"Hoy, Larissa!""Oh bakit Paderez?!"
"Maka Paderez ka dyan ha! Psh! An----
"Maka Larissa ka din kasi!Tsk! What do you want?!" inis na sagot ko.
"Whatever! Anyway, may quiz tayo bukas, right?" tumango lang ako bilang sagot habang naglalaro sa aking phone.
"WAAAAH! Bakit parang wala kang pakialam na may quiz tayo bukas para sa Midterms?!" napatigil ako sa paglalaro dahil sa pagsigaw nya.
Ang OA talaga ng isang 'to kahit kailan! May pagsigaw agad! Ang sakit sakit sa tenga ng boses! Tsk! 〴⋋_⋌〵
Umupo sya sa tabi ko at nangalumbaba with matching pouty lips pa.
"Alam mo, ang OA mo! Nagtanong ka kaya tumango ako bilang sagot ko. Bakit may pagsigaw ka agad dyan?! TSK!" pagtataray ko sa kanya. "Pati ano ba kinakatakot mo? Quiz lang naman yon at Midterms pa lang. OA mo! Tss" tinaasan ko sya ng isang kilay.
Tiningnan niya ako ng masama at halatang halata na nainis siya sa sinabi ko.
"Yan din sinabi mo nung Prelims natin e! Palibhasa kasi hindi ka nahihirapan dun sa topic natin kay Engr. Rosales! Ang hirap kaya nung O.R natin! HUHUHU! SEND HELP!!"
(;'༎ຶД༎ຶ')
Nag-inarte pa siya sa harapan ko na parang bata. Jusko! 20 years old na pero parang 10 years old kung umarte. Tsk!
"So?! What do you want me to do?!" patuloy lang ako sa pagtataray ko.
Hindi ko naman kasi malaman kung bakit ganito makareact ang babaeng 'to eh. Tsk! Ლ(ಠ益ಠᲚ)
"You're so mean! Hindi mo man lang ako tutulungan? Nahihirapan po ako! Nahihirapan po ang kaibigan mo! Manhid ka ba friend?! Makaramdam ka naman!"
"You're so mean! Psh!" panggagaya ko sa kanya.
"Ang arte arte mo! Yan lang pala gusto mo hindi mo po agad sinabi kanina! Try to ask din kasi! Yung straight to the point! Hindi yung pakeme keme kapa dyan! Akala ko naman kung bakit ka umo-OA magreact dyan!""Matuto po kasing makaramdam, ano po? Tsk! Turuan mo ako ha!" sabi nya at nag-puppy face pa sya.
Humihingi na ng favor siya pa matapang! The nerve of this babaysot! Tss! Tapos papaawa effect pa. Hay nako. Kung hindi lang ako mabait. Tsk tsk!
"Fine! Fine! After this class na lang!"
Nakita ko namang nagningning ang mga mata nya sa sinabi ko kaya napailing na lang ako sa luka lukang ito!
Kaya nakakabaliw kasama to eh! May mood swings!
(>tᲚ)"Anyway, nasaan na nga pala sila Jenny?"
Naglaro na ulit ako sa phone ko.
"Ahh. Papunta na daw sila. Nagtext sakin si Crislyn baboy eh! May dinaanan lang daw sila ni Jenny."
"Ahhhh~~~
Yan na lang ang nasagot ko dahil medyo busy ako sa paglalaro ng 2Fuse e. Mehehe!
"Tsk! Ano ba yang nilalaro mo?" tanong niya sakin habang naglalabas ng notebook.
Hmm? Mag-aaral na agad? Ang sipag ah. Sipaaaaag!
"Hindi ka ba mag-aaral?" dagdag pa niya.
"Ha? For what?"
Kinakausap ko siya pero patuloy pa din ako sa paglalaro ko.
Enjoy kasi 'tong laruin eh.
"Sa quiz. May quiz kaya ngayon sa Systems."
BINABASA MO ANG
Because I'm A Girl [Original]
Teen FictionThis is a CLICHÉ story. SOMEONE also told me that. But, it's okay. Life is a cliché! Falling in love is a cliché! Let's just be real. Life isn't PERFECT! I repeat, this is cliché BUT in my OWN way: A CREATIVE WAY! 🙂 PS: Give it a shot, please. You'...