WDTYB2-The 100th Day

70 2 0
                                    

CHAPTER2- The 100th Day. Jeric Nelvin’s POV

Pagkatapos niya akong hilahin palabas ng room, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hnggang makarating kami sa mini playground ng school.

“Love, ano, mag-eepla---“

“Jeric,” Awww. Hindi Love yung tawag niya akin. “You don’t need to.”

“Mag-eexplain ako!”

“Jeric, wag ngayon.”

“Mali nga kasi un nalaman mo! Hayaan mo na kong mag-explain!”

“Ano pa bang hindi ko naintindihan dun, ha? I hate you! I’ve been so good to you! I try to understand everything about you kasi alam kong napakataas mong tao! But how? I can’t even understand why do I have to fall for you?!”

Shit. Nakita kong may pinahid siya sa mukha niya. Umiiyak siya. Kasalan ko to eh. Wala akong magawa. Galit siya sa akin.

“HAHAHAHAHA!”  o_O ???? Huh? Bakit sia tumatawa?

“Ang drama ko naman! Hindi bagay sakin eh. Kaya siguro hindi ako tinanggap ni Ma’am Mariz sa Drama Club. Tssskk! Teka. Gala tayo bukas ha?”

“Ano? Hindi pwede!”

“BASTA! Magmo-Mall tayo bukas. Kita tayo sa terminal ng bus bukas ha. 10 am. Konyatan kita pag late ka!”

“Pero..---“

“No Ifs, No Buts, No NO’s!”

“Do I still have a choice? J

Ngumiti siya. Ung ngiti niyang siyang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Pero alam kong baka hindi ko na makita to ulit.

THE NEXT DAY. MALL.

“Jeriiiiiiiiiiiic! Tara kain na tayoooooo!”

“Teka lang Lex! San mo ba gusto?”

“Jan na lang sa food court. Di naman ako mapili eh!”

Isa yan sa dahilan kung bakit ko sia minahal. Simple lang siya. Di tulad ng iba ng gusto pa sa fine dining! At ayon nga. Bumili kami ng food sa Baliwag Lechon Manok. Sisig at Lechong Kawali sa kanya. All time favorite eh. Nagkwentuhan pa kami habang kumakain at pagtapos nag-Timezone pa kami. Shopping, ikot, gala dito, gala diyan. Pero habang papalapit ng papalapit ang pagtatapos ng araw, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ng kinakabahan.

“Jeric, lets talk.”

“Uhhm? ”

“Lets talk!”

“okay!”

Naglakad kami papunta sa fountain sa garden sa middle part ng mall. At alam kong ito ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Akala ko hindi na to darating eh. Akala ko okay na kami.

“Bakit?”

“Huh?!” Nagulat ako. Eto na.

“Bakit?”

“Barkada, pero promise! Hindi kita niligawan dahil sa pustahan. Mahal na talaga kita!”

“Mahal mo ba talaga ko?”

“Lex! Ano bang sinasabi mo! Oo naman!”

“Minahal mo nga ba talaga ko?”

“Lex! Ngayon ka pa ba magda-doubt?!”

“Jeric, hindi mo naman ako masisisi eh! Sana ibang tao na lang un nanloko sakin eh. Pero hindi eh. Ikaw! Ikaw pa na mahal ko! Bakit Jeric? I’ve never been happy in my life other than the days I’ve been with you! Ang saya ko na eh! Ang saya saya ko na! pero wala eh. Ganito pala talaga. Totoo pala un sinabi ni Mommy sakin. ‘High school Sweet Hearts never last. You might say it will but it will never will. ’ “

“Sorry. I’m sorry!”

“Sorry? Bakit ka nagsosorry? Kasi nagmukha akong tanga?! You have the choice right from the start. But still, you chose to hide it from me. Kung sinabi mo naman un sakin hindi naman ako magagalit sa’yo eh. Kasi alam kong may dahilan ka at iintindihin ko un. Pero hindi eh. Alam mo ung I have been happy for that 99 days kasi kasama kita? Pero for that 99 days?  I WAS JUST A PART OF YOUR BET.”

Wala akong masabi sa kanya kasi totoo naman. Pwede ko naman kasing sabihin talaga sa kanya kasi alam kong maiintindihan niya ako. She’s the most understanding person na nakilala ko! Pero eto, tinago ko sa kanya. Kasi akala ko hindi na uungkatin ng tropa un eh.

“Jeric, Thank You. Thank You for everything. Thank you for the 100 days of Lies. WE’RE OVER.”

I WAS LEFT DUMBFOUNDED. Hindi ko na sia hinabol. Dahil alam kong kahit habulin ko siya, hindi na siya babalik sakin. Sumuko na siya. SUMUSUKO NA RIN AKO.

End of Flasback.

When Destiny Takes You Back (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon