First Attack Pt. II
Empty Seat
--
Dave's Point of View
Kasama ko ngayon sina Timothy. Tapos na sila magsagot sa math kaya ngayon ay papunta na kami sa dorm namin.
"Pare alam mo bang pa-basic, basic ka pa kanina 'e wala ka man lang daw natamaan na number! Haha pare hindi ko alam kung maaawa ako sayo o matatawa. Masyadong mayabang pare, hinay-hinay lang" pag-aasar sa akin ni Timothy habang naglalakad kami. Napakunot naman ang noo ko.
"Loko-loko ka talaga! H'wag ka na ngang magsinungaling sa akin. Baliw ka na 'tol!" sigaw ko naman sa kaniya. Binatukan naman ako kaya bigla akong napasimangot. Loko-loko talaga itong si Timothy! Kapal ng kilay-- ng mukha pala.
"'E iyon ang totoo" pagsabat naman ni Shawn kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Sinungaling pala Dave ah? Haha" pagtawa ni Timothy kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sinungaling pa 'tol" sabat naman nitong si Marco. Bading talaga ito.
"Loko kayo!" sabi ko nalang at na-una nang dumeretso sa dorm namin.
"Hala nabadtrip agad? Haha Dave! Hintayin mo kami" narinig kong sigaw ni Timothy.
"Baliw" tawa ko nalang at hinintay sila.
"Para kang tanga. Sabihin mo nga sa akin 'tol, bakla ka ba? Magtatampo sabay magbabati din? Para kayong mga tanga!" sigaw naman ni Vince.
"Baka nga ikaw ang tanga" sabi ko naman. Nagdere-deretso na kami sa dorm namin.
At nang makarating kami doon ay pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto. Nasa dulo pa kasi ang kwarto ko kaya naman naglakad pa ako at mas natagalan kaysa sa kanila. Napalingon nalang ako nang may maramadaman akong naglalakad. Nang lumingon ako ay wala namang tao. Pinaglololoko ba ako nitong mga mokong na ito? Akala naman nila natatakot ako. Hindi naman ako matatakutin kaya hindi nila ako matatakot. Mga loko talaga.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng aking kwarto ay lumingon-lingon muna ako sa magkabilang gilid ko at pati na din sa likod ko. Wala namang tao kaya pumasok na ako sa kwarto ko.
Napag-isipan kong magshower muna dahil sobrang init. Pagkatapos nito ay magma-minecraft ako.
Habang nagsho-shower ako ay nararamdaman kong may tao na nasa labas ng shower room ko. Pag talagang sina Timothy 'yon, mapapatay ko 'yon. Hindi na nakakatuwa. Nasa kwarto ko, ako kaya h'wag silang pumasok ng wala man lang na paalam sa akin.
Nasa gitna na ako ng pagsha-shower nang bigla nalang may lumipad na kutsilyo! Sht, ang sakit kaya! Napahawak ako sa braso ko na nasaksak. Lumingon-lingon pa ako. Hindi na nakakatuwa dahil nakakasakit na sila ah! Wala akong masamang balak sa kanila kaya h'wag nilang putulin ang braso ko! Nakakainis na ah.
Kahit naiinis ako ay tinapos ko na ang pagsho-shower. Nang matapos kong hugasan ang nagdudugong braso ko at tinanggal ko na din ang ibang sabon na nasa katawan ko ay lumabas na ako nang nakatapis. Wala namang ibang tao 'e. Dumeretso na lang ako sa cabinet ko--
"Aray ko! Ano 'yon?!" galit kong sigaw. Tinignan ko naman ang nangyari sa ibabang bahagi ko at lalo akong nagulat.
Sht! Sino ang gumawa ng kalokohang ito?! Sinong loko ang gagawa nito?! Sino? Putek, kanina lang ay kutsilyo tapos ngayon ay gunting naman?! May sapak ba 'to sa utak?
"Sht, fcking sht!" sabi ko habang nakahawak sa gunting na nakabaon sa hita ko! Nakakainis naman oh. Ang tulis ng gunting kaya sobrang sakit! Halatang-halata na bagong lang ito! Lagot sa akin kung sino man ang gumawa nito! Masakit kaya! Siya kaya ang tusukan ko?
YOU ARE READING
Class 8 - 2:08 AM
Horror"The Mystery of Grade 8 Class" -- Meet the Grade 8 Class. A section full of childish teenagers. In this class, there are eleven boys and sixteen girls. And among this students, do you think? How many of them will survive when 2:08 AM com...