43.4. ANG HARI NG BULLY AT ANG DIWATA.

285 11 7
                                    

43.4. ANG HARI NG BULLY AT ANG DIWATA.

.....Avril's POV.....

Ang ganda ng gising ko ng umagang ito iba talaga kapag nasa probinsiya.

Bumaba na ako ng kwarto para kumain ng almusal nauna nang bumaba sa akin si Diamond tutulong daw itong maghanda ng almusal. Halos lahat ng tauhan sa Hacienda Marikit masaya sa pagpunta namin dito.

Masarap talaga ang simoy ng hangin dito sa probinsya nakakarelax at nakakawala ng stress.

Matapos kaming kumain ay naglibot-libot kaming dalawa ni Diamond sa Hacienda.

"Alam mo nagkakagulo na sila Keeno ngayon sa kahahanap sa atin."natatawang anas ni Diamond.

"Ang tanong talaga kayang hahanapin ako ng lalaking yun? Baka nga wala lang sa kanyang wala ako eh!"sabi ko habang kumukuha ng mga pictures sa paligid.

"Nakausap ko si Keeno kanina pag-turn on ko ng cellphone ko ang dami nilang message tapos tawag ng tawag yung lalaking yun hinahanap tayo, hinahanap ka magkakasama raw silang mga boys kung saan-saan na raw sila pumunta hindi naman nila tayo mahanap."natatawang anas ni Diamond.

"Bakit niya ako hinahanap? Ayaw naman niya sa akin ah."anas ko."Diyosa, Pose ka dyan kuhanan kita ng picture."

"Gusto ka niya hindi ka naman niya hahalikan nung isang gabi kung wala siyang nararamdaman para sayo eh!"sabi ni Diamond at exaggerated na nagpose.

Teka.

Anong sabi ni Diamond?

"What did you say?"gulat na tanong ko.

"Wag ka na magulat kung alam ko yung tungkol dun sa paghalik ni Keeno sayo... Tinawagan niya ako para tanungin kung anong dapat niyang gawin after ka niyang halikan ng di sinasadya natakot siyang magalit ka sa kanya kasi baka raw isipin mong nag-take advantage siya sayo. Affected siya masyado sa halikan niyong yun."sabi ni Diamond.

"Ako rin naman sobrang apektado. Sobrang saya ko nung halikan niya ako pero tama bang magsorry after niya akong halikan? Anyways kahit naman sabi niya hindi niya sinasadyang halikan ako ramdam ko namang may nararamdaman din siya sa akin."sabi ko.

"Sana talaga maging okey na kayong dalawa para maging happy ka na... Picture naman tayo ng magkasama."sabi ni Diamond.

Nagpicture-picture kaming dalawa iba-ibang pose sa iba't-ibang parte ng Hacienda nung matapos kaming gumala nagdecide naman kaming umuwi at tumulong sa paghahanda ng makakakain ng mga trabahador sa Hacienda magtatanghalian na kasi.

"Senorita Avril, Manang-mana ka po talaga sa Daddy Riel mo mabait ka din at maganda pa."pambobola sa akin ni Manang Wilma ang matandang namamahala sa buong hacienda.

"Kayo po talaga Manang Wilma nambobola na naman kayo... Manang, Maraming salamat po sa pag-aalaga sa buong Hacienda natutuwa po ako na halos ilang taon na ring wala si Daddy pero hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito."sabi ko.

"Malaki ang naitulong sa mga pamilya namin ang Daddy mo malaki rin ang mga lupang ibinigay niya sa mga pamilya ng trabahador dito nabuhay ang mga pamilya namin ng masagana dahil sa Daddy mo at ito lang ang maisusukli namin sa kanya ang alagaan ang pinaka-importanteng bagay sa kanya na ipinamana niya sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya at sayo yun... Sana makahanap ka ng lalaking katulad ng Daddy mo."sabi ni Manang Wilma.

"Naku! Manang Wil, May tinitibok na ang puso niyan katulad din ni Tito Riel gwapo, mabait, at mapagmahal..."kinikilig na anas ni Diamond enjoy na enjoy ito sa pagluluto.

"Talaga ba? Naku! Siguradong matutuwa ang Daddy mo na masaya ang buhay pag-ibig mo alam mo naman yung Daddy mo mahal na mahal ka ayaw na ayaw nun na malungkot ka."sabi ni Manang Wilma.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Sana nga manang tuluyan na akong maging masaya.."sabi ko.

Tama si Manang Wilma gusto ni Daddy na lagi akong masaya at dahil alam kong sasaya ako sa piling ni Keeno kaya dapat na siguro akong kumilos para makamit ko yung kaligayahan na yun.

"Tumawag si Yce kanina tinatanong kung nasan tayo ginugulo raw sila ni Keeno halos hindi na raw tumigil ang mga ito sa paghahanap sa atin."sabi ni Diamond.

"Hayaan na muna natin ang mundo natin sa labas ng Hacienda na ito... Bukas na natin balikan yun at ako mismo ang haharap kay Keeno hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya ako tinatanggap sa buhay niya."sabi ko.

.

.

.

.....Keeno's POV.....

Nandito kami ngayong mga boys sa may gate ng bahay namin sa tapat lang ng bahay nila Avril gulung-gulo na ako hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin lahat na ng pwede niyang puntahan pinuntahan na namin pero wala pa rin tapos ayaw pa akong tulungan nila Aine.

"Hi Guys... Still No progress?"tanong ni Champagne.

Napatingin kaming mga Boys sa mga girls kasama si Ylac na palapit galing ang mga ito sa bahay nila Yanna.

"Sa itsura nilang yan mukhang wala pa rin."nakangising anas ni Ylac.

"May pagkain ba kayo dyan gutom na kami hindi na kami nakapag-almusal tapos hindi pa rin nakapag-lunch."tanong ni Bimby kina Thine.

"Walang pagkain kadarating lang namin malay ba naming hindi pa kayo kumakain."sabi ni Thine.

"Pano na yan walang pagkain edi hindi pa kami makakain nyan.."busangot na anas ni Zandro.

Pati mga kaibigan ko dinadamay ko sa problema ko kay Avril.

"Edi magluto kayo dyan sa bahay niyo... Sino ba nagsabi sa inyong magpakagutom kayo at hindi kayo kumain?"sabi ni Akiko.

"Alangan namang unahin naming kumain kesa hanapin sila Diamond pano kung may mangyaring hindi maganda dun sa dalawang yun."sabi ni Maki.

"Maki ha! Ikaw halatang nag-aalala ka kay Diyosa baka iba na talaga yan."biro ni Ylac kay Maki.

"Magpadeliver na lang kayo ng pagkain para makakain na kayo."sabi ni Sydnie.

Bumugtong-hininga ako at napasabunot sa sarili.

"Sige na guys kumain na muna tayo at magpahinga pasensya na kayo ha! dinadamay ko pa kayo sa problema ko."sabi ko.

"Haist.. Drama mo! Kaibigan ka namin kaya dadamayan ka namin ganun ang magkakaibigan diba!"sabi ni Inaki.

"Nakakatawa ka, Keeno."natatawang anas ni Aine.

"Pinagtatawanan mo pa problemado na nga yung tao."sabi ni Yce pero maya-maya lang ay tumawa na rin ito."Pero talagang nakakatawa nga siya nuh!"

"Ayan na naman silang dalawa.."naiiling na anas ni Belle pero nakangiti.

"Makatawa kayo sa akin akala mo wala ng bukas."sabi ko.

"Kahapon, Nung isang araw at nung isang-isang araw nandito si Avril kasama natin at nasa paligid lang natin pero hindi mo naisip na mag-confess na ng nararamdaman mo ngayong wala siya at hindi natin alam kung nasan saka mo siya hanap-hanapin at habul-habulin. Nakakatawa ka."natatawa pa ring anas ni Aine.

"Ganun yata talaga Aine eh!.. Malalaman mo lang ang halaga sa iyo ng isang tao kapag nawala ito... Itago na rin kaya kita.."sabi ni Yanna kay Aine.

"Baliw ka! Walang maghahanap sa akin noh!"tawa pa rin ng tawa si Aine.

"Hindi niyo ba talaga alam kung nasan sila Avril?"tanong ko kina Aine.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon