Caution 22 - Resurrected

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh sa hindi ka namin nakita kanina, eh. Alam mo naman na hintayin ka pa namin," sagot ni Katarina.

"May mga gadgets tayo na puwede nating gamitin para tawagan ang isa't-isa, hindi niyo man lang naisipang gamitin iyon?"

"Tss, huwag ka ngang pabebe diyan, sapakin kita eh." sabi ko naman kay Gello.

"Teka nga, kukuha lang ako ng pagkain." sabay tayo ni Gello para kumuha ng pagkain.

"Para talagang bata iyon," sabi ko kay Katarina.

"Ano pa bang bago?"

Pagkatapos naman noon ay naging tahimik na ulit kaming dalawa. Siya naman ay patuloy lang sa pagkain nito ng pancake at ako naman sa pag-higop ng kape. Medyo malamig kasi ngayon at maulan. Medyo nakakaantok lalo na't gabi na.

"Ang tahimik niyo namang dalawa." pangbasag ng katahimikan ni Gello noong dumating na ito at saka inilapag ang tray sa lamesa't umupo ulit sa tabi ko.

"Kamusta nga pala iyong mga pinadala mo para i-rescue 'yung mga Volunteers?" tanong ko agad sa kanya.

"Kakaalis lang nila kanina, may bagyo kasi kaya nahirapan silang nakaalis. Alam mo naman na delikado ang mga daan papunta sa lugar kung saan huling nakita ang sasakyan ng mga tropa. Kahit gustuhin nilang umalis kanina pa ay hindi nila magawa. Baka kasi sila ang maaksidente at dumagdag pa sa mga tutulungan, imbis na sila ang tutulong." sagot nito sa akin.

"Ikaw ba Katarina, may balita na ba sa mga volunteers? May nakita na ba ulit sa satellite image?"

"Wala pa eh. Naghihintay pa rin ako kung meron silang bagong ire-report sa akin."

"Teka, hindi ba't noong nag-training 'yong mga volunteers, mayroon silang mga chip sa batok nila? Nilagyan ba ulit sila no'ng umalis sila dito? Parang tracker kung baga," sabi ni Gello.

"Oo nga ano, meron ba?" pahabol na tanong ko kay Katarina.

"Hindi ako sigurado, eh. Alam niyo naman na hindi na natin naging sakop ang bagay na iyon. Kung mayroon nga'y puwede nating magamit iyon. Kung meron, pero kung wala ay patuloy pa rin natin silang hahanapin na mano-mano."

Bigla naman tumunog 'yung telepono ko dahil sa may tumatawag. Kinuha ko agad ito sa bulsa at tinignan kung sino ba ang tumatawag. Noong binuksan ko na agad ito ay may video call galing kay Ms. Recamor.

"Ms. Recamor, bakit? May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kanya habang nakaharap ako sa screen ng telepono.

"Pinapatawag ka ni Mr. Walter. Pumunta ka raw ngayon sa office niya."

"Bakit daw? May sinabi ba sa iyong dahilan?"

"Wala. Kaya pumunta ka na, hinihintay ka na niya ngayon."

"Sige, papunta na ako." at saka natapos ang video call namin.

Napatingin naman sa akin sila Katarina at Gello. Tila ba nagtataka kung bakit ako pinapatawag ni Mr. Walter, ang presidente ng Sotiria. Medyo kinabahan nga ako dahil minsan lang ito nakikipag-usap sa amin. Importante ang madalas na dahilan kung bakit niya kami kinakausap. Kung hindi naman ito masyadong importante ay pinapasabi na lang niya ito sa assistant niya at saka ibinababa ang mensahe sa amin.

"Ok, wala akong idea kung bakit ako pinapatawag kaya huwag niyo akong tignan ng ganyan." sabi ko sa dalawa."Oh, sige na. Magkita na lang tayo mamaya," at saka ako umalis sa pantry.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon