Chapter 7 - Na naman?

170 4 1
                                    

After ko kumain, nagbihis na ako pinahiram kasi ako ng blouse ni bestfriend Amber. Syempre sa washroom ako nagbihis ano ako baliw maghuhubad sa classroom? Eh di naging masaya mga classmate ko makikita nila ang pinakamaganda at pinakasexy na Bench Body sa balat ng lupa. Rawr. :3

Masaya akong naglalakad ngayon sa hall way. Wanna know why? Kasi wala nang tao nagkakalat sa tabi-tabi at wala nang tumitingin sa akin ng masama. Lahat kasi sila ay nakakulong sa sari-sarili nilang classroom at nagkaklase. Bwahaha

Isa pang rason kung bakit masaya ako ay dahil tuyo na ang sinusuot kong damit, buti na lang kasya sakin uniform ni Amber. Akalain mo yun eh ang liit niya kaya. Hindi naman ako nanlalait sinasabi ko lang ang totoo. Tsaka bestfriend ko lalaitin ko? NO WAY HIGHWAY! ^____^ Speaking of her, hindi na ako nagpasama sa kanya magbihis kasi bigla na lang siya nawala. Ewan ko ba kung san pumunta yun basta poof. Wala na siya. Kabote eh? 

Parang yung kambal niya lang. Kung siya nawawala, yung isa naman sumusulpot na lang bigla-bigla.

Teka san nanggaling yun?

Bakit naalala ko ang mongoloid na yun? Erase. Erase. Maganda na ang oras ko hindi dapat sinisira sa kaiisip ng mga walang kwentang mongoloid dapat puro good vibes lang ako. At dahil good vibes ako papasok na ako ng room. Mag-aaral ako ng mabuti. ^______^

Pag-open ko nang pintuan.

BOOOOGSH!

 O___O

-____-++

Pakshet! Naulit na naman. Basa na naman ako, this time pintura na ang tumapon. Punong-puno ako ng pintura na red. San nanggaling yun? Sa taas malamang Errin. Mag-isip.

May bigla na naman tumawa pero solo lang. Yes, siya at wala ng iba. Si Ken. Naka-upo siya sa may arm chair sa dulo ng room. Halatang ayaw niya matalsikan ng pintura. Ang dami niyang tawa sa sobrang dami di ko mabilang. Hawak-hawak niya na nga ang tiyan niya siguro sumakit sa kakatawa sana makautot siya para ako naman ang tumawa. >:) Imemegaphone ko pa para pahiya siya.

“Hindi ka pa nadadala four eyes? Hahahahaha” Tinignan niya ang buhok ko hanggang sa suot kong uniform na punung puno ng pulang pintura. Tawa na naman siya ulit. Paulit-ulit ang tawa? Unli? Unli?

Napatingin na rin ako sa uniform ko naku, hindi ko pa naman ito uniform. Leche ka Ken!

Ting! (Light bulb sa ulo)

May bigla ako naisip. This is gonna be fun!

I know he was expecting me to scream in anger but I woudn't do that. I won't do anything that makes my enemy happy. Never wil I do such thing kaya eto ako ngayon disappointing his expectation. Ngumiti ako ng napakasweet at slow motion lumapit sa kanya. Natigil siya sa kakatawa at kumunot ang noo niya. Halata sa facial expression niya na naguluhan siya sa naging reaction ko.  

“Masaya ka pa niyan?” Tanong niya. Sabi sa inyo nagtataka ang kolokoy eh.

“Oo, masaya ako sobra.” Ngiti ulit ng napakalapad. ^__________________________^

“Baliw ka ba? Basa ka na at madumi pa masaya ka pa rin?” Nakasalubong na ang mga kilay niya. Iniisip niya na nga siguro na nabaliw na ako. Or is it frustation that I was seeing through his hazel eyes.

“Oo naman. Immune na ako eh, oras-orasin niyo ba naman ang pagbuhos sakin ng kung ano-ano.” Ngiti ulit this time nakatapat na ako kay mongoloid. Sarcastic na kung sarcastic basta yun na yun. I fashed my sweetest smile then naglean ako sa kanya. 

“A-anong gagawin mo?

Fuck!”

I won. ^o^/ Haha. Hinug ko kasi siya kaya dalawa na kami puno ng pintura ngayon. Akala niya ako lang? Hindi ata fair yun. HOHO

“Ano ka ngayon?” Sabay punas ko ng kamay ko sa mukha niya simula noo hanggang sa chin.

“Shit!” Napatayo na siya.

“Bleeeeh!” Takbo palabas ng classroom.

Ms. Sophisticated Gone SimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon