chapter 21

7 0 0
                                    

Jerin's pov

Nandito ako sa loob ng van at niisa walang nagtatangkang magsalita. Nagdesisyon nako na umuwi na kaya heto kami ngayon nagbibiyahe na pauwi. Nakatingin lang ako sa bintana at umuulan na...

So ako pa ung masama ngayon?! Ikaw na nga ang pinagtatanggol ikaw pa ang galit?!!

Tumulo na ang luha ko dahil naalala ko si yen. Hindi sya sumama samin pauwi. Nandun lang sya sa resort ng tito nya..

hindi sya nagpakita man lang sakin at nagpaalam.. pero bakit nga ba nya ako kakausapin eh galit nga sya sakin dahil sa nangyari kanina..

Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ko ang luha ko.

Mga ilang oras pa bago ako nakauwi sa bahay ko. Wala akong kinausap niisa sa kanila dire diretso lang akong pumasok ng bahay. Alam kong bastusan pero gusto ko ng magpahinga. Pagod ako eh.

Humiga ako sa kama at natulog na lang ng magising ako at 10 nako nagising ng umaga.

Pumunta akong kusina at ang tahimik dahil wala si yen. Walang nanlalambing sakin para paglutuan ko sya.. walang makulit na pupunta sa  restaurant ko..

Ang boring talaga.. wala si yen.. namimiss ko na sya..

Kasalanan ko to eh. Sinigawan ko sya. Nagalit ako sa kanya..

Nagbihis ako at pupunta ako sa condo nya baka sakaling nandun na sya.

Nagcommute akong papunta sa condo ni yen at nahirapan akong magelevator dahil andaming tao.

Kung wala namang tao sira daw ung kabilang elevator.

Yung totoo? Anong klaseng lugar to?!

Takbo dito takbo doon para makahabol ako sa elevator kaso wala! Pagod nako..

Sayang naman tong pagkain na hinanda ko.

"Miss sasabay ka ba?"   Napalingon ako kay manong at sumabay nako sa kanya sa elevator.

Pagkadating ko sa tapat ng pinto kumatok ako pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako kaso wala talaga..

Wala pa ata si yen.

Napayuko na lang ako at sumakay na ulit ako ng elevator at naglakad na sa kalsada..

Biglang may bumusina sa likuran ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"San ka galing? Bakit naglalakad ka mag isa jan?"  

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang di ako makahinga..

"Sa condo ni yen. Kaso wala pa sya eh."   Sagot ko naman ng pinasakay na nya ako sa kotse nya at sumakay naMan ako.

"Gusto ka nga palang makita nila ate."   Napalaki naman ako ng mata.
"Ha?!"   Ngumiti naman si zen at natawa.

"Ang cute mo namang magulat."   Napayuko ako bigla sa hiya. Takte yan! Wag ka ngang pafall zen!

Konting konti na lang talaga masasakal na kita!

"Bakit ka nga pala pumuntang condo ni yen?"   Napabuntong hininga naman ako.

"Chineck ko lang kung nandun ba sya at gusto ko syang kausapin.."   sagot ko naman.

Ang aga naming umuwi dahil SAKIN. hindi na naging masaya ang bakasyon namin dahil SAKIN..

Biglang tumulo ung mga luha ko.
"I'm sorry zen kung hindi naging masaya ang bakasyon natin ng dahil sakin.."   nakayuko kong sabi habang humihikbi.

"Hey hey hey.. ayos lang no. Naenjoy naman natin ang ilang araw na magkakasama tayong lahat.."   sabi naman nya ng pinunasan ko ang luha ko. Napakaiyakin ko talag kahit kelan..

Blank PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon