Saving Kyel; Losing Sionn

71 0 0
                                    

Mabilis rin nilang narating ang Witches Castle. Medyo nagulat pa si Ryma dahil hindi ganun ang inaasahan niya. Akala naman niya e napaka taas at lawak ng castle na iyun.

     "Ang liit naman niyan..."

     "Wag mong ismolin iyan.. Maaaring maliit iyan kung titignan sa labas, pero natatago ang tunay na kastilyo.."

Pumasok sila dun sa loob ng tore. Pero hindi sila umakyat. May parang pinto na mukang simpleng lapag at binuksan ito ni Sionn. Isang hagdan pababa ang sumalubong sakanila.Na-amaze si Ryma dun. Tapos, bumaba na sila at maraming palapag ang sumalubong sakanila. At ang lahat ng iyun, dinala lang sila sa pinaka ilalim ng tore na may maraming kwarto. Isa isa itong sinilip nina Sionn.

     "Nandito ba talaga si Kyel..?", tanong ni Ryma.

      "Imposibleng wala siya dito, Ryma.."

Pagpihit ni Sionn sa pinakahuling pinto sa isa pang ilalim ng kastilyong iyun, hindi niya ito mabuksan.

      "Baka nandyan si Kyel!!", sabi ni Ryma.

Kinatok ni Ryma iyung pinto.

       "Kyel! Kyel! Si Ryma 'to! Ililigtas ka namin okay??"

Totoong nandoon si Kyel at narinig si Ryma. Nagulat ito at napa-lapit sa pinto.

       "...Ryma.."

Narinig iyun ni Ryma at napa-ngiti.

      "Sionn! Andyan nga si Kyel! Paano natin ngayon iyan mabubuksan??"

Napa isip si SIonn.

Bigla namang napa atras si Kyel at naalalang pinabayaan lang siya ni Ryma. Si Sionn naman tila may naisip nang paraan pero parang nagdadalawang isip pa siya. Biglang sumulpot si Maryll mula sa taas na halatang nagulat na makita si Sionn at Ryma.

     "Anong ginagawa niyo dito?!"

     "Ay hindi obvious no?", may pangaasar sa tinig ni Sionn.

     "Lumayas kayo dito! Hndi niyo maaaring bawiin si Kyel! Pinabigay mo na siya sakin, Silent Princess!"

     "Nagpakatanga ako sayo Maryll.. Pero wala kang karapatng kunin at pahirapan si Kyel.. Dahil ang Silent Prince ay para lang sa Silent Princess.. at wala nang iba pa!"

Sumidhi ang galit ni Maryll at gumamit ng salamangka ng mga witch. May nilabas siyang mahiwagang tungkod at tinuro ito kay Ryma. Nagulat si Ryma at tinakpan ang muka niya.

      "Maryll!!! Waggg!!", sigaw ni Ryma.

Narinig nalang ni Ryma iyung nakaririnding tunog ng paglabas ng salamangka at sumabog. Nang tignan ni Ryma kung anong nangyari ay nawala na si Maryll at tanging itim na feather lang ang nakita niyang natira. Nang tignan ni Ryma si Sionn ay nakita itong napagod. Naglabas din ng malaking porsyento ng enerhiya niya si Sionn para mahigitan ang salamangka ni Maryll.

      "O..okay ka lang ba.. Sionn..??"

Nagawa pang ngumiti ni Sionn.

      "Oo naman.. Ngayon, alam mo naman na ang gagawin diba? Sige buksan na natin tong pinto.."

Walang kahiraphirap na nabuksan ni Sionn iyung pinto na kanina lang ay hirap na hirap siyang buksan. Tatanungin niya sana kung pano niya nagawa iyun, pero inuna na niya si Kyel.

     "Kyel!", sabi ni Ryma sabay yakap dito.

 Medyo pawisan si Kyel dahil nga wala talagang hangin ang parteng iyun ng kastilyo.

     "Kyel, sorry talaga! Hindi ko sinasadya iyun!"

     "Naiintindihan ko.. Kaibigan mo naman siya e.."

Ngumiti si Ryma at hinawakan iyung kamay ni Kyel.

     "Pero wala na ang witch na iyun.. Kaya lumabas na tayo, dali!"

Hinila ni Ryma si Kyel palabas sa kastilyo, at sumunod sakanila si SIonn. Paglabas nila, lumingon si Ryma kay Sionn para itanong iyung kababalaghang nagawa ni Sionn, pero nagulat ito sa itsura ni Sionn.

    "S-Sionn.. anong.. nangyayari sayo..??"

Unti-unting nawawala ang kulay ni Sionn. At ang ibang parte ng katawan nito ay transparent na.

    "Guide lang ako, Ryma. Maraming bawal na sinuway ko dahil kailangan kitang tulungan.. Bawal akong magpakita ng extraordinary powers, pero ginamit ko ang pakpak ko; gumamit ng spell kay Maryll; at ang pagbukas ng pinto ni Kyel. Oras na maka tatlong offense ako, ay kamatayan ko na.."

~~~~~~~~~~~~GAINS.. AND.. LOSES.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

My Birthday Gift: Silent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon