Sinabihan ni Artemis si Hermes na pumunta kay Ursula, ang diyosa ng mangkukulam sa ilalim ng dagat. Agad namang naniwala si Hermes.
Sa ilang araw na lumipas, napagtanto ni Pia na hindi rin nya kayang mawala si Hermes sa kanyang buhay.
Kaya buong loob na nagdisisyon si Pia na puntahan si Hermes sa Olympus.
Tinahak nya ang mahabang daan. Tinawid niya ang mga nagngangalit na ilog. At inakyat niya ang mga matatarik na bundok hanggang sa makarating sya sa Olympus.
Laking pagtataka ni Pia kung bakit ang dali niyang nakapasok gayong hindi basta-bastang makakapasok ang mga normal na kagaya niya.
Ganoon pa man ay walang sinayang na oras si Pia sa paghahanap kay Hermes. Lahat ng makikita niya ay tinatanong niya subalit wala ni isa ang sumagot sa kanya.
Hindi niya mahanap si Hermes. Pumunta na kasi ito sa karagatan upang magtungo kay Ursula.
Nalaman ni Zeus ang pagpunta ni Pia sa Olympus kaya pinatawag niya ito sa kanyang bulwagan.
Bago pa man dumating si Pia ay alam na ni Zeus ang tungkol sa kanila ni Hermes at hindi siya payag dito.
Tinanong niya kung ano ang pakay ni Pia. Napag-alaman niya na hinahanap nito si Hermes kaya nagalit siya at nagsumpa,
"Bumalik ka na sa lupa dahil hindi mo na makikita ang aking anak; at sa paglisan mo ala-ala ng iniibig ay iyong kakalimutan."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagliwanag ang paligid ni Pia.Bigla siyang nahulog sa kawalan at nagising sa kanyang kwarto.
Pakiramdam niya ay kagagaling nya sa isang mahabang panaginip subalit wala siyang maalala.
BINABASA MO ANG
When Cupid Revenges[Short Story](Completed)
Fantasy(COMPLETED)Paano kung sa isang ganti magbago ang buhay na nakasanayan mo? Paano kung mapunta ka sa isang taong kailan man ay 'di mo hinangad? Alin ang susundin mo, PUSO o ISIP? Handa mo kayang gawin ang lahat para sa taong mahal mo? Eh paano kung bi...