Chap. 1 - Accidentally, I saw you (Part 1)
---------
Ivee's POV
Hello poh!!! Ako nga pala si Ivee Jane Lee but you can call me Ivee. Half Korean po ako pero since birth dito na ako sa Pilipinas lumaki kasama si Mama at Lolo.
Wala na si Papa ang alam ko baby palang ako naghiwalay na sila ni mama. Uuwi kami ni Umma (Mama) sa Korea, pinatawag kasi kami ni Lolo. Oo nga pala I forgot to say
I'm only 7 years old.
Airport...
"Ivee! Dito ka lang magc-cr lang si Umma. Okay?" sabi sa akin ni Umma.
"Opo! Mama, balik po kayo agad." sagot ko nman sa kanya.
"O sige! Wag kang malikot at wag kang aalis jan." at agad ng umalis si Umma papunta sa cr.
After 3 minutes...
Wala pa rin si Mama hanggang ngayon. Kaya namn i decided na hanapin siya kasama ang bff kong si Belly. Belly isa siyang teddy bear regalo siya sa akin ni mama, pag daw wala akong makausap si Belly nalang daw ang kausapin ko.
Lakad dito...
Lakad doon...
Lakad dito...
Lakad doon...
Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko ng mga oras na yon, dahil hindi ko pa rin mahanap si Umma. Umupo ako sa isang bench don.
Thyrone's POV
Annyeong! Ako po pala si Thyrone Reyes kakauwi ko lang galing sa Korea. Kaka baba lang namin sa Eroplano. Nandito ako sa isang bench hinihintay si Mama. Nang may umupong batang babae, umiiyak siya at sa tingin ko ay nawawala siya.
"U...U... Umma" sabi nung batang babae, I think ka age ko lang siya.
Lapitan ko kaya siya??? Ay wag na... Kaso kawawa naman...
(A/N: Sensya na po ndi po ako marunong gumawa ng POV ng lalaki eh... Pasensya na po talaga…)
Sige na lapitan ko na nga...
So i decided na lapitan siya...
Ivee's POV
Napansin ko ng may batang lalaking palapit ng palait sa akin, kaya naman tumigil ako sa pag - iyak...
"Hello!" bati niya sa akin habang naka ngiti.
Pero hindi ko siya pinansin. Sabi kasi ni Umma wag daw kausapin ang mga strangers pero ang cute niya.
"Ba't ka naiyak? Ito oh panyo." sabay abot sa akin ng puting panyo.
"Ka...ka...Kasi si Umma." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tumulo na naman ang mga luha ko.
"Tahan ka na." at naramdaman kong pinupunasan niya ang mga luha ko gamit yung thumb niya.
"Mamaya nanjan na rin yung mama mo." pagcocomfort niya sa akin.
"Salamat ha." sabi ko sa kanya at tumahan na rin ako.
"Ako nga pala si Thyrone. Ikaw anong pangalan mo?" Thyrone ang cute naman ng name niya.
"Ahhh!!! Ako naman si Ivee Jane pero pwedeng Ivee nalang ang itawag mo sa akin." sagot ko naman sa kanya.
"Let's be friend!" naka ngiting sabi niya sa akin habang nakataas ang kanang kamay yung parang nakikipag shake hands.
"Ivee Jane!!! Nandito ka lang pala. kanina pa kita hinahanap eh. Sabi ko naman sayo hintayin mo lang ako dun eh." nagaalalang sabi sa akin ni mama.
"Kasi naman po..." hindi na ako pinatapos ni mama.
"O siya tara na! Paalis na yung eroplanong sasakyan natin." at hinila na ako ni mama.
"Ivee! Ivee!" narinig kong tawag sa akin ni Thyrone.
At lumingon naman ako. Nakita kong hawak - hawak niya si Belly at tumatakbo papunta sa akin kaso...
Thyrone's POV
Hinila na siya nung mama niya paalis...
Nang paupo na ako dun sa bench nakita ko yung teddy bear niyang dala. Naiwan niya.
"Ivee! Ivee!" tawag ko sa kanya. Hawak - hawak ko yung bear niya at tumatakbo papunta sa kaniya.
Napansin kong lumingon siya kaso...
"Thyrone! San ka pupunta?" narinig ko ang boses ni mama galing sa likod, kaya naman napatingin ako sa kanya. Kasama niya si Emma ang nakababata kong kapatid 6 years ang tanda ko sa kanya kaya 2 years old lang siya.
"Oppa?" tawag naman sa akin ni Emma.
Hindi ko na siya nasagot dahil muli akong lumingon kung saan naglalakad si Ivee. Kaso wala na siya doon.
At umuwi na rin kami dala - dala ko tuloy yung teddy bear niya...
(A/N: Pasensya na po kung hindi ko magagawa yung mga expectations niyo. Hindi naman po kasi ako profesional writer. XD Pero sana magustuhan niyo yung story ko. Hehe.
Hindi pa po tapos yang chap. 1 baka mabitin kayo eh. Comment naman po kayo kung ayos lang tong Chap. 1. para kung panget hindi ko nalang po ituloy baka naman nagpapakapagod lang ako sa wala... Hehehe... XDXDXD)