Chapter 3: TEAM

8 0 1
                                    

"Speak up, Kaylie!"

Minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang nag-stop na kamay ni Cathy.

"Oh hi there, Greyson. How are you?" sabi ni Cathy. Aba, at nakangiti pa ito na parang walang nangyari.

"Kaylie, what are you waiting for? I told you, speak!"

Tumingin ako sa likuran ko at tinignan ang lalakeng nakasandal sa doorframe. Who is he? Bakit niya ako kilala?

Narinig kong tumawa nang mahina si Cathy and she said with a very annoying voice, "Greyson my baby, why are you on her side? Ako ang biktima dito. Tinulak niya ako at tignan mo, I am hurt." Tinulak my ass.

"Then go to the clinic. Wala dito sa rooftop ang gamot para diyan." sabi ng lalake na ang pangalan ay Greyson.

Nabigla siya sa sinabi nung lalake. Bago umalis si Cathy, tinignan niya ako ng masama at binulong, "I hate you nerdy. Hindi pa tayo tapos."

Noong nakaalis na sila, tinignan ko yung relo ko. 8:30 am. Nice Cathy! Nasayang yung pinaghirapan kong project.

Pinulot ko na yung mga libro at mga notebook ko na nahulog kanina pero I felt something strange. Parang may tao na natira pa dito sa rooftop.

Nakatitig siya sa akin na parang binabasa niya ang mukha ko. His eyes are fixed to my face. He looks so serious.

"What?" tanong ko. The silence is killing me.

"Go to the mini library at 10:30 this morning. If you don't show up, you're seriously dead."

Mini library? Bakit anong mangyayari doon? Wala naman ata siyang binabalak na masama noh?

---

Natapos na ang last subject ko. I looked up in front of me and stared at the clock. It's 10:15 am. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ako o hindi. Pero sino ba kasi yung lalakeng iyon? Huminga ako ng malalalim at nag-ayos ng gamit ko.

I walked to the east to go to the end of the hallway, kung saan nandun ang mini library. Habang palapit ako doon, nakita ko sa gilid ng mata ko na nagbubulungan ang mga students sa hallway.

"Pupunta ba siya sa mini library?"

"Alam niya ba kung ano iyon?"

"Tignan nalang natin kung makakabalik pa siyang buhay."

Nanghina ang mga tuhod ko noong narinig ko ang mga ito. Am I seeking my own grave this time?

Nandito na ako sa harap ng pintuan kung saan matatapos ang buhay ko. Lumunok ako at huminga nang kay lalim-lalim. Kumatok na ako.

Wala paring bumubukas. Kumatok na naman ako. Nagulat na lang ako nung may bumukas nito.

"Prime minister, may bisita ka ba? O chics?" sabi nung lalakeng may brown eyes at brown ang buhok.

"Papasukin mo siya." sabi ng isang pamilyar na boses.

Umupo na ako sa vacant na seat doon. Linibot ko ang aking paningin sa paligid ko. Sa totoo lang kasi linamon na ako ng kaba. Di ko alam ang gagawin ko dito at wala rin akong ideya kung bakit ako nandito.

Napaharap na lang ang tingin ko nang magsalita ang lalakeng may black na buhok, matangkad, matangos ang ilong. Gwapo pero ang seryoso ng mukha. Nakakatakot.

"Let's start our meeting. As you all know, I am Greyson Smith, Grade 8-Class B. I am the prime minister of the group."

Prime minister? Ano yun? Binago na ba ang gobyerno namin?

Teka, Greyson? Ah siya yung kanina! Yung lalakeng kilala ako...

Tumingin siya sa akin.

"As you can see, we have a new face here. Introduce yourself."

Ha? Huhuhu

"Uh...H--i... I a-am Kaylie Williams." sabi ko at umupo na.

Naramdaman ko na nakatingin silang lahat sa akin. Yung parang bakit ang ikli nung sinabi ko.

"Yun lang?" sabi nung lalakeng cute at maliit.

"Bakit ba siya nandito?" sabi nung babaeng maputi at wavy ang buhok. Mukhang mataray.

"Is she--" napahinto ang lalakeng may dimples at tinuro ko.

Di ko na talaga alam ang nangyayari.

"Yes, she's Kaylie Williams, Grade 8-Class A, our new deputy."

Deputy member? Wait a minute, this is--

"Welcome to the Debate Team, Kaylie Williams."

|Chapter 3 Ends|

Author's Note

How are you readers? Are you shocked also?

Thank you :) Don't forget to vote and comment. I appreciate your comments.







SPEAK YOUR HEART OUT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon