Chapter 12:

57 2 0
                                    

May ilang minuto ding nagkuwentuhan sina Zidus at Edwin tungkol sa sakit ng huli at sa kanilang pagkukuwentuhan ay tila ganap na naintindihan ni Zidus kung bakit kinailangang lumayo ni Edwin sa dating nobya na si Rita. Napapailing at puno ng pagkahabag ang puso ay napatitig si Zidus kay Edwin.

"Kung ganon ay hindi mo pala iniwan si Rita dahil gusto mo lamang siyang lokohin at saktan. May malalim ka palang dahilan. Patawarin mo 'ko sa nagawa ko sa iyo, pare! Masyado lang akong nadala ng emosyon ko. Ayoko kasing nakikitang nasasaktan si Rita e.", marahang paghingi ng tawad ni Zidus kay Edwin.

"Wala 'yun, pare! Naiiintindihan kita. Siguro ay mahal na mahal mo siya ano?! Napakasuwerte niya dahil ang tulad mo ang nahanap niyang magmamahal sa kanya. Sa aking paglisan ay magiging panatag na 'ko dahil alam kong maiiwan ko siya sa mabuting kamay. Ingatan mo siya, pare. Alagaan mo siya. Alam kong wala akong karapatang hilingin sa iyo ito, but I can't help it.", ang tila paghahabilin ni Edwin sa dating nobya niya kay Zidus.

"Siguro ay mahal na mahal mo parin siya, ano? Nadarama ko ang kalungkutan at sinseridad sa bawat salita mo habang inihahabilin mo siya sa akin... It must have been tough for you to go through all of this. To hurt someone you love so much when you didn't want to do it. Sorry talaga sa nagawa ko sa iyo, pare... Sorry talaga...", si Zidus na naluluha na habang muling humihingi ng tawad kay Edwin.

Marahan namang tinapik-tapik ni Edwin sa balikat si Zidus bilang tanda ng pagtanggap niya at pagkilala sa paghingi nito ng tawad sa kanya.

"A... pare! Maari mo ba 'kong samahan?", marahang tanong ni Edwin kay Zidus.

"Saan, pare?"

Mula sa Antipolo ay nagtungo sina Zidus at Edwin sa isang exclusive subdivision sa may Dasmariñas, Cavite. Sa naturang subdivision ay nagtungo sila sa isang napagarang bahay. Labis pa ngang namangha si Zidus matapos makita ang naturang bahay.

"Napakaganda ng bahay na ito! Sa iyo ba ito, pare?", ang namamanghang tanong ni Zidus kay Edwin.

"Kay Rita, pare.", mahina pero buo ang boses na sagot ni Edwin.

Parang hindi naman mapaniwalaan ni Zidus ang narinig.

"Pardon!"

"Kay Rita, pare! Ito ay dreamhouse niya. Nung malaman kong nabibilang na ang araw ko at malapit na 'kong mamatay ay pinilit ko ito at pinagsumikapang itayo. Gusto ko kasing ito ang magsilbing huling handog ko sa kanya sa paglisan ko sa mundong ito. Gusto kong ihandog sa kanya ang pinapangarap niyang tahanan. Gusto kong ihandog sa kanya ang matatawag niyang tirahan kapag nagkaasawa na siya at bumuo ng pamilya. Ang bawat haligi nito. Ang bawat dingding. Ang bawat sahig at flooring. Ang bawat istraktura at aspeto ng bahay na ito ay ako lahat ang mag-isang gumawa at nagtaguyod. Kasi gusto kong masabi na kahit minsan sa buhay ko ay may nagawa ako para pasayahin ang babaeng palagi ko na lamang sinasaktan. Kaya pakiusap, pare! Kapag ikinasal na kayo ay iregalo mo ito sa kanya! Palabasin mong  ikaw ang nagregalo nito sa kanya para tanggapin niya. Pakiusap!", pagkukuwento at paluhang pakikiusap ni Edwin kay Zidus.

Parang labis namang naantig si Zidus sa narinig na kuwento ni Edwin. Hindi niya namamalayan ay lumuluha na ng walang patid ang mga mata niya.

"You really do love her..."

A True LoveWhere stories live. Discover now