[one]

45 7 2
                                    

Hay..

Ilang linggo na ba mula nang magkahiwalay kami?

Para sa’kin fresh pa din ang mga ala-ala nya.

Pa’no ba namang hindi eh eto na naman ako at binabasa ang mga saved messages nya sa’kin?

Tapos iiyak iyak ako. Tsk

Ang tanga ko din eh.

Kung alam ko lang nung una pa na masasaktan lang ako at magkakaganito, sana di ko na pinatagal pa.

Kinabukasan pagpasok ko sa school…

“Aliana!”

Rinig kong tinawag nya ang pangalan ko pero di ko sya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa lakad.

Bakit ba kung kelan gusto ko na syang kalimutan, tsaka naman sya lumalapit sa’kin?

Nananadya ba sya? Hay... Kainis...

Araw-araw na lang nya ginagawa ‘yan, tatawagin ako para lang mag HI!

Nakakainis ‘di ba? Bahala nga sya!

Naglakad na ako papunta sa room ko at dumiretso na sa upuan ko tapos ay umubob na lang habang wala pang teacher.

“Kung palagi kang ganyan..kung palagi mong ipapakita sa kanya na ‘di ka pa nakakamove-on, pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo”

Rinig kong may nagsabi ng mga salitang ‘yan kaya agad kong iniangat ang ulo ko.

Pero wala naman akong katabi.

Lahat ng mga kaklase ko ay may kanya kanyang grupo ng usapan. Ako nga lang ang magi sang nagmumukmok ditto sa tabi eh. Hay anu  ba ‘yan? Teka, ilang beses na ba ako nagbuntong hininga? Hay.

Ay. Tsk

Dumating na ang teacher namin at “blah blah blah blah blah” ayan lang ang tangi kong naririnig mula sa kanya.

*Kring kring*

Break time.

Nagpunta na ako sa canteen at kung sinuswerte ka nga naman, siya pa ang una kong nakita…may kasamang ibang babae. Wow ah? Di ba nya alam ang 3 months rule?tsk . . Mukhang sya nakamove-on na. Ako na lang ata ang hindi.

Dumaan lang ako sa harap nila, habang sya nakaakbay dun sa babaeng mukhang graffiti ang mukha.

“Hey! Aliana!”

Aba’t! talagang may lakas pa sya ng loob na tawagin ako? The nerve! Tsk kung hindi ko lang maha--  agh mahal ang buhay ko, sana nasuntok ko na ‘to. Basta ‘di ko sya pinansin at nagtuloy lang sa paglakad.

Pero sadyang makulit nga pala ang taong ‘to. Hinawakan nya ang braso ko, dahilan para mahinto ako sa paglakad.

“What?” iritable kong sagot.

“Is there something wrong? Akala ko ba friends na tayo? Why are you acting like that?” grr.. napakainsentive mo dre’

“wrong? Something wrong ba kamo? Itanong mo yan sa sarili mo!”

At mabilis kong hinila ang braso ko sa kanya kaya nabitawan nya agad.

Tsk nawalan na ‘ko ng ganang kumain. Nakakainis naman oh.

Nagpunta na lang ako sa likod ng school. Wala ditong tao pero malinis naman dito, parang maliit na garden din.

Nagpunta ako sa ilalim ng puno at nagsalpak na lang ng earphone sa tenga para makapagpatugtog.

[Now Playing: 12:51]

At kung hindi nga naman mapangasar ang tadhana, ayun pa talaga ang biglang tumugtog oh. Nakashuffle pala kasi ‘ko kaya random ang pagtugtog. Tss

Pinatay ko na lang ang tugtog at sumandal na lang sa puno para makaidlip man lang.. wala pa din kasi akong tulog.

“sa pagkakaalam ko, it’s more than one month since you two broke up”

Napaigtad ako nang biglang may magsalita.

Pagtingin ko sa paligid walang tao.

Bigla akong kinilabutan. Kanina pa ‘to ah? Tumayo na ako pero bago pa man ako makaalis ay may nagsalita ulit..

“Scared of me?”

“who..who are you?” medyo nanginginig kong sabi.

“well, I’m just an observer from afar” sabi nya. Observer from afar? Baliw ba ‘to?

“I don’t have time fooling around, I gotta go!” at nagmadali na akong maglakad paalis sa lugar nay un.

Buti naman at di na sya sumunod.

Sino ba kasi yun?

Kitang nag eemote yung tao, tapos biglang mananakot. Mga tao talaga, walang magawa.

Pagbalik ko sa room, sakto naman na nagsisidatingan na din ang mga kakalase ko.

Naupo na ‘ko sa upuan ko nang mapansin kong may bag na sa tabi kong upuan. Kelan pa ‘ko nagkaro’n ng katabi? Sa pagkakaalam ko ayaw nila sa’kin dahil.. ah wag na nga. Bakit ko ba iniintindi yun? Tsk

Umubob na lang ulit ako sa mesa ko at naramdaman ko namang may naupo na sa tabi ko. Gusto ko man alamin kung sino ang estrangherong ito eh mas pinili kong umubob na lang.

“Class, good afternoon!”

“Good afternoon, Ma’am!”

Andyan na pala teacher namin, umayos na ako ng upo at tumingin sa kanya.

“Class, dito na nga pala sa klase nyo mag I stay si Mr. Fortalejo.” Tumingin si ma’am sa’kin..teka..a-anong-- bakit ako tinitingnan ni ma’am?

Biglang tumayo yung katabi ko…

Ay..di pala ako -_- epal naman oh.

Nagpunta sa harap yung katabi ko, lalaki pala yun. Psh lalaki >_>

‘di ko na pinansin kung anong gagawin nya sa harap kaya tumingin na lang ako sa bintana.

“Hello everyone, I am Adrienne Fortalejo from section A, nice meeting you” rinig kong sabi nya.psh

From section A pala sya eh, bakit pa sya lumipat dito? Section B ‘to at alam nya naman siguro na kaaway ng section nila ang section namin. Aish Bahala nga sya.

Nahagip naman nang mata ko na nasa labas pa si Ervin, si Ex :( may kasama na naman na babae. Ibang babae na naman.

Bakit ba kasi nagpauto ako sa lalaking yan eh. Alam ko naman na player yan! Grabe lang kasi mambola eh, mapapamahal ka.

Nakakainis.

“Is there any problem, Ms. Dela Torre?” huh? Ako yan ah?

“ma-ma’am?” napatingin ako bigla sa teacher ko at napansin ko ding nakatingin sa’kin ang iba ko pang kaklase.

“Bigla ka na lang kasing sumigaw ng Nakakainis! May problema ba?” ay napalakas ba yung pagsabi ko?

“ah—eh wala naman po ^__^” dinaan ko na lang sa ngiti si ma’am.

“okay, akala ko may problema eh, by the way, you may sit down, Adrienne”

Sinunod naman sya nung bagong lipat.

At ayun nga. Natapos na naman ang isang boring na araw. Uwian na.

Bitter to Better?? [hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon