Chapter 29

39 1 0
                                    

Start na naman ang new school year but this year is different dahil wala na dito sina Kuya. Habang tinitingnan ko ang list ng students per class, nilingalinga ko ang paligid para hanapin ang mga kaibigan ko.

"Teka nasan ba si Demi?? simula nang bumalik ako mula sa America hindi ko na siya nakita..."

Habang lumillingon ako sa paligid nakita ko sina Patrick at Rein

"Hey Ayis, kamusta ka na? Balita ko nasa America daw kayo nitong summer vacation ah" Bati sakin ni Pat

"Oo, haha, kakabalik nga lang namin last week"

"Kaya naman pala hindi kita nakikita"

"Nga pala Ayis, anong section mo?" Tanong sakin ni Rein

"Ah 3-A ako, kayong dalawa ba?"

"Nice magkakaklase na naman tayong tatlo" Sagot naman ni Rein

"Nakakatuwa naman makakasama na ulit kita this year Ayis!" Sabi ni Pat sakin tapos inakbayan niya ako. Ako din masaya din ako kasi kaklase ko pa din si Patrick. Grabe lang ha simula nung 1st year middle schooler pa kaming dalawa magkaklase na kami, wala talagang palya! Nakakatuwa lang gragraduate kami na magkaklase pa din kami ng bestfriend ko!

"Nga pala nakita nyo ba si Demi? Kanina ko pa kasi siyang hinahanap dito sa campus pero hindi ko siya makita' Tanong ko naman sa kanila. To be honest kanina ko pa talaga siyang hinahanap pero hindi ko talaga siya makita. Nasan na bang lupalop ng school nagsusuot ang babaeng iyon?!

"Hindi na siya dito papasok, lumipat na siya ng school at balita ko nagdodorm na din siya dun sa school nya ngayon"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Patrick. Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko. Mahilig naman mag good time itong taong ito eh. Kung totoo man yun, bakit wala man lang sinabi sakin si Demi?? Bakit hindi man lang nagpaalam sakin si Demi?! Ano ba naman yun! Bestfriend ba talaga niya ako?!

“Jinojoke mo ba ako Pat, bakit walang nasasabi sakin si Demi???" Seryoso ako, hindi ito isang magandang joke!

"Oh? Hindi mo ba talaga alam? Eh di ba bestfriend ka niya?" Nagtataka namang tanong ni Patrick sakin

"Yun na nga eh, bestfriend niya ako pero ako pa itong walang nalalaman sobra naman”

inaamin ko sobra akong nasaktan dito sa nalaman ko, bakit naman ganun?! una medyo umiiwas siya sakin nung nakaraang semester tapos ngayon lumipat siya ng school ng hindi man lamang nagsasabi sakin. Nakakainis naman oh! May nangyari bang hindi ko alam? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?!!"

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng mag-umpisa ang school year na ito. Simula ng umalis si Demi parang kulang na kulang ang bawat araw ko, hindi pala parang kundin kulang na kulang talaga!

"hindi talaga ako sanay na wala si Demi sa tabi ko...." Sa tuwing naiisip ko ito nalulungkot ako.

Isang araw habang naglalakad lakad ako sa may shopping center na mag-isa naaalala ko na naman si Demi.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari... bakit ba bigla nalang umalis si Demi ng hindi man lang nagpapaalam sakin tapos napag-alaman ko pa na lumipat na ng bahay sina Demi kaya nag dodorm na lang siya sa school niya ngayon..... Ano bang nangyari kay Demi? Bakit ba nagkakaganito siya??! May nagawa ba talaga ako?!!"

Habang naglalakad lakad ako bigla ko namang nasulyapan si Demi kasama ang ibang mga babae na mukhang schoolmates niya.

Si Demi ba yun?! Si Demi nga!!! OMG! Ang tagal ko siyang hindi nakita ah! Miss na miss ko na siya!!! Tatakbo na sana ako papalapit sa kanya dahil sa excitement pero napahinto ako ng biglang pumasok sa isip ko yung fact na umalis siya sa buhay ko ng hindi man lang nasasabi sakin. That fact made me even eager to talk to her, to know her reasons, to hear her out. I want to know everything. Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginawa sakin. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan si Demi para kausapin. Nang lumapit ako sa kanya bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako, pero bakit ganun, ibang iba ang aura niya. ibang iba talaga sa Demi na palagi kong kasama. Ang mga mata niya ang fierce at wala siyang kaexprepression ng marealize na ako ang kaharap niya.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon