Author's POV
Nakarating si Aica sa isang makalumang village sa SoKor. Lahat nakatingin sa kaniya.
'Maiintindihan kaya nila ako?' Isip isip niya. Maya-maya pa mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya lumabas ang kanyang itinuring na ina.
"Mama!" Sigaw niya at napayakap dito.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Nagtataka ngunit maligayang-maligayang tanong ni Aica.
"Anak, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Halika sumama ka sakin." Hinila siya ng mama niya. Naririnig niya naman ang usap-usapan ng mga taong nandoon.
"Siya na kaya ang prinsesa?" Tanong ng isang matanda.
"Mukhang malapit ng matapos ang pamumuno ni MM." Sabi pa ng isa.
"Nakumpleto niya na nga yata ang mga stars."
'Ako ba ang tinutukoy nila?' Tanong ni Aica sa sarili. Hinila siya ng kanyang ina sa isang kubol.
Doon ay may nakaratay na isang lalaki. May mga sugat pa ito sa katawan.
"A-Aica, ikaw na nga ba yan?" Tanong ng lalaki sa kaniya.
"Ah. Eh. . ." Walang maintindihan si Aica sa mga pangyayari.
"Ako nga po. Pero b-bakit po-- Ano pong nangyari sa inyo?" Dumating ang mama niya mula sa kusina at ngayon ay may dala ng maiinom. Umiiyak ang lalaki.
"Mama, naguguluhan ako. Pumunta ako dito para hanapin si papa pero nandito ka rin. Ano po bang nangyayari?" Gulong-gulo na tanong ni Aica.
"Anak. . ." Napatingin si Aica sa lalaking nagsalita.
"Siya ang hinahanap mo." Nagulat si Aica sa nalaman pero ang hindi niya alam ay may mas matindi pang mga rebelasyon.
"Pero mama, akala ko ba--"
"Sshhhh walang alam ang mama mo dito. Ako ng magsasabi sa'yong lahat-lahat. Isa akong EXO-L ang tagapagbantay ng EXO Planet. Alam kong gusto mong malaman kung sino ang mga magulang mo. Aica, isa kang prinsesa ng EXO Planet. Ang mga magulang mo ay mga hari't reyna pero nagkaroon ng isang malaking kaguluhan dahil sa kasakiman ng isa ring dating EXO-L na si MM. Pinagkatiwala ka sa akin ng ama mo. Namatay sila Aica pero alam ko kung gaano ka nila kamahal at ang EXO Planet para protektahan ka. Binigay niya sa akin yung Diamond Necklace. Dinala kita sa Earth kung saan mas ligtas tayo. May mga ginto kaming dala mula sa planeta natin na dito pala ay malaking halaga kaya nakipagtulungan kami sa mga tao tulad ng mama mo at ng Teacher mo. Natayo rin ang EXO Academy para maattract ang kapangyarihang ibinigay ng papa mo sa labingdalawang batang lalaki ginamit ka rin niya na tinawag niyang heart. Kung wala ka hindi iyon gagana. Nakita mo na rin siguro ang papel na may nakapabilog na 12 stars kung saan sa gitna nun ay may pusong pula." Naalala ni Aica yung araw na nakita niya yun sa Secret Room. Ang pulang mantsa na pilit niyang tinatanggal.
"Ikaw ang heart na yun. Ikaw ang pilit kinukuha ni MM para mas mapadali ang pagsakop niya sa mundo at sa EXO Planet. Hinintay lang din ni MM ang pagkabuo ng heart diyan sa palad mo. At mukhang dumating na nga ang takdang panahon." Hinawakan ng papa niya ang palad niya kung saan lumantad ang heart na nandito.
"Kaya po ba nakikita ko ang star sa mga stars?" Pilit na inaabsorb ni Aica ang sinasabi ng kanyang ama-amahan.
"Oo. Yun ang naging palantandaan nila na makikita lang ng bukas na mata ng heart." Paliwanag pa rin ng papa niya.
"Ano na pong mangyayari?" Takot na tanong ni Aica.
"Mangyayari na ang takdang panahon mamayang madaling araw at alam na iyon ng Diamond." Biglang kinabahan si Aica.
BINABASA MO ANG
Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]
FanfictionHere's your mission. This story will show you 12 different faces of love. Choose your title for your love story. 1.Waiting for my prince 2.Ang boyfriend ng bayan 3.Courting you day by day 4.Love kita idol 5.Casanova's Kryptonite 6.The Cold Cr...