2-21-16

33 3 0
                                    


Hi.
Kamusta ka na?
Alam kong okay ka ngayon. Alam kong masaya ka ngayon. Alam kong mas magaan ang buhay mo ngayon. . . Kasi binitawan mo na ko.

Ang daya mo. Ang daya daya mo.

Monthsary pa natin ikaw nakipag break. Ou. Nung miyerkules ng gabi lang.

Hindi ako nakatulog nun. Umiyak lang ako buong gabi.

Wala din akong ganang kumain nun. Tapos nagtangka akong sumubo ng isang kutsyara pero umiiyak ako. Kahit na hindi naman maanghang ang ulam.

Naligo ako, umiiyak ako. Kahit na hindi naman mainit ang tubig.

Nanunuod ako ng comedy movie, pero umiiyak ako.

T*ngina. Kahit magpaka busy ako, ikaw ang naaalala ko.

Gusto kong manumbat. Gusto kong manuntok. Gusto kong mag disappear.

Bakit? Bakit ganun?
Pareho naman tayong nahulog sa ideya ng pagmamahal, pareho naman tayong naniwala sa ideya na "tayo ang itinadhana".
Pareho tayong nahulog, pero bakit ikaw lang ang nakabangon?

Sabi mo masyado tayong nagmadali. At ikaw lang yung nasalubsob.

Dinala mo ko sa gitna ng gyera, hawak ang mga salita mong lalaban tayo hanggang huli.
Pero bakit ikaw unang sumuko?

Alam kong nakakapagod. Pero ganun ba kong kadaling isuko? :(

Ganun na lang ba kadali sayong itapon ang lahat?

Bakit? Bakit ang selfish mo?

Ganun lang ba kadali sayo na isuko yung taong mahal mo?




Sana bigyan ako ng lakas ng nasa Itaas para wag ka ng kamustahin.

Dahil gusto ko ng makahakbang palayo.
Dahil gusto ko ng kumalas sa tali ng nakaraan natin. Kasi mag isa na lang ako sa mundong yun. Kelangan ko na ding umalis.

Sana dumating na yung araw na gigising ako na wala na yung sakit na nararamdaman at naglaho na din ang pagmamahal ko sayo.

At pag dumating yung araw na babalikan mo na ko, pasensya na. Hindi mo na pwedeng hawakan muli ang aking mga kamay.

---





Uy, Mamimiss Mo Kaya Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon