Author's POV
*Yawn* Gudam/pm sayo. Guys, pwede parequest? Please!
* Puppy eye* (•…_…•)
Pwede paggawa naman po ng book cover oh. Sige naman oh. Please!!!! Kung sino ka man. Magcomment ka po please. *Cross finger* (Sana may magcomment.)
#Weirdlove#VJMO<3
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Innah's POV
One week na nakalipas pagkatapos ng date namin kasama sila Erika nun. Patagal ng patagal ay pabago ng pabago ang ugali ni Gerard.
Madalas na siyang magtampo magsungit, hindi niya ako nirereplyan sa text, hindi din niya ako sinasagot sa tawag, pagkasama ko naman siya sa paglalakad ay hindi na siya umaakbay o nakikipagholding hands saakin. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi naman talaga siya ganito noon ah?
Oo, paulit ulit na ako na sinasabi ko na may kakaiba na talaga kay Gerard. Pero boyfriend ko siya. Kailangan kong makielam sakanya.
Binuklat ko na yung libro ko at kumain ng binili ko sa canteen. May quiz kami mamaya sa physics and sa mapeh namin. "Shet! Andami!" Gosh! Ang daming mememorizine sa mapeh.
Bumalik nanaman sa pagiisip ko si Gerard. Ginulo ko na lang yung buhok ko dahil sa inis ko. "Gerard naman kasi eh! Panggulo ka talaga!" Bumagsak na lang ang ulo ko sa table. Haggard na ako this week.
Oh and by the way. Alam niyo ba kung ano ang attire ko ngayon? Ha?! Walang iba kundi naka palda na above the knee tas naka high heels and maluwag na t-shirt na kulay pink. Sabi kasi ni Gerard nung last last last day mag bago na daw ako ng attire ko. Yung pangbabae talaga para mas mainlove daw talaga siya saakin. Ayieee!!!!
Lahat naman ng mga classmates ko ay nagulat sa itsura ko. "Innah?!" "Ikaw ba talaga iyan?!" magkasalubong ang kilay ni Frances. Hindi ata siya makapaniwala na ako talaga to. The new Innah Guttierez.
"Hindi ba halata? Muka ba akong alien sayo?" Alien? Si luke nga pala yun.
Aish! Bumalik nanaman siya sa utak ko. Wag na please. Punong puno na ng file ang aking mind. Tsk!
"So ikaw pala yung pinaguusapan ng mga ibang estudyante sa school. Ang bestfriend ko na celebrity na sa school."
"Celebrity? Paano mo naman nasabi na celebrity na ako dito sa school?" Ngumiti naman siya saakin, hinila niya na lang ako papunta sa isang bulletin board.
*BOOM*
Ang picture ko na nakapaskil sa bulletin board. Kelan nila ako nakunan nito?
Most Popular:
1st : Innah Guttierez
2nd: Luke Gonzales
3rd: Kiara Meagara
4th: Gerard Gonzales
5th: Frances Montecillo
---------------------------
"Nakakahiya naman ito. Nakapaskil ang picture ko dito."
"Anong nakakahiya?! Baliw ka ba? Lahat ng estudyante dito ay nangangarap na ipaskil dito ang picture nila. Innah mahirap kaya mailagay ang isang picture diyan. Pero nakakagulat ha, nakuha mo ang corona ni Luke. Kasi nung bago pa lang siya dito sa school siya na ang may hawak ng corona." nakangiti na sinabi ni Frances. "Ang pogi niya dito noh, kunin ko kaya? " sabi niya habang nakatingin siya sa picture ni Luke.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy meets Mr.Pogi ( FIN)
RomanceTwisting love is waiting for Ms. Tomboy?! Thats weird. Love triangle ba ang tema ng story ni Ms.Tomboy? A tomboy- palaging masungit , umiinum , naninigarilyo , galaero gabi gabi , mahilig magdota , may kasamang mga t*ngang tropa at mahirap lang si...