Chapter 06

28 3 0
                                    

Chapter Six: With the 3RP's

Erica's POV

"Ang tagal naman nila."sabi ko at nagpout ako.

Saturday ngayon kaya wala kaming pasok,niyaya kami ng 3RP's na magmall sa totoo lang si Aiden at Ivan lang ang nagyaya samin. Kanina pa kami naghihintay dito sa labas. Tss! Wow ha? Kami pa talaga mga babae ang pinaghihintay. Jusko!

"Baka natraffic lang sila."sabi naman ni Irish habang nagtatype sya sa cellphone nya.

"Natraffic? Duh! 3 hours na tayong naghihintay dito!"sigaw ko. Galit na talaga ako. Nakakabeastmode -___-

"Kalma ka lang."napa-irap lang ako sa sinabi ni Irish.

Bago pa ako sasabog sa galit,dumating na sila. Nakasakay sila sa kotse ni Evil Prince.

"Sorry we're late."sabi agad ni Ivan ng makababa sya ng kotse.

Nginitian ko sila ng sarcastic."3 hours nyo kaming pinaghintay."sabi ko sakanila. Mahinahon yung pagkasabi ko pero ramdam yung galit dun.

Kinamot ni Aiden yung batok nya ng makababa sya at makalapit sa amin."I'm sorry. May nagyari kasing hindi namin inaasahan."sabi ni Aiden at tumingin sya kay Ivan at kay Evil Prince.

Ngumisi si Evil Prince."Let's go."sabi nya at pumasok na sya sa kotse nya. Hindi man lang mag-sorry palibhasa kasi hindi sya marunong. Mag-appreciate nga e hindi nya alam,magsorry pa kaya. Tss!

"Sa susunod magtext naman kayo,hindi yung pinaghihintay nyo kami ni Irish."sabi ko sakanila. Nilakas ko yan para marinig din ni Evil Prince. Para kasing wala lang sakanya 'to. Na parang okay lang na naghintay kami dito ng ilang oras. Ang sama ng ugali nya. -__-

Natawa si Aiden."Sorry guys. Hindi na 'to mauulit."sabi nya.

"Talaga! Nakakainis kayo."sabi ni Irish at pumasok na sa loob ng sasakyan. Sumunod na ako sa kanya tapos sumunod na yung dalawang lalaki sa akin.

Nang makapasok na kaming lahat dito sa kotse,hindi pa pinapaandar ni Evil ang kotse. Tumingin ako sa rear mirror at nakita ko yung repleksyon nya dun,nakatingin din sya sakin.

"Ano 'to? Driver nyo ko?"tanong nya at napairap sya.

Para nga syang driver namin kasi lahat kami nakaupo dito sa likod. Mag-isa lang sya sa harap.

"Ano bang tawag mo sa sarili mo King? Malamang ikaw driver kasi ikaw ang magdadrive."natawa naman kami sa pambabara ni Aiden kay Evil Prince.

Nilingon nya kami at isa-isa kaming sinamaan ng tingin lalo na kay Aiden.

"Joke lang King. Peace tayo bro!"natatawang sabi ni Aiden.

Hindi yon pinansin ni Evil Prince. Napatingin sya sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay."Umupo ka dito sa shot gun seat."utos nya at bumalik ang tingin nya sa harap nya.

"Ayoko. Si Ivan na lang."sabi ko.

"Uupo ka dito o lalabas ka ng kotse ko."nagbabanta nyang sabi.

Wala ngayon ang kotse ko nandun sa mansyon namin. Ayaw ko namang magcommute. No choice.

"Oo na. Tss!"lumabas ako ng kotse at lumipat ako sa shotgun seat.

"Happy now?"sarcastic kong tanong sakanya ng maka-upo na ako sa shotgun seat.

Hindi nya na ako pinansin,pinaandar nya na lang yung kotse.

--

"Ano bang nagyari at natagalan kayo kanina?"tanong ko sakanila.

The Boy In My Dreams [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon