Caution 17 - Urgency

242 16 0
                                    


Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Chapter 17

Nicole's POV

"Ahhhhhhh!!!!" sigaw namin lahat.

Nagpaikot-ikot kaming lahat sa loob ng sasakyan, habang patuloy parin ang pagtakbo nito. Matindi ang tinamo naming lahat, at sa tindi nito ay nakatulog na lang ako noong humampas ang ulo ko sa isang bakal.

Pagkagising ko, lahat ng kasama ko ay wala paring malay, ako pa lang ang mayroon. Napasin ko na may pilit na pumapasok sa aming sasakyan na naka-baliktad pa. Pilit nilang binubuksan ang pintuan nito, hanggang sa nagulat na lang ako noong nabuksan nila ito at itinapon lang sa tabi ang pintuan.

Malakas sila, hindi ako makapaniwala!

Nakita nila akong gising, tatlo silang lalaki na nakasuot lang ng itim na damit at sapatos. Ngumiti sila sa akin, 'yung isang lalaki na taas-taas ang buhok na kulay blue ang unang lumapit sa akin.

"Kamusta ka na? Masakit ba?" Pang-aasar na tanong niya sa akin.

"S-s-sino k-kayo?!" tanong ko sa kanila kahit nahihirapan pa akong magsalita.

"Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?" taas-kilay na sabat ng isa pang lalaki na bagsak ang buhok, kulay itim lang ito.

"K-kayo ba ang may gawa nito?!" galit kong tanong sa kanila.

"Obvious ba? Mahina pala kayong taga-sotiria, akala ko naman malakas, tss." Pilosopong sagot ng isang lalaki na naka-tali ang buhok na may kulay pula sa gitna.

Hindi na ako nakasagot, natatakot ako sa mga ito! Hindi ko maintindihan, bakit ganito sila magsalita?! Bakit parang may galit sila sa amin?!

"Brad, easy lang, mabuti pa't gawin na natin ang trabaho natin." sabi nung isang lalaki na kulay blue ang buhok.

"Sige, pero saglit lang, may gagawin lang ako sa driver, mukhang buhay pa, e." sagot ng lalaking may kulay pula sa buhok.

Nakita ko kung anong ginawa niya, alam kong buhay pa 'yung driver namin ngunit kinagat niya sa bandang pulso nito! 'Yung nakagat niyang laman ay agad niyang kinain ito, halos masuka-suka ako sa ginawa niya!

Ano ba sila!? Zombies?!

"Sleep tight, Baby girl." Sabi sa akin ng lalaking itim ang buhok at saka ako sinuntok sa mukha.

Doon, nawalan na ako ng malay.

"'Wag!" bigla kong sabi noong nagkaroon ako ng malay.

Naramdaman ko na magkahiwalay na nakataas ang dalawa kong braso at nakatali ito sa isang mahabang tubo. Nakatayo ako sa isang kulungan ng aso, ngunit napansin ko na hindi basta-basta ang asong ito, duguan ito at halatang may mga nawawalang laman sa katawan! Isa itong zombie!

Nagpa-linga-linga pa ako sa paligid, nakita ko ang mga kasama ko. Lahat sila ay nasa parehas kong posisyon. Ngunit kulang kami ng isa, nasaan si Jommer?!

Hinanap ko siya, ngunit ni-anino niya ay wala akong nakita. Muli kong pinagmasdan ang lugar, para kaming nasa isang warehouse, hindi ko alam kung bakit. Teka, hindi kaya--- 'wag naman siguro!

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon