His Prized Possession
Natapos na ang CPE22A subject namin na wala silang ginawa kundi mag chikahan.
Ako, natulog lang.
Oo, natulog. Dahil sinundan ko si Chase kagabi. Kung saan saan sya pumupunta. Hindi ko alam ang plano nyang gawin at kung saan sya planong pumunta pero madaling araw na iyon ng napag-pasyahan kong itigil na ang pagsunod dahil kapag pinagpatuloy ko iyon, baka malate na naman ako sa klase kong CPE22A. Na wala naman palang ginawa.
Leche. Sana sinundan ko nalang pala si Chase.
tsk. hindi ko tuloy nalaman kung saan sya pupunta. De bale na, sa susunod na araw ay wala kaming pasok kaya paniguradong masusundan ko na sya.
Ang ayoko sa lahat, ay yung baka nasaktan na naman sya ng di ko nalalaman.
Natapos ang araw na maraming gawaing ibinilin sa amin. Malas naman o, pinagawa pa kami ng dalawang programs at may assignment at quiz sa calculus pa. Pero kakayanin. Haaay buhay engineering.
Nakasakay ako sa kotse ko ngayon at napansin kong may nakasunod sa akin. Hindi ako pamilyar sa kotse na iyon kaya kinabahan ako. Nagmadali akong pumunta sa bahay at buti nalang pinagbuksan naman ako agad ni Manang Alicia.
Kinabahan ako na baka ano pang gawin ng nakasunod sa akin, kaya sinugurado ko muna na nakapasok na si Manang.
"Manang, may napansin po ba kayong itim na kotse sa labas?" tanong ko kay manang.
"wala naman iha, titignan ko muna teka la..."
tinigilan ko na siya sa pglakad nya at hinawakan sya.
"Naku manang nagtanong lang po ako. Wag mo na tignan. Tara na pasok sa loob"
Ayokong magduda si Manang.
Hindi ko rin alam kung nasundan ba ako.
Sinong Sumusunod sa akin?
Nananghalian na kami ng pamilya ko pagdating ko sa bahay. Binati ko ang mga magulang ko at umupo na sa bakanteng upuan.
"Oh Elisse, napaaga ka ata ng uwi?" tanong ng kuya kong si Ford.
"Oo ya, daming gawaing pinagawa ng guro namin"
"tulungan na kita bunso" paanyaya ng isa ko pang kuyang si Blake.
"sge ba. ayos tol, programming nalang yung gawin mo tas si kuya ford nlang gumawa ng assignment ko sa calculus dahil mag-aaral pa ako"
"Sge Elisse. Bigay mo sakin mamaya" Sabi ni kuya Ford. Seryoso sya palagi di parehas ni Kuyang Blake na sobrang maloko.
Pinagkakatiwalaan ko naman sila sa mga gawaing iyan dahil ang pamilya ko ay puro Engineering. Maliban kay mommy na Doctor.
Pagkatapos naming kumain, ay binigay ko na sa kanila ang gawain habang nag-aaral ako. Binilisan ko ang pag aral ko para baka sakaling maabutan ko si Chase doon sa laging meeting place nila ni Althea tuwing gabi.
Ang hirap mag aral ng maraming iniisip. Ngunit kinaya ko pa rin. Bat ba kasi kelangan mag aral ng subject na to, hindi nman to ginagamit sa pagbili sa mall. Hindi mo naman sasabihing "Ang mahal naman nito ate, Derivative of e raised to square root of x"
duhh.
natapos ko din sa wakas. dalawang oras din yun. Tinignan ko ang relo ko at alas nwebe na pala ng gabi.
Saktong aabot pa ako sa mismong oras na pagkikita nila.
Nagpaalam muna ako bago umalis.
"bros lakad muna ako. Im hungry. I desperately need pizza and starbucks"
"Tol, ipa deliver mo nalang yan. Gabi na"
"lol kuya ayoko. Baka malamig na ang pizza pagdating dito. Dont worry, pagkatiwalaan mo nalang ako."
Lumabas na ako sa kwarto nila kuya at lumabas na rin sa bahay gamit ang aking kotse. Tinanaw kong wala na pala ang itim na kotse. Buti naman.
Papunta na ako ngayon sa Green palace park na lagi nilang pinupuntahan.
Anino palang kahit malayo pa ako, ay alam kong kay Chase iyon.
At yung masakit sa tengang tawa na iyon ay kay Althea.
Lumakad ako ng dahan dahan upang hindi nila ako mapansin. Buti nalang dinala ko ang cap ko upang mapagtakpan ang mukha ko.
"Hahahaha, Chase drop it. Youre kidding right? why would I go out on a midnight with another guy? Seriously? sa isang resto pa? Ha-ha, may bukas pa palang resto at 3am?"
Shit. Bitch talaga.
Siya pala ang sinusundan ni Chase noon. Fck.
Chase stared at the stars. At alam kong nasasaktan na naman sya.
"Chase? So what now? Pinapaniwalaan mo ba ako or not? Because if not, lets stop this. Whatever we have"
Fck you Althea.
"No baby, its fine. Maybe it wasnt you. You're right. I trust you"
Chase Aldraic Monteverde
You really are something else.Fck. I wanted to hug him right at this moment. And I want to strangle Althea Fuentes right now.
"Okay. Madali akong kausap ace. Lets go home?" pag-iiba ng topic ni althea.
"okay babe, whatever you want." sabi ni chase.
Alam na alam kong nasasaktan pa rin sya. Alam kong may iba si Althea. Noon ko pa sya sinusundan. Pero ayaw ko mamagitan, gusto ko yung may thrill yung kwento ng pag-ibig ko kaya wag muna ngayon.
May araw ka rin sa akin Althea Fuentes.
BINABASA MO ANG
Chasing him
Teen FictionBad choices make good stories. Will she keep chasing him once she's tired? She's Elisse Blaire De Asis and the guy she's chasing is Chase Aldraic Monteverde