30

247 9 1
                                    

A month have passed already. Things are coming into its place again.

Unti unti nang bumabalik si Chris sa dating siya. Pagkatapos kasing umalis ni Erin ay hindi na talaga nagsasalita si Chris. Ako na nga lang yung kinakausap niya nun.

Nakamove on na rin pala ako sa kanya. Sinabi ko na din yung feelings ko noon at parang wala lang naman sa kanya. We're close friends now.

But though, kahit mag iisang buwan na ay hindi pa rin namin pinag uusapan si Erin. I respect that. Alam kong mahirap ang magmove on kaya di ko na rin tinanong at binanggit sa kanya. Di naman kasi nawawala kaagad ang feelings ng isang tao. Lalo na pagmahal na mahal mo ito.

Kailangan nito ng matagal na panahon para maghilom ang sugat. Pero depende lang naman sa tao yan. Yung acceptance kasi yung susi ng pagmomove on. Matagal kang makakaaccept sa fact na wala na kayo o wala nang pag asa, mas matagal ang process ng pag momove on mo.

"Lalim ng iniisip natin ah?" sabi ni Ken.

"Wala. Iniisip ko lang kung what if di pa ako nakakamove on kay Chris ngayon. Pano kung may nararamdaman pa ako. May chance kaya kami pag nagkataon?" sabi ko.

"Wala. Wala pa rin dahil alam niyang may............" pabulong na sabi niya kaya di ko narinig sa huli.

"Ano? Ano yung sinabi mo?" tanong ko.

"Sabi ko wala pa rin. Wala pa rin kayong pag asa dahil di naman kayo ang nakatakda para sa isa't isa" sabi niya.

Natawa naman ako dun.

"Ano ka si Cupid? At alam mo kung sino ang nakatadhana sakin?" natatawa ko pa ring sabi.

"Hindi. Hindi ako si Cupid pero ako ang nawawala niyang kapatid. Di mo ba napapansin? Kaya nga ang daming babaeng nahuhumaling sakin" sabi nito na nagpatawa sakin.

Loko-loko talaga. May sapak ata to sa utak eh hahaha.

"Loko ka. Gusto mo bang magpatawag na akong susundo sayo na taga mental?" natatawa kong sabi.

"Hi guys. Anong pinag uusapan niyo?" biglang sulpot ni Janna kaya napatahimik ako.

Di pa rin kami close ni Janna. Di din naman siya gumagawa ng paraan para maging close kami kaya wala lang din akong paki. Ayokong magfirst move dahil baka katulad din to ni Erin.

"Wala. San ka nga pala nanggaling?" tanong ni Ken.

Nandito nga pala kami sa library ngayon. Sa usual spot ko.

Nagbubulungan sila sa may gilid ko kaya nagpaalam ako na hihiramin ko muna tong libro na binabasa ko.

Pagkatapos kung hiramin ang libro ay binalikan ko sila. Para silang nagtatalo na ewan.

"Uhm guys, dito pa kayo? Una na ko ha? Mag aayos pa kasi akong locker ko" sabi ko.

"Sige ayos lang. Aalis na din kami maya-maya" sabi naman ni Janna ng nakangiti.

Naiiling na lang ako habang papaalis ako dun sa pwesto nila.

Ang weird talaga nung Janna na yun. Palagi na lang nakangiti pag kinakausap ako.

Pumunta muna ako sa classroom ko saka ko kinuha yung mga iiwan ko sa locker ko.

Pumunta akong locker room at binuksan yung locker ko. Nabigla ako ng may mahulog na sulat sa loob nito. Mukhang kalalagay lang nito dahil parang inilagay lang ito kaagad. Di kasi siya napasok talaga sa loob kaya nahulog.

Tumingin naman ako sa paligid ko. Nagbabasakaling makita kung sino yung nagbigay nito pero ako lang naman ang tao dito. Siguro nakaalis na.

Nilagay ko lang sa bulsa ko yung sulat at nag ayos na ng gamit ko.

Maya- maya lang ay nakarinig ako ng foot steps kaya lumingon ako kung san nanggaling ang tunog na yun.

Si Janna pala.

Bumalik lang ako sa pag aayos. Hinayaan ko lang siya. Total di naman kami close.

"Van... i know we're not close for me to talk to you... but can we be friends? Nahahalata ko kasi na parang iwas ka sakin? Na parang ayaw mo akong maging kaibigan" biglang sabi nito na nagpalingon sakin.

"Gusto pa naman sana kitang maging kaibigan. Kaya sana maging magkaibigan tayo... Van can I be your friend?" nakapikit na sabi nito.






To be continued...

I Love Him But He's Not MineWhere stories live. Discover now