PROLOGO
" Tsupi!!!" Umalis ka nga diyan sa harap ng gate namin!!" sigaw ng anim na taong gulang na si Lolita.
Nagulat naman ang babaeng marungis sa pagalit na boses ng batang babae.
" O ano pang tinitingin tingin mo diyang pangit ka ha!! Marurumihan ang gate namin! " Saka ang baho baho mo kaya!! " muling singhal ng walang galang na bata.
" Nagugutom na kasi ako ineng..." daing ng babaeng pulubi.
" Hmpptt!!!" Pakialam ko sayo! Basta umalis ka rito!!! Ayoko sayo ang pangit at baho mo kasi!! Alis!!!" sigaw na taboy muli ng batang si Lolita.
Dahil sa lakas ng sigaw niya ay humahangos na lumapit ang nag aalalang Mommy niya.
" Lolita , anak... anong nangyayari sayo!?" nag aalalang tanong nito sa anak.
Nagulat naman ang bata sa biglang pagsulpot ng Ina. Kaya wala siyang nagawa kundi ang umiyak...
" O anak, bakit ba? Ano bang nangyari sayo ha?" nag aalala muling tanong nito sa anak.
" Kasi po yung Ale na iyon, tinatakot niya ako"... humihikbing sumbong niya sa Mommy niya.
Napatingin naman ang Ginang sa babaeng marungis sa harap ng gate nila. Mababakas ang gulat sa mukha nito.
" E Ale, wag niyo naman pong takutin ang anak ko..." medyo mahinahong sita niya sa babae.
" Pero wala naman po akong ginagawa sa kanya... nanghihingi lang po ako ng pagkain, katunayan po niyan, inalipusta niya ako kanina." nakatungong sabi ng babae.
Nabigla naman si Mrs. Guada sa sinabi ng babae at napatingin sa umiiyak na anak.
" Lolita, sweety.. totoo ba ang sinasabi niya?" mahinahon niyang tanong sa anak.
" Huhuhu. ... Hindi po Mommy!!" mas lumakas pa ang iyak ng bata..
" Mabuti pa Ale, umalis na kayo" may pagkairitang taboy ng ginang.
" Pe-
" O eto ang pera! " makakaalis kana... " malamig na sabi ng ginang sa babaeng pulubi. Wala ng nagawa pa ang babae at umalis nalang.
Lihim namang napangiti si Lolita sa ginawa ng ina. Mahal na mahal talaga siya nito. Kaya kahit sa murang edad ay nagpapakabait na talaga siya, kahit kabaligtaran naman niyon ang tunay niyang ugali.
Medyo may kalayuan na ang babaeng pulubi ng magbago ang anyo nito. Ang kaninang babaeng marungis ay naging isang matandang babaeng kulubot na ang balat. Iyon ang tunay nitong anyo, galit na galit ang matanda. Mababakas ang poot sa nanlilisik nitong mata.

BINABASA MO ANG
Lolita Laitera
HorrorIsang dalagang ubod ng ganda. Subalit sa taglay niyang ganda ay siya namang kasingpangit ng kanyang budhi... isa na rito ang pagiging laitera.. sundan ang malagim na kwento ni Lolita Laitera.