[Laro tayo] 4

6 0 0
                                    

School

KEN POV

Maaga kaming pumasok ni Ryle sakay ng kotse niya. Sa sobrang bilis ng araw pasukan na. First day of school ngayon pero parang tinatamad pa ko pero kailangan eh.
Nangmakarating na kami ni Ryle sa loob ng campus bumaba kami agad at pumunta sa building ng Filming course. Sa paglalakad ko sa corridor may nabangga akong babae sa tapat ng pinto.

"Sorry!" Apologize ko sa kanya. Nangtinignan ko yung mukha niya nagandahan ako. Tinulungan ko siya sa pagpulot ng mga gamit niya kaso ..

Parang ..

Hinila yung isa at..

Napunta sa malayo...

Hinabol ko yun...

Nangmaapakan ka na...

"Kuya anong hinahabol mo?" Tanong ng babae.

Napatingin ako sa inapakan ko nawala ito. Kaya bumalik ako sa kanya at umiling "wala naman" Ngumiti ako sa kanya.

"Yiiieee" Kilig ni Ryle at inakbayan pa yung babae. "Ang ganda naman niya ahh! Ligawan mo na!" Sarcastic niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa silang dalawa. Tumingin na lang ako sa pinto. Lumapit ako at nakita ko pangalan ko at kay Ryle. Pumasok na ko sa loob kasabay naman ni Ryle yung babaeng nabangga ko. Halatang naiilang na kay Ryle.

"Ryle sa likod tayo upo." Sabi ko sa kanya.

"Ok" sagot niya

Pumunta kami sa upuan sa likod. Katabi ko yung babae kaya ng nailingon ko siya ngumiti ako sa kanya.

"Ahm ako si Ken" Sabi ko sa kanya.

"Ako si Melinda!" Sagot niya at ngumiti. Ngumiti din naman ako.

"Nakakairita talaga yan si Ryle may pagkabaliw eh" Sabi ko sa kanta ng natatawa. Tumawa din naman siya.

Dumating na yung adviser ata. Habang nagsasalita si Mam di ko mapigilang tumingin kay Melinda. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
"Ehem Ehem malusaw" Pang-aasar ni Ryle. Tapos.bumalik na ko ng tingin ko sa kanya. Nagulat ako ng may ...

May nakaharap sa kanyang bata..

"Melinda" tawag ko sa kanya tapos..

Nawala yung bata kanina. "Bakit?" Tanong niya.

Umiling na lang ako at bumalik na ko sa teacher. Ilang oras na din ang nakalipas ng uwian na. Agad na kaming lumabas pagkatapos naming nagpaalam kay Melinda. Ng makarating na kami sa kotse ni Ryle pero nagpaalam mo ng may bibilihin.

Pumasok agad ako sa passenger seat.

Lumingon ako..

Nanlaki yung mata ko..

Yu-yung laruan ng bata.

Yung laruang baby doll..

Pumipikit - pikit pa yung mata niya..

Ngumingiti-ngiti yung bibig.

Dumapa siya.

Katahimikan..

Patulo na yung luha ko sa mata ko..

Humakbang na siya papalapit na sakin...

Malapit na siya..

Paano na tohh..

Kinakatok ko na yung pintuan ng kotse at sumisigaw na ako..

Takot na takot na ko...

Mahahawakan na niya ako...

Papunta na si Ryle.

Tinignan ko yung manika.. wala na siya kaya. Nakahinga na ko ng napakalalim. Para akong hinihika kaya kinuha ko yung enhealer ko sa Bag at ginamit ko yun. Tapos pumasok na siya sa loob ng kotse. Takang-taka pa siya sa itsura ko ngayon. Naging hagard na siguro yung mukha ko sa takot.
Sa gitna ng byahe nakatulog na ko...

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Siguro na sa kwarto lang ako pero nasa sahig ako nakahiga. Iginalaw ko yung paa ko. May nataman ako na kahoy.
Kinapa ko ito. Nagtaka ako kasi para siyang upuan sa school. Nagtaka ako. Gumapang ako para hanapin yung switch. Nakita ko naman agad kaya in-on ko. Nanlaki yung mata ko nasa school nga ako...

"Hoy! Ken!! Gising na!!"

"Haa!" Sigaw ko.

Minulat ko yung mata ko at nasa kotse pa ako at nasa tapat ng bahay ni Uncle. Ibigsabihin panaginip lang yung nangyari. Buti naman. Nakahinga ako ng maluwag kasi di naman pala ako nasa school.

Bumaba na ako ng kotse ni Ryle at pumasok sa loob. Umupo muna ako sa sofa sa sala. Nilagay ko yung kamay ko sa mukha ko..

At sumandal sa sofa..

Pagtanggal ko ng kamay ko..

At pagmulat...

"Haaa!" Nakakita ako ng bata. Bakit parang umiiyak siya. Nawala na siya.

"Anak okay ka lang?" Tanong ni Dad na parang nag-aalala pa siya. Ngumiti na lang ako. "Sure ka nak?" Tumango ako.

Naisipan ko na lang umakyat para matulog. Agad naman akong nakatulog.

--
Kinabukasan

"Melinda!" Huminto naman siya at lumingon siya sakin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano toh? Nilapitan ko siya ng nakangiti. Habang naglalakad kami di ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. Napakaamo at ganda. Ito na naman si Puso ko tumitibok na naman. Haysz!

Pumasok na kami ng classroom. Tahimik lang kaming umupo. "Celphone mo nga?" Tanong ni Melinda na nakatingin na pala sakin.

Binigay ko sa kanya. "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko. Ngumisi siya.

"Para picturan ko mukha ko at dun mo na lang ako titigan ng maigi!" Tumawa pa siya. Nakakahiya talaga.

"Hehehe! So--" Naputol ko yung sasabihin ko ng may nakita ako sa likod niya.

Buhok..

Di sa kanya yung buhok..

Kasi napakaayos ng buhok ni Melinda.

Nanlaki yung mata ko..

Lumapit siya sa mukha ko. Kaya na pa "wHaaaaag!!" Sigaw ko. Nawala naman siya agad.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Melinda. Tumango ako at inayos ko na yung sarili kasi dumating na yung profesor namin.

Natapos na namin yung tatlong subject namin. Pumunta mo na kami ng cafeteria at kumain. Kumain ako ng marami kasi sobra akong nagutom.

"Anong nangyari sayo kanina?" Tanong ni Melinda. Iniiwasan kong tumingin sa mata niya. Ayaw kong sabihin sa kanya na nakakakita ako ng multo. Minsan nakakakita din ako ng mga presents things. "Anong nangyari?" Tanong ulit niya.

"Ha?" Patay malisiya kong sagot. Ngumiti na lang ako kanya ng malaki. "Ito oh kumain ka muna!" Inabot ko sa kanya yung Piatos na kinakain ko.

Nagi-guilt na ako. Bakit ba kasi ang lakas ng tama mo sakin? Gusto kong sabihin sa kanya yung mga nangyayari at kung anong nakikita ko. Pero may kapalit na kamatayan yun eh pagsinabi ko yung tungkol sa sumpa. Mas lalo kasing lumalakas yung sumpa na yun. Paano na toh.

Tumingin ulit ako sa kanya. Kay Melinda. Nakatingin siya sakin mukhang nag-aalala siya.sakin. Kita sa mga mata niya yun. Pinilit kong ngumiti para di na niya ako alalahanin.

Hinawakan niya yung kamay ko. "Okay lang ako promise!" Tinaas ko pa yung kanan kong kamay para swear. "Cross my heart with tali tali" Pagbibiro ko pero di siya tumawa. Hinigpitan lang niya yung.pagkakahawak sa kamay ko. "Melinda --"Pagpuputol niya.

"May sasabihin muna ako bago yan" Ano yun?? Bakit ang seryoso ng mukha niya.

Rain, Rain Go AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon