Pabagsak na lang akong nilagay ni Zian sa kama na para lamang akong isang walang buhay na laruan. Nananatiling masama syang nakatingin sakin dahilan para mainis ako sa kanya.
"Bakit mo ginawa yon? Bakit mo ako basta na lang kinarga at basta na lang binagsak na parang--"
"Dalawang araw mo akong hindi pinansin tapos nagkita lang kayo ni Thower magpapahalik ka na agad sa kanya?" nakakuyom ang kamao nya na nagpipigil ng inis.
At parang nagpantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi nya.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Zian? Alam mo ba ang buong pangyayari? Sa tingin mo ba--"
"Oo!" and for the second time ay hindi na naman nya ako pinatapos magsalita. "Alam ko kaya nga nakita pang mismong dalawang mata ko diba?"
Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Lalo tuloy akong nainis sa kanya at tinalikuran na lang sya. Ayoko syang makita dahil lalo lang akong naiinis dahil basta na lang bumabalik sa alaala ko ung anak kong mawala dahil kay Zian.
"Hindi ibig sabihing nakikita ng mga mata mo ay nagsisilbi na itong tama. Minsan kailangan mo ring alamin ang buong pangyayari para masabi mong tama ang lahat ng nakikita mo" hindi ko napansing may bumasak palang isang butil ng luha sa aking mata.
"So, tama nga ako pati kaibigan ko--" hinarap ko sya at agad binigyan ng isang malakas na sampal dahilan para matigilan sya sandali.
"Ganyan ka ba kamanhid? Ganyan na ba ako sa paningin mo? Hindi mo ba naisip na kawawalan ko lang ng anak at nananatiling masakit parin sakin ang lahat pero ano itong iniisip mo? Iniisip mong nilalandi ko ung kaibigan mo"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sunod sunod na lang silang nagbagsakan. Pinahid ko ito ng palad ko at lumabas ng kwarto at nagsimula ng maglakad pababa ng hagdan ng maabutan ako ni Zian at basta na lang nyang hinawakan ang kamay ko, sinandal ako sa pader at marahas akong hinalikan.
Nagsimula na rin akong magpumiglas pero mahigpit nyang hinawakan ang magkabilang kamay ko. Nilagay nya ang kaliwa kong kamay sa may batok nya samantalang ang aking kanang kamay naman ay pinanatili nyang nakadikit sa pader kasama ang kamay nya biglang suporta dito.
Nilagay din nya ang kanang kamay nya sa pisngi ko para mas laliman ang halik. Nung unang halik na marahas ay unti unting naging gentle dahilan para ako na mismo sa sarili ko ang hinayaan ko na tumugon sa alok ng kanyang labi na tugunin ang bawat halik na binibigay nya.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakabalik na kami ng kama at ginagawa ang bagay na yon.
---
Nagising ako ng dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Unti unti ko itong minulat only to find out na tanging kumot ang nagtatago ng hubad kong katawan.
Biglang nagbalik sa akin ang nakaraan, ganitong ganito rin ang nangyari nun ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi sya lasing at nasa tamang pag-iisip sya pero kagaya nung una ay iniwan nya akong nag-iisa dito sa higaan.
Mukhang wala naman talaga ako para sa kanya. Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Maaaring may mabuo tapos ganun uli ang mangyayari.
Kaya para kahit paano ay mabawasan ang sama ng loob ko ay sandali akong nanalangin at pagkatapos ay tinawagan si DC para may mapagsabihan ako maliban kay Lord.
"D-dc ..."
(Akia, are you crying? May nangyari ba?) puno ng pag-aalala ang tono ng pananalita nya.
Kinagat ko ang lower lip ko at pinunasan ang mga luha kong patuloy lang sa pagbagsak.
"P-pwede bang wag kong sabihin --"
"So, you're talking to him?" agad akong napalingon dun sa may pinto at nakita ko si Zian na masamang nakatingin sakin.
At naging mabilis ang pangyayari at basta na lang syang lumapit sakin at hinablot ang phone ko.
"Magbihis ka nga! Mahiya ka sa sarili mo" at pagkatapos non ay lumabas na sya ng kwarto at binalabog ang pinto.
Napatungo ako at lalo lang umiyak. Magda-dalawang taon na kami pero wala talaga akong halaga para sa kanya.
Pagkatapos kong umiyak ay nagbihis na ako at pagkatapos ay bumaba na ako papunta ng kusina para kumain ng almusal. Wala na rin si Thower dito, siguro ay umuwi na.
Naabutan ko dun si Zian na nakaupo at nagbabasa ng libro. Tahimik lang akong umupo sa may hapag kainan at magsasandok na sana ng sinangan na sa tingin ko ay niluto ni Zian ng lumingon sakin si Zian dahilan para matigilan ako at mapahiya sa sarili ko.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko nagawa.
"Ung nangyari satin kagabi, I will take full responsibility" at pagkatapos ay tumayo na sya at basta na lang akong iniwan pero hindi pa lumipas ang dalawang segundo ng magsalita uli sya.
"About your phone, mamayang gabi mo lang kunin pagkauwi ko at kung gusto mo ay ihahatid na lang kita--"
"NO! Okay lang! I can manage" siguro kailangan ko munang dumistansya kay Zian. Gusto ko munang tanggalin sa isipan ko nung inasal nya.
----
Si DC na ang naghatid sakin pauwi. Sinabi kong kaya ko ng umuwi mag-isa pero nagpumilit sya kaya pumayag na rin ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
---
Clark Zian's Pov
Nakauwi na ako ng bahay at pagkarating ko ay wala dito si Akia dahilan para mag-init ang ulo ko. Tinadtad ko ng text messages at calls ang phone nya pero hindi man lang sya nagrerespond dahilan para ma-realiase kong nasa drawer pala ung phone nya na tinago ko kanina.
At para kahit papaano ay mapawi ung inis ko ay kukunin ko na sana ung remote ng may biglang nag-door bell.
Naglakad ako papunta sa may gate at nabigla ako sa aking nakita pero hindi ko na lang to pinahalata.
"Anong ginagawa mo dito?" masama lang akong nakatingin sa lalaking 'tong Daniel Caleb Johnson ang pangalan. Nakikita ko pa lang itong pagmumukha nya ay kumulo na ang dugo ko.
"Ihahatid ko lang sana si--" Cool lang na sabi nya dahilan para biglang mangati ang kamao ko at gustong gusto ko na syang suntukin.
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at basta ko lang kinuha si Akia na payapang natutulog at binuhat syang parang bagong kasal at basta ko na lang pinaalis itong Daniel Caleb Johnson na 'to.
"Bro, paano si Akia?" nilingon at sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Ako ang asawa nya, ako na ang bahala sa kanya" pagdidiin ko sa pangungusap ko.
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...