa tagal na naming magkasama, sanay na ako. 

"Baba na ba tayo? Kakakain mo lang. Ready ka na tumakbo?" panigurado ko.

"Di ako bibitaw sayo until I find my kuya if you buy me an ice cream." aba, saan ako kukuha ng ice cream? Noong isang linggo, nagpapadala sya sa beach dahil gusto nya magswimming at ito naman ako pinagbigyan ko. Noong isang araw lang gusto nya pumunta sa mall at mamili ng damit. Muntikan na nga kami maging hapunan sa loob ng mall kung hindi lang kami nakatakas mula sa bintana ng banyo. Ngayon gusto nya ng ice cream?  

"Hakob, saan ako kukuha ng ice cream? Tignan mo nga, walang kuryente." napahiga nalang ako sa bubong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa batang ito. 

"Pagnahanap na natin kuya mo, promise dadalhin na kita sa amusement park na lagi mong kinukulit sakin." eto na naman ako. Patung-patong na mga pangako ko sa batang 'to. 

Ngumiti na sya ng masigla at inayos ang bag na bitbit nya lagi na mas malaki pa sa kanya. Gusto kong kunin sa kanya at buhatin pero ayaw nyang ibigay sakin. Naaawa ako minsan kay Hakob. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung anong petsa na ngayon. Kung buhay pa ba iyong kuya'ng hinahanap nya. Ni ultimo pangalan o mukha hindi ko kilala basta ang sabi nya lang nung unang natagpuan ko sya "Babalikan ako ng kuya ko" . 

Iyon lang ang tanging pinanghahawakan ko. Tanging dahilan kung bakit hindi pa ako bumibitaw sa ideyang buhay pa at hinahanap sya ng kuya nya. 

Kapag nakita kitang lalake ka. Ako naman ang didikit sa inyo kahit saan kayo magpunta.

"Are you listening to me, babaeng kulot?" Napabangon ako nung makita ko syang nakatayo at handa nang tumalon pababa dahil nasira tatlong baitang ng hagdan.

"Sandali! Ako unang bababa."

"Is it because you wan't to leave me already?'' tignan mo tong batang to. Sya na nga inaalala, sya pa ang galit. Kebata-bata parang pasan nya lagi ang mundo sa magkabilang balikat sa init ng ulo minsan. 

"Hindi po, sasaluhin kita pababa at baka kung mapaano ka pa. Ano nalang sasabihin sakin ng kuya mo pag nagalusan ka nyan." dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nilingon ang paligid bago ko pababain si Hakob. 

"Wala akong naririnig. Talon na Hakob, sasaluhin ki—" 

"Sa likod mo!" dali-dali kong kinuha sa bulsa ng jacket ko ang nunchucks. Kahit ilang beses na kong nakakaharap ng mga zombie hindi ko parin maiwasang kabahan. Nahimasmasan ako ng bigla kong marinig ang matitinis nyang hagikgik. 

"Hakob! Hindi magandang biro iyon!" at syempre hindi rin ito ang unang beses nyang ginawa at gaya ng dati hindi ko parin maintindihan kung bakit ito nakakatuwa para sa kanya. 

ZombilliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon