Una sa lahat, nais ko kayong batiin ng isang Merry Christmas, para naman maramdaman mo na may nagmamahal at may isang taong may pake sayo, kahit papaano. Ahahaha, joke.
------------
At yun na nga, dumating nanaman ang pinaka gustong season ng mga batang gusto ng bagong damit, laruan at season nanaman ng pagka-LSS mo sa mga kanta like "All I Want For Christmas Is You", Jingle Bells", "Tis the season to be jolly, fa la la la la la la la la" at kung ano ano pa. Siksikan nanaman ang mga mall dahil sa kabi-kabilang sale at bargain ng kung ano-anong gamit, mula sa pinaka magandang damit hanggang sa mga appliances na isang pitik na lang eh bibigay na. Yup. Uhuh. Oh yes, dear. Pasko na! Ang saya!!!
At siyempre, di papahuli ang kabataan sa kanilang mga pakulo, gimik at mga banat na talagang boom-boom-pow na hugutan at super powerful na mga liiiiineesss mo na talagang, ewan ko ba kung heart broken ka ba or nakikiuso lang. Pero, all in all, bumabaha ang twitter ng kabitteran ng mga kasapi ng Samahan ng Malalamig Ang Pasko. Oh well dear, wala akong magagawa kung ganyan ka kabitter ngayon dahil dumating na ang Pasko ng wala ka nanamang love life. Wag kang mag-alala, kasi ako din.
Sabihin man ng marami na napaka-perpekto ng Pasko dahil dumating na ang Panginoon at Prinispe ng Kapayapaan (***insert heavenly angel voices), pero dahil tao rin tayo, may mali parin. At heto ang ilan sa mga bagay na ayaw ko at maaring ayaw mo rin tuwing sumasapit ang Pasko:
· Christmas Shopping – Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ng mga ginagawa tuwing Pasko. Ayaw ko nung rush ng pagbili ng pagkain at damit at ng mga kailngan tuwing Pasko. Who wants rushing things, diba? Ayoko nung feel na parang nagwawaldas ng pera. Using money is like whoosh, wala ka nang pera. Ansakit eh. Hindi kaya madaling gumawa ng pera, duh?! And nakakakonsensya din kasi. Hmpf.
· Pahabol na School Requirements – Jusko, sa lahat ng pwedeng manghabol sakin, eto ang pinaka ayaw ko. Sino ba ang gustong gumagawa ng Thesis at ng kung ano-anong school works tuwing Pasko? Yung tipong nagpuputukan na (Yehey!!) lahat ng pwedeng pumutok eh ikaw nasa hara ng laptop, tinatapos i-edit ang mga works and video projects niyo. Para mo na ring sinabi na magandang kumain habang tumatae (pero promise, masarap sa feeling na kumain habang nagle-let go ng sama ng loob.)
· Hugot – Actually, since the start ng pagka-uso ng mga computers and mga cellphone eh nagsimula na ang kabitteran ng mga kabtaan natin nagyon, nagsimula sa SMP hanggang sa kawalang ng forever, at jusko, pati pasko eh naisama. Oh well dear, di mo naman kailangan ng kahalikan at ka-cuddle ngayong pasko. Tandaan, ito ay para gunitain ang pagdating ni Hesus sa kanyang kapanganakan, at hindi para buhayin ang iyong katawan at natatago mong kalandian. Umayos ka boy. Hahaha.
· Instagram posts – Oo, masamang mainggit pero, human nature eh, nakakainggit. Yung tipong post ng post ng Starbucks coffee cups nila na may maling spelling nila. Aba ate, cup lang yan, di kawalan ng dignidad. Yung iba naman eh kung ano ano ang maipost, maconnect lang sa Pasko. Okay na sana eh, kaso ung caption eh, di ko maaninag yung connections. Lastly, yung iba pasiklab lang eh. (Baka naman rich kid talaga tapos ganyan ang Pasko niya) Hindeeee pasiklab yan! Bigyang ng posporo yan!!! Wooooohooooo!!
· Christmas feast- Oh well dear, alam kong nagtataka ka kung bakit may ganito sa ating listahan dahlia ng kainan sa Pasko ay laging ang pinakamasayang moment sa Pasko, kasi nandun lahat ng mga kapamilya, kapuso at kapatid mo, kaya boom boom pow sa saya ang buong Pasko, kaso may mga bagay talaga na mali eh. Heto ang ilan
- Kung isa ka sa mga talented na tao sa kamag-anakan niyo, ay siguradong papasample-in ka or paparecite ka sa gitna ng mga tita at tito mo na never mong nakita. Applicable : Mga kids at mga batang bibo at pasiklab. (baka talented talaga?)(Hindi, pasiklab yan!!! Rawrrr)
-Kung may nagawa kang mali or sobrang ikaliligaya ng pamilya, siguradong ibibida ka ng nanay mo sa mga tita mo.
Nanay: Hoy mare, alam mo bang nahuli ko tong si Dudung na may kasamang babae sa mall! Nagalit ako eh!
Tita: Hayaan mo na, ganyan talaga.
Nanay: Ganyan talaga ang ano?!
Tita: Ang mga beki? Diba bakla ang anak mo?
Nanay: Ay oo nga pala. (Sabay hug sa anak. Pahiya level: 1001)
-Sa sobrang dami ng pagkain eh di mo alam kunga no ang uunahin mo, yung Carbonara ba or yung Pesto, kung yung Lechon ba muna or yung Inihaw na liempo, kung yung Sans Rival ba or yung Leche Flan. Andaming choices, pero kailangan mong pumili. Hayyyy.
-At dahil ang dami niyong kumain, walang gustong magligpit ng pinagkainan dahil hindi na makakilos dahil sa (1) sa sobrang kabusugan (2) sa sobrang kalasingan (3) sa sobrang kaantukan (4) sa sobrang katamaran. Hay nako. Jeske.
-At dahil sobrang dami niyong handa (dahil pasiklab ang nanay mo sa pagluluto) hindi na magkasya ang tirang pagkain sa ref. Solution: Kainin. Sasabog ka na sa kabusugan. Good luck nalang.
· Christmas Party – Kabi-kabilang Christmas party also means, BUNUTAN. Jusko, yung tipong ipinagsisiksikan mo yung sampung Christmas party plus bunutan sa magkakaibigan sa loob ng P500 mong budget. Parang pinagkakasya mo ang sarili mo sa isang relsayong di ka naman kasama. Diba? DIBA?!! Rawr!!!!!
Pero dear, lahat ng ito ay panandalian lamang, mababaw, external. Walang epek yan sa kung ano talaga ng gustong ipahiwatig ng Pasko. Kahit anong gusto mong gawin, humugot ka man, ngumawa ka man sa lahat g mga gastusin mo sa pasko, lahat ng yan eh hindi makaka-apekto sa tunay na diwa ng Pasko.
Kaya ngayong Pasko, sana wag nating kalimutan ang tunay na mensahe ng Pasko. Kaya in behalf of myself (kailangan pa bang in behlf yun kung ako parin naman?), binabati ko kayo at ang inyong pamilya ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!
PS. Tumatanggap po ako ng regalo. Thankies!
BINABASA MO ANG
Adbays Ni Dudung
HumorUsaping pag-ibig. Usaping pag-aaral. lahat ng maaring maisip ng isang batang ipinanganak na may Iphone sa bunganga. Mga usaping maaring hugutan, maaring isipin, ngunit hindi maaring mangyari. Bunga ng ka-boringan ng buhay at naghahanap ng mapaglilib...