Chapter 12: Playing Dead [EDITED]

343 29 10
                                    

Irhel's POV:

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Malabo pa para sa'kin ang paligid at ngayon ay wala akong maalala kung ano nga ba ang huling nangyari. Basta ko na lamang nahanap ang aking sarili dito sa sahig, naka-handusay.

Tumayo ako't pinagpagan ang aking sarili. Pagkatapos nito'y lumakad-lakad ako sa paligid.

Nakakapagtaka. Wala akong makitang tao miski isa. Saan ba silang lahat pumunta?

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Saka ko lang napansin na nakarating na ako sa pinaka-nakakatakot na parte ng hallway. Sobrang tahimik ng lugar at aandap-andap pa ang mga ilaw sa kisame. Para akong naglalakad patungo sa impyerno.

Itinungo ko na lang ang aking ulo upang maiwasan ang kaba. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nakakita ako ng mga nakasulat na numero sa sahig gamit ang dugo.

12:58.

Naalala ko na lang sandali ang nangyari sa oras na iyon kanina. Labintatlo ang ibinigay na trials sa amin at sa ika-labintatlo ako nawalan ng malay. Nadapa ako sa isang bato na nakahara at tuluyang bumagsak sa sahig.

Pero bago ako mawalan ng malay, nakita ko si Harry. Pinauna niya ang ibang kaklase namin sabay umalis papalayo nang walang kasama. Hindi kaya may itinatago siya?

Nakaramdam ako bigla ng kaba sa aking dibdib. Lumamig ang paligid at hindi ko inaasahang may lilitaw na tao sa sulok ng aking mga mata. Naaaninag ko ang nakakatakot nitong ngiti at duguan nitong katawan.

Hindi ako nagdalawang-isip na tingnan iyon. Dumiretso na ako sa paglalakad at hindi na pinansin pa iyon.

Pumikit ako at tinakpan ang aking mga tenga dahil sa mga bulong na aking naririnig. Palapit ito nang palapit sa akin, ngunit hindi ko maintindihan ang nais nitong iparating. Para itong humihingi ng tulong mula sa akin.

Sumagi sa aking isip ang tungkol doon sa 'Silent Play' na magaganap. Naalala kong ngayon mismo iyon gaganapin. Ang nakakakilabot at nakakapagtaka lang dito ay kung sino ang mga gaganap. Sino nga ba talaga?

Pumunta ako sa sinabing lugar na gaganapan dala ng aking kyuryosidad. Binuksan ko ang pinto at agad na bumungad sa'kin ang isang madilim na sinehan.

"Hello...?" Walang rumesponde sa aking sinabi. Mukhang walang tao.

Lumilingon-lingon ako dahil parang may nakikipaglaro sa akin. Lumingon ako sa kanan sabay sa kaliwa. Isasarado ko na sana ang pinto nang may biglang sumilip na tao dito. Duguan ang mga mata nitong walang laman. Nakakakilabot ang hitsura nito kaya hindi ko napigilan ang aking pagsigaw.

Sumulpot na lang sa aking tabi ang dalawang bata na naghahabulan. Hindi ako nagdalawang-isip na tanungin sila, ngunit bago ko pa ito magawa'y pumasok na sila sa loob ng room.

Sinundan ko ang mga bata patungo sa loob, kahit na hindi ko alam kung ano ba ang maaaring mangyari sa akin. Umupo ako sa isa sa mga upuan at biglang bumuhay ang spotlight sa stage nang hindi inaasahan.

Nakatapat ang liwanag nito sa isang nakakakilabot na manikang naka-upo. Ang mga mata nito ay mukhang totoo at ang mga tingin nito'y hindi ko maipagkakailang nakakatakot talaga. Para itong nakatitig sa akin.

Halos makapos ang aking hininga nang magsimula itong kumanta ng isang lullaby song. Nakakatindig-balahibo ang kan'yang boses, parang demonyo. Kitang-kita ko pa ang mabagal na pagtulo ng mga dugo mula sa mga mata nito.

"Kompleto na rin tayo sa wakas." wika nito.

Lumingon-lingon ako sa paligid at laking-gulat ko nang aking makita na lahat ng aking mga kaklase ay nandito— lahat ng patay kong kaklase. Kasama din namin si Sir Rey at ang principal.

Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito o isang ilusyon lamang?

Nagsimula din ang silent play. Totoo ngang silent ito sapagkat walang nagsasalita, ngunit parang may ipinapahiwatig.

Napatayo ako sa aking upuan dahil sa gulat nang makita mismo ng aking mga mata na tunay na sinaksak nung isang tao yung isa niyang kasama. Hindi ako makapaniwala.

3rd Person's POV:

Napasigaw na si Irhel sa takot nang kan'yang mapansin na ang mga taong gumaganap sa play ay mga taong sumakabilang-buhay na pala. Gamit ang mga string ay napapagalaw ang mga bangkay, ngunit ang kataka-taka dito ay walang gumagalaw sa mga ito— kusa silang gumagalaw!

Paglingon ni Irhel sa kan'yang mga katabi ay bigla silang naglaho. Wala na siyang kasama at tanging siya na lang ang naiwang naka-upo. Pagtingin niya sa stage ay kan'yang natagpuan dito ang lahat ng tao kanina. Lahat sila nakangiti— parang mga demonyo.

Pinilit niyang pumikit at umaasa na lang siya na sana'y isang panaginip na lang ang nakita niya sa paligid. Pero hayan na sila't lumalapit sa kan'ya habang bumubulong, kinukumbinsi na maki-isa sa kanilang mga demonyo.

"Sumama ka na sa'min. Sumama ka na sa impyerno!"

Tinakpan niya ang kan'yang mga tenga at binalewala ang mga taong bumubulong sa kan'ya. Hindi pa niya gustong mamatay. Ayaw pa niyang lumisan sa mundong ito.

...

"Tumayo ka na. Masyado silang mapanlinlang." Bigla na lamang may naglahad ng kamay para kay Irhel. Tumingala naman ito upang makita kung sino ang nagsasalita.

"H-Heiley...?"

Natatakot man si Irhel ay kan'yang tinanggap ang kamay ni Heiley. Tumayo siya sabay pinunasan ang kan'yang mga luha.

Sa sandaling ito ay natagpuan sila ni Harry, na nananatili pa ring buhay pala. Sama-sama at sabay-sabay silang naglakad palabas at nagtungo kung saan-saan hanggang sa sila'y maglaho na sa kadiliman.

Balik uli sa pinag-ganapan ng play, namatay ang spotlight ng stage at muli itong nabuhay. Nakatutok pa rin ito sa manika. Kani-kanina lang ay wala itong kaekspre-ekspresyon sa mukha, ngunit ngayon ay nagkaroon na din. Naiwan itong nakangiti habang ang mga mata nito'y patuloy sa pagluha ng mga dugong tumutulo sa sahig. Nabuo na naman nito ang mga numerong 12:58.

Ano nga ba talaga ang misteryo sa likod ng 12:58?

A/N: Edited. 3/7/18

12:58 [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon