Let's make a scene

0 0 0
                                    


xxxxxx

Naglalakad ako ngayon sa corridor. Ewan ko kung san ako pupunta ngayon.

Free time namin ngayon.. Nakaka bored naman mag stambay sa classroom. Wala din akong ganang magbasa at pumunta sa library. Hayyy. Last na nakita ko si Arcel ay nung nasa locker ako. Naglalakad siya nun,tas parang may kausap sa phone. Susundan ko sana siya kaso tinawagan ako ni Iya.(classmate ko.) Tch.

Nagtingin tingin ako sa paligid. Dinala ako ng mga paa ko sa canteen.

"Oh my God,he's here na!"

"He's so gwapo."

"OMG!!!!"

May nakita akong grupo ng mga babae. Tumingin ako kung san sila nakatingin.

San kaya siya galing?

Tss. Pinagpapantasyaan na naman nila ang boyfriend ko. Hmp!

"Hiii Arcel"-girl.

Psh. Kung maka Hi kala mo naman nakalunok ng insekto sa liit ng boses. Napailing nalang ako.

Ngitian lang sila ni Arcel. Di pa nakontento,nilapitan pa ng mga bruha. Shucks! Ang lalandi.

Naupo ako sa tabi ng table nila . Lam nyo na. Eavesdropping. Kunwari nagbabasa ako ng libro.

" Uhm hehe ako nga pala si Urica."

"And Aicel."

"And cloue!"

I rolled my eyes .

Dahan dahan kong binaba ang librong binabasa ko.

"Nice to meet y----"

" AHEM!!" I cleared my throat. Kaya napatigil sila at tumingin sakin.

Bumalik ako sa pagbasa basa. As if seryosong nagbabasa.

"Nice to meet you." continue ni arcel. Pero he's not smiling. Poker lang siya.

Kinilig naman ang mga babae.

" Share tayo ng table ha? Hehe"

"Tss. Ang lalandi talaga ng mga kabataan ngayon. "

O.O

Oppss napalakas yata boses ko.

" What are you saying? Pinariringgan mo ba kami ?!!"

Tumingin ako sakanya.

"Bakit,natamaan ka? Sorry. " Ngitian ko siya saka ako tumayo.

*KRRRIIIIINNGGG*

Umalis na ko at pumunta sa room ko. Naku! gumawa na naman ako ng scene.

CAN I BE YOUR STALKER?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang