--- What if suddenly ikaw si Daydreamer? Tapos ang pina-pangarap mong babae ay nagkatotoo? Dati pangarap mo lang , ngayun ultimate GF mo na siya? Ganyan din ako , isang hamak na Daydreamer na hanggang panaginip nalang kami ng Crush ko. Happy Ending ba o Sad Ending? ---
PANGARAP LANG KITA;)
________________________________________________________________
Jan-Jan POV
Uuuhhhhh! (Unat. Unat) Ganda ng panaginip ko. Parang sikat rin siya ng araw na nagpapabangon sakin. Last day na niya pala dito sa village. How sad? :( Magtatapat kaya ako sa kanya o pababayaan ko na lang siya umalis? Dami din kasi nyang manliligaw eh. Bisitahin ko na lang siya, tutal 6:30 A.M palang.
(Mumog. ToothBrush. Hilamos ng Muka. Inom ng Kape. BIhis. ClayDoh syempre.)
Naks! Yann okay na ang aking face. :) Lakad na tayo.
Daming nag-jojogging ah.
''Good Morning po"-sabi ko sa nag-jojogging
"Oh iho, nag-jojogging kaba? Mukang mabigat ata yung iniisip mo?"-tanong ni Lola na nakasalubong ko.
Naku Lola. Kung alam mo lang, parang pasan ko na ang mundo. T.T
"Po?"-kunyari bingi ako pero baka hindi kasi siya maka-relate pag nagkwento kasi ako eh.
"Tanong ko kung nag-jojogging kaba sa gawa mong yan? Parang anlalim ng iniisip mo eh?"
Wow! (OoO) Madam Auring lang ang peg ni Lola? Galing manghula ah.
"Eh kasi ho..."
"Dun tayo sa upuan. Nangangawait na din ako eh."-Aii. -_- Nangawit na pala si Lola. Hahaha!
"Sige po. Tulungan ko na po kayo."
"Hindi na iho. Exercise din to. ;)"
Naknang. =D Pakindat-kindat pa si Lola ah. Hahaha!
"La, ilan taon na po ba kayo?"-tanong ko baka hindi siya maka-relate sa kekwento ko eh.
"52 na. Bakit?"
Oohh... 52 palang si Lola? Tibay niya din ah. Laki sa gatas.
"Ahh. Asan na po asawa niyo?"
"Nasa langit na eh. :("
Sabi niya habang malamig ang kanyang boses. :(( Kahit ganun ang sabi niya, alam ko kung pano siya nasasaktan pag nasasabi niya yun.
"Sorry to hear that ho Lola."sabi ko , baka kasi mag-MMK si Lola eh.