Chapter 11
Kababa pa lang ni Shaun kay Saeki sa kama nito ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng dalaga. Pumasok si Philip at kasunod nito ay ang bisita. Hindi alam ni Shaun kung sisimangutan ba niya o kung anong bati ang gagawin kay Iggy dahil sigurado siyang may nalamang kalokohan nito si Saeki kaya nagkaganito ang dalaga.
"Well, I know this is trespassing. Boys aren't allowed here but he insisted," paalam ni Philip.
"It's okay Philip, she's asleep," sabi na lang niya.
"Is she slumber?" tanong ni Iggy sa dalawa.
"Very," sagot ni Philip bago lumabas ng kwarto ni Saeki. Hindi kasi kumportable ang pakiramdam nito sa loob ng kwarto ni Saeki dahil alam nitong bawal. Napaka-sacred ng kwarto nito at hinding-hindi pwedeng tapakan ng mga Adonis. But they broke the rule. Three men are inside her room.
"You know she does not drink," reklamo ni Iggy kay Shaun. "Bakit nag-inom kayo kasama siya?" may halong iritasyon sa boses ni Iggy.
"Siya ang nagyaya na uminom," Shaun answered.
"Why? Hindi niya ugali iyon. Bakit siya mag-iinom to the point na hindi na siya makalakad papunta sa sarili niyang kwarto?"
"Why don't you ask yourself about that?" matalim na sabi ni Shaun at iniwan si Iggy sa loob ng kwarto ni Saeki. He went outside his cousin's room but leaving the door open.
Naguluhan si Iggy sa sinabi ni Shaun nasundan na lang niya ng tingin ang paglabas nito ng silid ni Saeki. Napabalik naman ang tingin ni Iggy kay Saeki nang marinig niya itong umungol. Hindi niya maiintindihan ang sinasabi nito. Though he has this hunch that she is cursing in her sleep. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito, marahil sa kalasingan ay hindi nito alam na may kasama na ito sa kwarto.
"Freaking bastard," Saeki moaned in her sleep that made Iggy frowned. Bakit parang may pakiramdam siya na siya mismo ang tinutukoy ng dalaga.
Napa-isip tuloy si Iggy kung ano ang nagawa niya. Wala naman siyang natatandaan na pinag-awayan nila nitong linggo. That's because they haven't seen each other this past week.
Biglang nasapo ni Iggy ang noo. Bakit nga ba hindi niya naiisip yon, maaring galit ito sa kanya dahil hindi siya nagparamdam sa dalaga sa loob ng isang linggo. Well, sinasadya naman niya iyon, nagbabakasakali kasi siya na mami-miss siya ng dalaga at tatawagan siya nito. But that didn't happen. Kaya nang malaman niya na sa dorm ng Bright lights dumiretso si Saeki ay agad siyang sumugod doon nung alas-onse na ay hindi pa ito bumabalik ng penthouse. Hanggang sa nadatnan na nga niya na lasing na lasing ito. Nangingiting hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at hinawi ang nakatabing na buhok sa mukha nito.
Para kay Iggy napakasarap sa pakiramdam na pagmasdan nang maamong mukha ni Saeki. He traced every part of her face as if he is memorizing it in his heart. Pinadaan niya ang daliri sa kunot ng noo nito na marahil ay nanaginip na Saeki kaya ganun. Papunta sa maninipis na pares ng kilay nito. Hinaplos rin niya ng marahan ang mga mata nito na napapalamutian ng mahahabang pilik-mata at natural na naka-kurba. Hanggang sa dumapo na ang kanyang daliri sa matangos nitong ilong na bumagay sa bilugan nitong mukha. Nang mapadako ang kamay niya sa maninipis at mapula nitong labi ay nagtagal iyon doon. He remembered how those luscious lips taste like. The softness of those lips against his. Staring at it, he has this urge to taste it and feel it again.
Umupo siya sa gilid ng kama ni Saeki at unti-unting ibinaba ang kanyang mukha upang gawin ang nais niyang gawin. Malapit nang magdikit ang mga labi nila ng maputol iyon sa biglang pagpasok muli ni Shaun.
YOU ARE READING
Art of Pretending
RomanceFaking smile is my first training. That's how I started the art of pretending.