Prologue: The Man's dream

23 0 0
                                    

Nagising sa kalagitnaan ng gabi si Tadashi na pawis na pawis. Hindi mapakali ang utak niya sa kanyang napanaginipan. Sa kalagitnaan ng gabing tahimik ay may mga naririnig sya'ng iba't-ibang tunog. May naririnig sya'ng echo ng mga nagkakantahan sa malayo, may asong umaalulong, may mga makina ng sasakyan sya'ng naririnig. Kahit naririnig niya ang mga 'yon hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga napaniginipan niya nang gabing iyon. Ninais niyang isulat ito sa kaniyang diary pero hindi niya magawa dahil tinatamad siya. Mayroong elementong ibinabalik siya sa pagkakahiga pero gusto niyang lumabas, uminom ng tubig, at umihi.

Lumabas siya sa kwarto niya at bumaba sa kusina para gawin ang gusto niya pero may narinig siyang kakaiba sa puno ng mangga nila. May narinig siyang kumaluskos. Naunahan siya ng takot kaya umakyat agad siya sa kwarto niya at napahiga sa kanyang kama. Pipikit sana siya pero may nakita siyang maliit na butas sa kanyang bintana. Sumilip siya doon para tignan kung ano ang narinig niyang kumaluskos sa puno ng mangga nila na kaharap lang ng kwarto niya.

Nang sumilip siya ay nakita niya ang isang malaking pakpak na tila isang pakpak ng paniki. Iniisip niya kung malaking paniki ba iyon o isang elementong hindi mawari. Tumayo ang nakita niyang elemento sa matibay na sanga ng puno ng mangga. Nakita niya ang mukha nito ngunit hindi niya masyadong maaninagan pero kitang-kita niya ang mapupulang mga mata nito na parang mata ng isang demonyo. Sa puntong 'yon ay nahimatay na siya sa sobrang kaba niya.

Kinabukasan..

7:00 A.M.

alarm ng alarm ang orasan niya pero hindi pa din siya nagigising.

8:50 A.M.

Naalimpungatan siya dahil sobrang sakit ng tiyan niya. Dumiretso siya agad sa C.R. para maibsan ang nararamdaman.

Lumabas siya sa C.R. na latang-lata. Tila hindi maganda ang pakiramdam niya. Mainit ang pakiramdaman niya na parang linalagnat. Nakita niya ang oras at nagulantang siya nang makita niya na mag-aalas-9 na ng umaga. Dali-dali siyang nagkape at naligo para pumasok sa trabaho.

Tumatakbo na siya para hindi maiwanan ng 9:30 A.M. trip ng tren. Nakisiksikan na lang siya ng mabilis sa maraming tao sa tren. Muntik pang maiwanan ang kanyang bag pero buti na lang at nahawakan niya itong maigi.

Habang nakatulala sa loob ng tren si Tadashi, biglang pumasok muli sa isipan niya ang mga napanaginipan niya at nakita niya sa bahay nila. Hindi niya maintindihan kung alin na ang totoong nangyari at alin ang panaginip lang.

"Pagkatapos ninyo kaming itapon, kailangan ninyo kami ngayon?" bigla niyang narinig ang salitang iyon. Naalala niya ang panaginip niya. Hinanap niya kung sino ang nagsabi no'n.

"May mga tao talagang kilala ka lang pag may kailangan." Nakarinig na naman siya ng boses na hindi niya alam kung saan nagmula.

"Mas gusto ko ng patayin ang aking lupang katawan kaysa sa patayin ang espirituwal kong kalagayan ng mga taong paninira lamang ang alam." Nalilito na siya sa mga naririnig niya pero patuloy pa rin niya itong hinahanap.

"Idiots are always be idiots even you educate them." Napasigaw si Tadashi sa mga boses na narinig niya at idinilat niya ang mga mata niya. "AAHH!!" Nagising siya.

Narinig niya ang announcer sa tren. "Nandito na po tayo sa Clark, Pampanga Station 7. Inuulit po namin nandito na po tayo sa Clark, Pampanga Station 7. Maari na po kayong bumaba." Tumayo si Tadashi habang nakatingin sa kaniya ang mga tao at dagli-dagling tumakbo palabas ng tren.


Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon