Untitled Part 1

8 0 0
                                    

Makailang ulit na nag-online sa Facebook para maka-chat ka lang, minsan nga naiisip ko bakit pa ba ako umaasa sayo kung kaibigan lang naman ang turing mo sa akin. Ako ng pala si Vincent, isang 4th year student, 16........ Ulila sa ama, wala na ang tatay ko noong bata pa ako.Isang araw sa school,

"Oy Vincent! Vincent!"sigaw ng isang lalaki

Hindi narinig ni Vincent ang sigaw, kaya lumapit ang isang  lalaki kay Vincent at dun lang niya nakilala ang lalaki pala ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Jade...

"Napakabingi mo naman, sarili mong kaibigan hindi mo kilala ang boses ano ka ba naman?"sabi ni Jade.

"Pasensya ka na may inisip lang ako."sabi ni Vincent kay Jade

"Si Reynalyn ba yan? ah?"biro ni Jade

"Hindi ah!"sabi ni Vincent

"Teka pre diba pinaasa ka lang niya? Bat ka pa aasa kung pinaasa ka na?"tanong ni Jade

"Oo pero......"sabi ni Vincent

"Pero?Mahal mo siya? siya ang rason kaya lagi kang nag-oonline sa Facebook? Pre pinaasa ka lang niya,"sabi ni Jade

"Mahal ko siya pre...."sabi ni Vincent at biglang dumaan si Reynalyn.

"Hi Vincent."sabi ni Reynalyn kay Vincent sabay ngiti.

"He...He...Hello"pautal na sinabi ni Vincent

"Oh anong nangyari sa dila mo ba't hindi ka makapagsalita nang maayos?"biro ni Reynalyn

"Eh wala namang nangyari sa dila ko hahahahha"sabi ni Vincent

"Online ka ba mamaya? chat tayo?"sabi ni Reynalyn

"Oo online ako mamaya, sige chat tayo"sabi ni Vincent

"Tol, wag ka nang sumabay pa sa kanya, tol ilang beses ka na ba niya pinaasa? dba maraming beses na!"bulong ni Jade kay Vincent pero hindi ito pinansin ni Vincent.

"Sige Vincent, Chat you later!"sabi ni Reynalyn

"Sige"sabi naman ni Vincent

At Umalis si Reynalyn patungo sa kanyang classroom at yun rin ang ginawa ni Vincent at Jade.

Nang makarating sila sa kanilang room...

"OYYYYYY! TOL!"sigaw ng magtro-tropang HHFF(Happy-Happy-Friends-Forever)

"OYYYYYYYYYYYYYY"sigaw rin nila Vincent at Jade.

biglang nag-ring ang bell...

"Naku magsisimula na naman ang klase, nakakapagod!"sigaw ng isang istudyante

biglang dumating ang Teacher nila sa English...

"Good Morning Class."bati ni Ms.Joan

"Good Morning Ms.Joan"bati ng buong klase

"This morning the section of St. Anthony will be having a presentation here." sabi ni Ms.Joan

"Teka, diba yun ang section ni Reynalyn?"tanong ni Jade kay Vincent

"Oo, Bakit?"tanong ni Vincent

"Tol wag kang titingin sa mga mata ni Reynalyn kasi ayokong umasa ka ulit."sabi ni Jade

"Alam mo, Ang OA mo!"sabi ni Vincent

"Concern lang naman ako sa Bestfriend ko."sabi ni Jade

"Class, Please welcome the section of St. Anthony." sabi ni Ms.Joan

Nagpalakpakan ang buong klase ng St. John.

"Wohoooooo!"sigaw ni Jade

"Tumahimik ka Jade Sanchez!"sigaw ni Ms.Joan

Tumawa ang buong klase, at pumasok na ang section ng St.Anthony

"Tol ayan na! Kalma ka lang, tapos wag mo siyang pansinin..."sabi ni Jade

Kumaway si Reynalyn kay Vincent...

"Hi!"sabi ni Vincent

Ngumiti si Reynalyn at ngumiti rin si Vincent

"Vincent Santos! bakit ka nakangiti? anong iningiti-ngiti mo diyan?"sabi ni Ms. Joan

"Wala Ms.Joan"sagot naman ni Vincent

"Umayos ka Santos"sabi ni Ms.Joan

"Opo Ms.Joan"sabi naman ni Vincent

"Magsimula na kayo students."sabi ni Ms.Joan sa seksiyon nang St.Anthony

At nag-ayos na ang mga studyante sa harapan...

"Magandang Umaga sa inyung lahat ako nga si Kenneth Anteligente,"

"At ako naman si Bella Ruiz at nandito kami para epresenta ang kwento tungkol sa dalawang taong nagiibigan pero lumabo ang kanilang relasyon dahil sa kaibigang malandi ni boy."

At nagsimula na silang magpresenta ang mga studyante...

"Class wag kayong magiingay"sabi ni Ms.Joan

Nasa kalagitnaan na nang sturya..

"Babe, i need to talk to you..."sabi ni Reynalyn

"Ano yun babe?"sabi naman ni Tipsy

"Buntis ako."sabi ni Reynalyn

Hindi kumibo si Tipsy at umiyak sa kanyang narinig.

"Tips, Sorry si Jacob kasi eh, nilasing ako..."sabi ni Reynalyn

"Ano?!"galit na galit na sinabi ni Tipsy.

"Sorry talaga basta wag mo lang siyang sasaktan."sabi ni Reynalyn

"Ano? Sa lahat ng ating pinagsamahan at sa lahat nang aking pinaghirapan maakin ka lamang, tapos ito pa ang igaganti mo sa akin? at siya pa ang kinakampihan mo?" mangiyak-ngiyak na sinabi ni Tipsy

"Sorry talaga Tips."sabi ni Reynalyn

Umalis si Tipsy, Hindi alam ni Reynalyn na pupunta si Tipsy sa bahay ni Jacob.

at nang makarating si Tipsy sa bahay ni Jacob.

"Jacob! Lumabas kang hayop ka! P*tang ina! Binuntis mo Gf ko! Lumabas ka!" sigaw ni Tipsy

Lumabas ang nanay ni Jacob at nag sabing"Anong problema Tipsy? Bakit ka nagmumura kay sa anak ko? anong kasalanan niya sayo?"

"Tita, yang anak mo binuntis yung Gf ko. Nasan na ba yung anak niya ha? Ilabas niyo nga para maleksiyonan."galit na galit na sinabi ni Tipsy.

"Wala na siya, Umalis na pumunta nang ibang bansa."sabi ng nanay ni Jacob

"Hindi niyo ba yun tinuruan kung paano maglinis nang kanyang kalat? Ang kapal talaga ng mukha ng anak niyo."sabi ni Tipsy tapos umalis siya papunta sa bahay ni Reynalyn.

Biglang humirit si Ms.Joan

"Class we will continue their story tommorow, Goodbye class."sabi ni Ms.Joan

"Nako naman oh!"sabi ni Jade

"Bakit tol?"tanong ni Vincent

"Kasi yung story nila napakaganda!"sigaw ni Jade

"Salamat Jade." sabi ni Reynalyn

"Wala yun." sabi ni Jade

"Hoy! Jade."sabi ni Vincent

"Oh bakit?" sabi ni Jade

                                                                                                           To be Continued---------->


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon