He LeaVes Me (One Shot)

429 17 15
                                    

(short story)

   Written By:

            BrandTentertainmenT

~*~



Claire's POV

"Sinasagot na kita." nakangiti kong sinabi sakanya. Agad bumukas yung mata ni Reymark at napatayo sa gulat dahil sa sinabi ko.Tumingin siya sakin habang nanlalaki ang mga mata. "T-t-talaga?" Ngumiti muli ako at hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa labi.1st kiss, binigay ko na sakanya yung first kiss ko.

"Oo."

"YES!!!!" Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin dahil sa tuwa kaya ngumiti nalang din ako.

"Mahal kita Claire, pangako ko sayo na hinding hindi mo pagsisisihan ang pagsagot mo saakin ngayon." tumawa ako ng mahina. "Mahal na mahal din kita Reymark." 8 months na nanligaw saakin si Reymark at ngayon ko lamang naisipan na sagutin siya.

Naaalala ko pa paano kami nagkakilala. Nasa eskwelahan ako nun at kelangan ko na talagang umuwi dahil babalik na sa abroad ang tatay ko para magtrabaho doon. Kahit makapagpaalam lamang ako sakanya dahil ilang taon nanaman ang lilipas bago ko ulit makikita ang tatay ko. Wala akong masakyan puno lahat, taxi at jeep.

Hanggang sa nakita ko siya na nakasakay ng motorbike at nagsusuot na ng helmet kaya doon ko na siya nilapitan. "A-ano." nung tumingin siya saakin ay agad akong umiwas. "P-pwedeng pasakay?" mabait at nahihiya kong tanong sakanya.

"At bakit?" mataray niyang tanong kaya tumingin na sakanya at nakangusong nagsalita. "K-kelangan ko na kasing umuwi, sobrang emergency ang nangyayari sa bahay kaya kelangang kelangangan ko na talagang umuwi."

"Hindi pwede." Masungit niyang pagkakasabi saka sinara yung glass ng helmet niya. At bago niya pa ito pinaadar ay hinawakan ko ang palad niya pero tinapik niya lang ito kaya naman humarang na ako sa harap niya.

"Pwede ba?! Umalis ka nga diyan!!" sigaw niya sakin. Sinubukan ko magmakaawa.

"Please, pasakay lang, please, please. Hindi ka ba naaawa saakin!?" Inosente kong sinabi sakanya, pero mukang wala talaga siyang pake.

"So??"

"Bakla ka ba?! Di ka kasi gentleman eh!!"

"Anong konek!?!"

"Please pasakay lang!!"

"Ayoko nga eh!! Pwede bang lumayas ka diyan!?!?!" Napayuko nalang ako. Kahit anong gawin ko hindi ko mapipilit tong lalakeng toh, bakla siya at walang puso. Inirapan ko siya saka tumakbo palayo hanggang sa nagulat ako ng biglang umulan ng napakalas, agad akong sumilong at tumingin sa langit. Ang lakas ng ulan, hindi ko na maaabutan ang tatay ko. Ang gusto ko lang naman ay makita siya, mayakap siya at magpaalam sakanya. Pero hindi ko pa magawa.

Tutulo na dapat ang luha ko ng makarinig ako ng malakas na engine ng motor sa harap ko. Pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko yung lalakeng kausap ko kanina. "Anong ginagawa mo diyan!? Akala ko ba gusto mong makisakay? Sakay na ah para kang tanga nakatayo diyan." hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman, ang matuwa dahil pinuntahan niya ako o ang mainis dahil natawag akong tanga.

"Oh ano na? Papamuka mong tanga ka!?" Inirapan ko siya at sumakay na si likod ng motorbike niya. Tinanong niya kung saan ang punta kaya sinabi ko ang lugar dahilan para magmura siya ng magmura dahil ang layo daw bayaran ko daw ang gas na mauubos. Pero hindi ko nalamang siya pinansin at pagkarating namin sa bahay ay agad akong tumakbo papasok ng bahay. At doon saktong paalis na din si papa. Masaya akong nagpaalam sakanya, marami siyang binilin saakin at sinabi ko din na magingat siya parati at marami pa hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

You'll also like

          

Tumingin ako sa lalakeng nakatambay sa harap ng gate namin. Ah oo pala, pinaghintay ko pa siya. Lumabas ako ng gate at lumapit sakanya. "Salamat, ng dahil sayo naabutan ko ang tatay ko.."

"tch, salamat salamat, may bayad yun." tumawa ako. "Magkano naman?" kumunot ang noo niya habang nakatingin saakin. Agad naman nawala ang ngiti ko. "Bakit?" nagtaka ako ng mamula ang pareho niyang pisngi at ang mabilis na pagiwas niya ng tingin. "W-wala."

"Aaah."

"Bigay mo pera saakin mahigit 1k."

"Ha!? Ang laki naman!?" sumakay na siya sa motorbike niya. "A-ano.... Nga pala ang pangalan mo?" ngumiti ako at lumapit sakanya saka ko inabot kamay ko. "Claire Alvaro." Sinuot niya lamang ang helmet niya at hindi niya pinansin ang palad ko kaya naman binaba ko na. "Claire, babalik na ko parati dito para maningil ng utang. Wag mo yang kakalimutan." Hindi pa ko nakakapagsalita at mabilis niya ng pinaharurot ang motorbike niya.

Ngumiti ako. "bye."

At doon nagsimula ang lahat, araw araw naghuhulog ako ng piso dahilan para magmura siya ng magmura habang ako ay tawa lamang ng tawa. Hanggang sa lumipas ang ilang mga araw, nakikilala na namin ang isa't isa at hanggang sa naisipan niyang umamin ng nararamdaman at ang manligaw saaakin.

(................)

Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. One message from Reymark<3

"Claire punta ka dito sa house mamayang gabi. I want to show you something. And its a surprise :* " Napangiti ako habang binabasa ko ang text niya. Surprise surprise, ang dami niyang alam ah! Pero natutuwa ako na ang dami niya ng ginagawa para saakin. Mga 6:00 pm ng nagmamaneho na ako papunta sa bahay nila. At ng makarating ako doon, isang malakas na tunog ang narinig ko.

Napakunot ang noo ko kaya ng pagkapark ko sa sasakyan ay agad akong pumasok sa gate nila at doon may nakita akong lalakeng tumakbo palabas at dahil walang hiya siyang tinulak niya pa ako. Nakatakip ang muka niya kaya nakakapagtataka dahil galing... sa bahay nila Reymark.

Agad akong tumakbo papasok. Doon nakita ko ang TV na nakabukas pero walang nanunood. "Reymark!??! Tita!?" walang sumasagot.

"Reymark? Reymark?" Dun na talaga ako kinabahan kaya umakyat ako ng hagdan. "Reymark!?! Reymark!?!" napahinto ako sa pagsigaw dahil amy narinig akong boses.

"Tita?!"

"C-claire"agad akong tumakbo kung saan ko man yun narinig at nadatnan ko si tita ang nanay ni Reymark na nakahiga sa sahig. Tapat ng isang kama kaya naman agad ko siyang nilapitan.

"Tita!?! Ano pong nangyari?!" dumudugo yung bandang tiyan niya.

"C-claire. S-si Reymark.."

"Tita! Tatawag na po ako ng ambulance!"

Kinuha ko yung phone ko dinial yung ospital at pati sana yung mga pulis pero putek!! Wala akong load!!

"Tita, hahanap lang po ako ng tulong."

"T-teka..Hanpin m-mo muna si R-reymark.." Pagkasabi niya nun ay agad akong tumayo para hanapin si Reymark. Pumunta ako sa kabilang kwarto pero wala siya kaya bumaba ako ng hagdan hanggang sa nakita ko siyang nakahiga sa sahig malapit sa kusina nila. Agad ko siyang nilapitan, lumuhod ako sa harap niya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dumudugo yung sa may dibdib niya at dun na tumulo yung luha ko.

"Reymark!! Reymark!!" iyak ako ng iyak habang nakahawak sa magkabila niyang balikat. Nabigla ako ng bumukas ang mata. "C-c-claire" slightly open lang yung mata niya at yung boses niya ay mahina. Pinilit kong ngumiti sa harap niya habang umiiyak. "Reymark, andito lang ako. wag mo akong iiwan ha? Teka lang, hahanap ako ng tulong. Please Reymark, wag mo kong iiwan.."Patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko. Sobrang bilis ng nangyayari, ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot ako, natatakot ako baka sa isang iglap mawala na siya sa buhay ko.

Di ko kaya.

"D-d-dito k-ka l-lang"

"Hindi.. Hahanap ako ng tulong. please.."

"C-c-claire. D-dito k-ka lang..."

"Wag mo kong iiwan reymark!"

"P-p-patawad C-c-claire" umubo siya.

"Wag mo kong iiwan Reymark., please, please! Nagmamakaawa ako sayo."

Nakahawak parin ako sa magkabila niyang balikat habang nakabaon na yung ulo ko sa dibdib niya, nalagyan na din ako ng mga dugo ni Reymark. sa muka, sa kamay, sa buhok at sa damit. Pero wala akong pake. I dont want him to leave me. Nanginginig yung kamay niya ng punasan niya yung luha ko.

"M-m-mahal n-na m-m-mahal k-kita"

"R-reymark, please. Wag kang mawawala!" inangat ko yung ulo ko at humalik sa labi niya. Naramdaman ko din naman yung paggalaw din ng labi niya, pero nanginginig ito. Humiwalay yung labi ko sa labi niya. nakapikit lang ako ng madiin habang magkadikit yung noo namin. Ramdam na ramdam ko ang hirap na hirap niyang paghinga.

"A-a-ang s-sakit.."

"S-sabi mo di mo ako iiwan? Bakit parang nagpapaalam ka na?"

"P-p-patawad.."

"Reymark, please. Wag mo akong iiwan" Dahan dahan niyang hinaplos yung buhok ko.

"C-c-claire...i-i-i l-love y-y--" naramdaman ko nalang ang huli niyang hininga. Di ko na narinig ang sinabi niya, lalong lumakas ang paghagulgol ko. "Di ko kaya" lumayo ang ulo ko sa muka niya. Nakabukas pa yung mata niya. Sinara ko nalang ito at binaon ko yung muka ko sa dibdib niya. "H-hindi ko kaya.... h-hindi ko k-k-kaya! Hindi ko kayaaaaaaa!!!"

Iniwan na ako ng pinakamahal kong lalake. tapos na. sinuntok suntok ko yung sahig. "Reymark! wag mo akong iiwan! Mahal na mahal kita! Reymark!!" iyak lang ako ng iyak. Inangat ko yung ulo ko at tinignan ko ang muka niya. "Gumising ka diyan, please.. Gumising ka! Wag mo akong iiwan!" pilit kong iniisip na bubukas pa ang mata niya pero ilang minuto na ang nakalipas ay nawalan na ako ng pag-asa. Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko. Dumating na ang mga pulis.

Pagkatayo ko ay may nakita ako sa table na cake, cookies, chocolates at marami pang iba.. Lalo akong naiyak nung makita ko ang mga yun.

Lumapit ako dun at nagiiyak, Ito ba ang surprise niya sakin?? Nakita ko sa tabi nung cake ang isang papel. Nanginginig kong kinuha yung papel. Binuksan ko ito at nabasa ko ang salitang talagang dinurog ang puso ko.

"Birthday ko ngayon claire my loves!! Sana nagustuhan mo itong mga handa at regalo ko sayo. I love you!!!"

B-birthday niya ngayon?? H-hindi ko a-alam.. Lalo akong naiyak sa nabasa ko. Sobrang sakit.. Bakit kelangan niya akong iwan.. B-bakit..

Sinugod sila sa ospital, nakaligtas yung nanay niya. pero siya.. wala na... Di ko na siya muli pang makikita. Malapit sa puso siya tinamaan ng bala.. Wala na siya.

(...........)

Nilapag ko yung bulaklak sa may lapida. "I miss you... happy birthday.." sabi ko habang nakangiti. 3 years na at hindi parin ako nakakamove on sakanya. Sobra sobra ang pagmamahal na binigay ko sakanya kaya hirap na hirap talaga ako. Pero wala akong balak magmove on. Mahal ko parin siya, hinding hindi ko siya kakalimutan.

Naramdaman kong mayhumawak sa palad ko.

"Tara na Claire??" tumango nalang ako. Balang araw matutunan ko din itong mahalin. Pero hindi gaya ng pagmamahal ko kay Reymark. hinding Hindi mapapalitan ang level ng pagmamahal ko sakanya.

Siya lang ang lalakeng minahal ko ng husto at ng buong puso ko.

~~EnD~~

****

Hello po! First story ko po ito! Sana po nagustuhan niyo! Leave some comments and likes if you want! MARAMING SALAMAT PO! :D

He LeaVes Me (One Shot)Where stories live. Discover now