Chapter 16: Tears of Courage

1.6K 29 0
                                    

ARIES

Malayo na lakad namin ni Liah para hanapin yung River Falls na sinasabi ni Mr. Griffith. Nakakatuwang makita na nagliliwanag ang bawat halaman at bulaklak sa Enchanted forest sa tuwing dinadaanan nya ang mga ito. Pinapalibutan din kami ng mga fireflies ang liwanag nilang lahat. It's a good thing na napanatili ng Forest ang ganda nito sa gitna ng chaos sa Earthofia.

Nakakatuwa ding makita na masaya si Liah sa mga nakikita nya, lumalabas ang kagandahan ng kanyang mukha sa pag liwanag ng paligid. Kailangan ko na syang ihanda para sa mga pagsubok na haharapin namin. Sana makangiti pa din sya ng ganyan pagkatapos ng lahat.

Naaaliw ako habang tinitingnan ko sya hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong napapangiti tuwing nakikita kong ngumingiti sya? Ilang saglit lang ay bigla syang tumingin saakin with her smiling face. Napaiwas ako bigla naiilang ako sa mga tingin nya. Nakakahiya dahil nakita pa nya kong nakatingin sakanya.

"Ang gaganda nila noh?" Sabay tingin nya saakin, gusto kong sabihing Oo maganda sila parang ikaw, buti nalang at napigilan ko ang sarili ko at nag nod nalang ako.

"Malayo pa kaya tayo? " iniba ko ang usapan at tumingin sa paligid para maalis ang pagkakatingin ko sakanya. Maya maya pa'y may nakita akong isang pond feeling ko naman iyon na yung sinasabi ni Mr. Griffith kaya inaya ko na si Liah at umupo kami sa may malaking bato.

Napansin kong nawala na ang liwanag ng mga bulaklak at mga alitaptap sa paligid. Tahimik pa din si Liah kaya ako na ang bumasag ng katahimikan, tatanungin ko sana sya.

"Saan pala kayo galing ni Trevor?" Mahinahong tanong ko. Napangiti sya ng marinig nya ang pangalan ni Trevor.

"Ipinakita nya saakin ang kabuuan ng Earthofia, grabe na pala ang sira nito na dulot ng Chaos. Sa Sapphira ba ganun na din?" Napatingin sya saakin.

Umiling ako saka sumagot "Hindi pa, sa ngayon, pero malakas ang pakiramdam kong hindi magtatagal ay masisira na din ito. Buti na nga lang at nakita ka na namin ulit at naibalik dito sa Earthofia." Sambit ko.

Pinagmasdan nya ang Bow and Arrow nya at tila napakunit ng noo. "Iyon na ba talaga yon? Ngayong nakabalik na ko dito sa Earthofia, napigilan na ba natin ang Chaos?" Tanung nya na may halong pagdududa sabay nalungkot sya bigla.

"Natapos na ba kagabi ang curse mula noong dumating tayo dito? Para kasing wala pang nangyayare?" Sunod nyang tanong.

Sa katunayan hindi ko din alam ang isasagot ko sakanya, ito na nga ba ang misyon namin!? Ayoko namang panghinaan sya ng loob. "Ahm, siguro kailangan ka muna namin maibalik sa Great Castle kung saan ka talaga nagmula. Medyo malayo iyon kung mang gagaling pa tayo dito. Alam kong pag nagkita na kayo ng iyong mga magulang ay matatapos na ang curse. Magtiwala ka lang Liah, magiging ok din ang lahat." Mahinahong sagot ko sakanya. Pero mukhang hindi pa din nawala ang pangamba sa mukha nya.

"Natatakot kasi ako, paano kung hindi lang ang pagkawala ko ang dahilan ng chaos? Paano kung may iba pang dahilan?" Napayuko sya.

Nagtaka ako sa sinabi nya. "Paano mo naman nasabi yan Liah?" Muli kong tanong sakanya.

Napahinga sya ng malalim, "Andami kasing gumugulo sa isipan ko. Andaming 'What if's' pakiramdam ko tuloy hindi talaga ako ang Priestess" nalungkot ang boses nya.

"Liah, ikaw talaga ang Priestess. We've talked about this before, besides narinig na natin ang kwento nina Harris at Monette. Liah, we've come this far, there's no turning back". Sabi ko kasi mukhang nalungkot sya.

"What If I failed? I have no idea on what I am capable of? After seeing the damage that it caused to Earthofia, I asked myself, how can I lift the curse? How can I rebuilt what is already broken? Ano ang magagawa ko para tulungan kayo, kung sarili ko nga hindi ko matulungan?! Wala! Wala akong kaalam alam! I felt so hopeless!" Napaiyak na sya ng tuluyan.

Elites (Book 1): Rise Of Chaos (COMPLETE) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon