Sam's POV
hindi ako makatulog, naiisip ko ang sagutan namin ni george. maling mali ang pinatunguhan ng usapan namin. mali na ibalik ko pa ang nakaaraan. nagsisimula na kami ng bago kaso itong isip ko, bibig ko di marunong makipag-coordinate sa puso ko.
1 message received
george: I'm very sorry for the 8 years. I love you. good night.
nagising diwa ko doon. ganun pa din epekto niya sa akin. hindi ko kaya na nasasaktan siya, lalo na ako pa nakakasakit sa kanya. hindi na ako nagdalawang isip. tinawagan ko na siya.
please answer george. please.
then sinagot niya. Thank God.
"hello." sabi niya
"..." hindi ko alam paano ko sisimulan. gusto ko sabihin lahat.
"sam?" nagsalita siya ulit. "I'm sorry. I know its my fault, ang..." pinutol ko siya sa pagsasalita, naasar ako, sam na lang tawag niya sa akin.
"sam na lang tawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"ha? baka a..a..ano kasi, galit ka pa. baka end mo yung call." she's stammering
"ako tumawag, tapos ie-end ko. george naman.."
"bakit ikaw george pa din tawag mo sa akin?" nai-imagine ko naka-pout siya ngayon parang bata. ang cute niya. natawa ako bigla.
"kita mo pinagtatawanan mo pa ako. hindi ko na nga alam sasabihin ko." tampo na kaagad mahal ko, paano ko ba naman matitiis ito. "mahal, ang iniiwasan ko lang ang maramdaman mo na iiwanan kita ulit, na mangyayari ulit yung dati." paliwanag niya.
hindi ko nga alam paano napunta dun usapan namin kanina.
"mahal ang point ko lang hindi ka nagpaalam, nagtext o tumawag. nagalala lang ako. at never ko inisip na iiwan mo ako dahil nangako ka na. at sa lahat ng ayoko nasasaktan kita. I'm sorry too."
"ayoko isipin mo na may mas mahalaga pa sa buhay ko higit pa sayo. mahal na mahal kita, samuel valmadrid. hindi na kita iiwa, hinding hindi na kita sasaktan."
"wait for me." sabi ko kay george at agad akong nagbihis. pupunta ako sa kanila. hindi ko na matiis na hindi ko siya makita at mayakap. sinuot ko ang jacket ko at kinuha ko ang susi ng kotse, nagdrive papunta sa kanila. wala pang 20mins nasa labas na ako ng gate nila. natagalan ako dahil naghanap ako ng bulaklak wala ako nakita kaya, pumitas na lang ako sa park malapit sa kanila.
"mahal, bakit mo binaba?
"will you allow me to see you?"
"oo naman. tomorrow, labas tayo. babawi ako."
"no, not tomorrow. now, I'm right here. sa labas, sa may gate niyo? you can see me through your window."
"what!!!! as in now? gulat ni george sa sabi ko. nawala siya sa linya pero di niya pinatay ang cp niya, rinig ko pagtakbo niya. bumukas ang ilaw nila sa may sala at doon nakita ko ang pinakamamahal ko nakasilip, alam ko umiiyak siya, naririnig ko.
"hintayin mo ako. bababa ako."
"sige. sige" in-end niya ang tawag ko. tumakbo na siya sa gate. marahan itong bumukas. tumakbo siya sa akin.
"mahal" sabi niya pagyakap sa akin. hinalikan ko ang ulo niya, ang tenga niya. hinarap ko siya sa akin, hinalikan ko ang noo niya, tip ng ilong niya, pisngi niya, at isang smack sa labi niya.
"mahal nakarami ka" sabay hampas sa braso ko. natawa ako. napansin niya pala yun. "sinira mo yung first kiss ko. hmp.."
"mahal naman. first, second, third kiss pa yan basta ako lang hahalik sayo, forever memorable pa din yan. di ba, di ba?" sabay kiliti ko sa kanya.
" I'm sorry mahal ha. hindi ko na uulitin."
"ako din. oo naging o.a ako, tama ka naging childish ako. and I'm sorry the way I acted. mahal na mahal kita. ayoko na na magaaway tayo. na magsisigawan tayo."
"ayoko din. mahal na mahal kita samuel."
"mahal na mahal kita georgina."
George's POV
nagkaayos na kami ng mahal ko. ang sarap at gaan sa pakiramdam. dito kami ngayon sa duyan sa veranda, nakahiga ako sa braso niya, nakayakap ako sa kanya. nilalaro niya ang tenga ko.
"mahal, kantahan mo naman ako. bilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses mo ako nakantahan noon."
"sige anong kanta ba? teka isip ako." bakit kung kelan ko siya kakantahan tsaka ako naubusan ng makakanta.
"mahal may favorite akong kanta. yung when I met you. tsaka ang fave kong version kay sarah geronimo. narinig mo na ba yun? tsaka magaling yun, maganda, sexy. mabait. sobrang crush ko yun. the best magperform"
"mahal!!!" gulat ko sa mga sinabi niya. si sam gusto si sarah geronimo. well hindi ko naman itatanggi magaling siya, maganda, mabait ay SEXY!!!! nakakaselos na.
"mahal bakit natahimik ka? ayaw mo ako kantahan?" hindi nagseselos lang ako sa sarah geronimo mo, ay naku makakanta na nga ng makita niya magaling ako dun.
" There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even known, what love and life were all about
Then you came,
You've brought me out of the shell
You gave me the world to me, and before
I knew, there I was so in love with you
Chorus
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existent
And it all began, when I met you
II
I love the touch of your hand
And when I look in your eyes, I just know
I know, I wanted something good
And I'm sure, my love for you will endure
Your love light up my world and take all my cares
Away where they've be part of me
Chorus
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existent
And it all began, when I met you " and that's it I sang it for him.
"yung kanta, para sayo yun. binago mo buhay ko. binigyan mo ng saysay. simula noon hanggang ngayon, mahal na mahal kita. walang nagbago."
sabi ni sam sa akin. at dahil doon di ko napigilan umiyak, at yakapin siya ng mahigpit.
"I love you so much mahal." and then we kissed.
AUTHORS NOTE
bago lang akong writer. 2nd story ko pa lang. at natutuwa ako kahit bago lang ako may mga bumabasa sa work ko. sana madagdagan pa kayo. sa paraan kong ito nashe share ko ang hilig ko sa pagsulat. ang mga bawat nararamdaman ng karakter ay naramdaman ko sa mga pagkakataong nagmahal ako at nasaktan. at pagkakataon na mga linya ay mga gusto ko sabihin o marinig sa taong mahal ko. sa mga salitang yun puso ko ang nagsasalita.
maraming salamat :)
pakishare naman sa iba.
