Welcome to the Group

1 2 0
                                    

Bumalik kami sa table after naming maka-order. Nakuuu! For sure marami silang tatanungin sa amin. Di bale, nandyan naman si Steve para magpaliwanag, tutal sila naman ang magkakaibigan, sinabit lang ako dito eh.
Kumpleto pala sila, silang anim na boys with their girls.

"So Steve pakilala mo naman samin tong chicks mo, meron ka naman pala, di mo sinasabi eh" tinignan ako ni Spade at nag-wink sa akin.

Wala hindi tatalab sakin yan, sya lang may epekto sa akin. Hahaha. Tsaka, may girlfriend na yan eh na nandito rin.

"Arayy! Babe naman, biro lang yun!" Piningot ni Yanna si Spade.

"Ang landi landi mo kasi! Anong gusto mong mangyari ?" Pinandilatan nya ng mata si Spade.

Grabe. Under pa ata to kay Yanna eh. They look cute together , bagay na bagay sila.

"Eto naman, sayo lang ako! Kita mong kay Steve yan eh" mabilis na humalik sa pisngi nya si Spade na dahilan ng pagkapula ng pisngi ni Yanna.

Aww. Nakaka-bitter naman ang kasweetan nila.

"So ano na? You're Miss Barcel right?" si Jix naman ang nag-usisa. Oh well, kilala ko sila kasi nakekwento sila sa akin ni Steve yun nga lang hindi nila ako kilala, siguro kilala nila ako sa name since magkabatch at classmates kami last year. Ghost student ata ko e, wala akong friends, loner nga sabi ni Tibs.

Tumango ako at kinalabit si Steve sa tagiliran.

"Maybe you already knew her, She's Cassandra, my girl" Bumaling sakin si Steve at ngumiti ng nakakaloko, more on a smirk.

Mukha namang nagulat sila sa sinabi ni Steve. Kung wala lang tong mga kaibigan nya nabatukan ko na to. Namumuro na sya sa akin ha.

"What the! Since when? How come you didn't let us know?" Xander asked confusedly .

Teka , they get it all wrong.

"Ehemm, Wag kayo maniniwala dyan, Bestfriend nya lang ako, yun lang yun." Ako na ang sumagot baka kasi kung ano pa ang masabi ng lalaking to.

Tumango tango si Xander "Pero bakit di namin alam? Since when did you became friends?"

"Actually, last year lang" sabi ko.

"Last year pa! Di mo man lang sinabi Steve, agaw eksena kayo kanina eh" Binatukan ni Rain si Steve.

"Ulol! Ayaw nya ipaalam relationship namin" binatukan din nya si Rain.

"And why is that?" Baling ni Mikaela sa akin, girlfriend ni Xander. She's smiling at me so I smiled back.

"Nakakahiya kasi sumama sa kanya eh, baka kung ano ang sabihin ng iba" sabi ko nang malungkot.

"Ano ka ba girl, wala ka namang dapat ikahiya eh" wika ni Lhianne.

"Halos kasi lahat dito mayayaman, kayo, ako lang ata ang hindi. I think I don't belong here" uminom ako mg juice feeling ko kasi mauubusan ako ng saliva dito.

"You do belong here! Not beacause you're not that rich bawal ka na makipagkaibigan diba?" litanya ni Kylie, girlfriend ni Jix.

Yeah, tama naman sya. Pinangunahan kasi ako ng takot sa sasabihin ng iba.

"I know, ayaw ko lang kasi makarinig ng negative about sa akin"  paliwanag ko.

"Just don't mind them okay? So siguro kilala mo na kami?" Tanong ni Mikaela.

"Of course"

"Great, so were friends now right?" Inilahad nya yung kamay nya sa akin at tinanggap ko naman.

"Friends!"masayang wika ko sa kanila.

Ngumiti sila sa akin. "Thank you , may matatawag na rin akong mga kaibigan dito"

"Tsss! Mukhang nakalimutan nyo na kami dito ah!" Nagsitinginan kami sa mga boys at tumawa.

"Hahahaha"

Nagtinginan naman kaming mga girls at nagsitawanan ulit.

"Hahahaha" Grabe ang sarap sa feeling na marami kang katawanan na kaibigan.

"Tsss! May mga saltik na ata tong mga to eh" dinig Kong sabi ni Dace habang tumatawa kami.

"What did you say? Ha?!" Tinignan ng masama ni Lhianne si Dace. Hahaha. Under din sya.

"Wala , wala. Ang gaganda nyo sabi ko" palusot nya.

Tumawa ulit kami.

"Siguro kaming mga boys kilala mo na?" tingin sa akin ni Jix.

"Yeah" tumango tango ako.

"So starting now, you're one of us okay?" Rain gave me a genuine smile.

"Welcome to the group!" Masiglang sabi ni Yanna.

"Thank you guys! You don't know how happy I am right now" naiiyak na sabi ko sa kanila.

"Hahahaha. Don't cry! We're also happy to have you as a friend" Lumapit si Yanna at sumunod na rin ang iba.

"Group Hug!"

"Yeah! Group Hug!" they said in unison.

Naghiwa-hiwalay na kami at bumalik sa upuan. I'm still crying. Huhuhuhu.

"Nakuuu! Ang bestftiend ko crybaby talaga" pinunasan ni Steve ang luha sa pisngi ko ngumiti sa akin.

"Thank you Tibs! You made this happen" Pinunasan ko ang mga natitirang luha.

"Its nothing" wika nya.

Nagpatuloy lang kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Finally I have my friends. Maybe you're confused kasi sabi ko I have enough friends if you remember. Actually wala talaga eh, Si Tibs lang at mga stufftoys nyang binibigay ang friends ko. Hahaha. Before it was enough, they are enough but now I have more than enough. I'm lucky to have them and surely I'll treasure them.

Hindi na lang si Steve Kyle ang lagi kong makakasama, nagsasawa na kasi ako sa mukha nya. Hahaahah. Just Kidding. Sapat na sa akin si Steve lang, masaya na ako. Pero mas masaya pa rin pag maraming kaibigan.

Buti na lang at mababait sila, at madaling i-approach.

Pero sya pa rin ang nag-iisang best friend ko. Always and Forever.

To be continued.
-----------

Huhuhuhu. Walang nagbababasa hahahaha.
So sad :'(
Pero still ipapagpatuloy ko pa rin to. 
Fighting! ...

Secret FeelingsWhere stories live. Discover now