Ako si Bryan isang high school student
Nasa sinapupunan pa lamang ako ng nanay ko
Nang iwan kami ng aking ama
Si nanay na ang tumayong Ama't Ina sa amin ni ate
Kaya lahat ginagawa ni inay para maitaguyod kami
Kaya lang....... hindi ko man lang ito napansin
Naging nakasarili ako!
Dahil pakiramdam ko.....
Mas mahal ni inay si ate.....
Nag simula ang inggit ko kay ate!......
Nung nalalapit na ang kanyang debut...
Halos araw-araw nila pinag uusapan..
At pinaplano kung ano ang mga dapat kaylangang gawin...
Pakiramdam ko naiitsapwera na ako!!
Isang araw habang kumakain kami ng hapunan...
"Nay kaylan mo ba ako ibibili ng bagong sapatos?" (Hiling ko kay inay)
Luma na po kasi yung sapatos ko at naka nga nga na...
Pinagtatawanan na kase ako ng mga kaibigan at kakalase ko....
Twing naglalaro kami ng basketball
"Pasensya na anak ha, wala pang pera si inay" sagot niya...
"Hayaan mo,lalabhan ko yung sapatos mo at didikitan ko ng rugby"
.para magmukhang bago at magamit mo...
"Pero bakit kay ate may pambili kayo ng Gown?"
Tapos sapatos lang di mo pa ko maibili!
"Anak,isang beses lang sa boung buhay ng ate mo mararanasan nya yun"
"Kaya pagbigyan mo muna ang ate mo"
"Hayaan mo, pag naka paningil ako sa mga utang sa mga suki ko, ibibili kita kaagad ng sapatos"
TOK! TOK! TOK!....
"Anak may kumakatok"
Pag buksan nyo ng pinto kung sino yung kumakatok!
"Bryan, buksan mo yung pinto" (utos ni ate)
Inay si ate nalang po...
"Sige na anak, pagbigyan mo na ang ate mo, buksan muna yung pinto"
"Ako na naman!?"
"Puro nalang ako!, wala na kayong nakita kundi ako! Utos dito utos doon!!.....
Tapos pag kay ate bili dito bili doon ng para sa debut niya!!
Nagtaas ang aking boses at natumba ang upuan sa aking pag tayo!.
"Aalis na ako dito sa bahay" sigaw ko sa kanila"!
"Tutal hindi mo naman ako mahal inay!"
"Hindi yan totoo anak! Mahal na mahal kita, kayo ng ate mo"
Tumakbo ako palayo ng bahay"!
At hindi na nila ako nahabol at nakita! At tuluyang naglayas"!
Nakitira ako sa nga kaibigan, sumama sa mga sideline at trabaho nila,upang mabuhay at magkapera! At mabili ang sapatos na hindi naibigay ni inay!!
Gusto ko ipamukha sa kanya na kaya kung bilhin ang gusto ko!, nang hindi nagpapabili sa kanya!
Lumipas ang limang buwan....
Umuwi ako ng bahay, pero si ate lang mag isa ang nadatnan ko... hinanap ko si inay pero dinala ako ni ate sa sementeryo!
Nagtaka ako dahil sa pagkaka alam ko wala kaming patay samantalang iniwan lang naman kami ni itay
"Ate bat moko dinala dito?"
"Hinahanap mo si inay diba?" (Tugon ni ate)
Hinawakan niya ang aking ulo at isinubsob nya ko sa isang lapida
"Ayan si inay bryan!, patay na sya! At namatay sya ng dahil sayo!"
Natulala ako sa aking nakita......
Unti unting namumugto ang mga luha sa aking mata!...
Habang binabasa ang pangalan ni inay sa isang lapida!! Hindi ako makapaniwalang patay na si inay!
Alam mo ba nung umalis ka nang bahay halos lahat nang oras ginamit ni inay para lang hanapin ka kahit bumagyo o umaraw!pag may meeting kami sa school di pupunta si inay dahil naghihintay siya sa pagdating mo.pag uma-alis si inay palaging may dala siya na masasarap na pagkain para sayo.sa akin yun lang ordinary na pagkain. Naalala mo ba yung alkansiya na pinagipunan namin ni inay? alam mo ba sayo yun! Pero sinayang mo ang pagkakataon!! Mas nai-ingit nga ako sayo kasi mas paborito kapa ni inay!
iyak lang ako nang iyak
Nahihiya akong tumingin ni ate! Napuno ako nang kahihiyan!
Ito binilin to ni inay bago siya namatay
Napa-angat ang ulo ko at nakita ko ang sulat na inabot ni ate
Anak sana umuwi kana dito sa bahay miss na miss na kita. Alam mo ba walang araw na hindi kita na mimiss,hinahanap kita araw araw.Lahat nang oras ginamit ko sa paghahanap sayo kahit umulan.anak sana mapatawad moko sa kasalanan ko sayo.. sana anak bago ako mamatay masilayan lang kita.
Wala na talaga gumuho na ang mundo ko! Isa akong malas!
Habang humihingi pa ang mga magulang natin iparamdam natin sa kanila na mahal na mahal natin sila at pasalamatan sa lahat nang sakripisiyo na ginawa nila.
Hi readers ok lang po ba ang short story ko! Habahah!
Vote and comment
BINABASA MO ANG
"Sapatos"
Short StoryAng pagiging ina ang pinakamahirap na trabaho Dito sa mundo Walang Sweldo......... Walang day off......... At walang break time......... Sila ang kauna-unahan nating guro Na nag turo sa atin sa mga bagay bagay na hindi pa natin alam Tanging respeto...