"Minerva don't leave us here!"
Sigaw ng sigaw ang mga kasama ko pero heto ako't tumatakbo hanggang sa pinakahuling estasyon. Tama. Pagkatapos nito, wala na. Mabubuhay ako.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa wala na akong naririnig na sigaw mula sa mga kasama ko. Malamang naabutan na sila ng demonyong nagmamanipula saming lahat.
Napaluhod ako, hindi ko na mapigilang maiyak.
Sa aming magbabarkada, ako ang pinaka-walang kwenta. Ako ang pinakamakasarili. Oo mabubuhay ako pero gabi-gabi akong gagambalain ng konsyensya ko.
This is all my fault. It is really true. Curiosity killed the cat. Curiosity killed us.
Huminga ako ng malalim at sumigaw ng malakas. "Ano masaya ka na?! Pinatay mo lahat ng mga kaibigan ko! Naririnig mo ba ako? Patayin mo nalang din ako!
And the devil will always look for one thing that can destroy us all.
Lucky him, he found me.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang may naramdaman akong naglalakad palapit sakin. Pumikit ako ng mariin habang nakakuyom ang mga palad ko. Naghahanda para saking kamatayan.
Naramdaman ko ang hininga nya sa kaliwa kong tenga.
"Mga walang kwenta. Ni hindi man lang ako natuwang pinaglaruan kayo."
Lumingon ako para makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Pero hindi ko maaninag. Wala akong makita. Nararamdaman ko lang ang kanyang aura. "Ililigtas ko ang mga kaibigan mo, Minerva."
Hindi ko alam pero umangat ang aking mga labi dahil saking mga narinig.
Pero nagtaka ako nang tumawa sya ng malakas. Malademonyong tawa. "Pero sa isang kondisyon."
Nakatitig lang ako sa kanyang likod habang naglalakad sya palayo. "Look for the second batch." At pagkatapos nun, nagdilim na ang aking mga paningin at tuluyang lumagapak sa napakalamig na sahig.
Play with the devil. You can't scream. You can't call out for help. Because whatever you do, no one will hear your outcry.
BINABASA MO ANG
Hear Thy Outcry
Mystery / Thriller"Shush children. No one shall scream, or they'll hear thy outcry."