Chapter 24

67 2 0
                                    

Three days after ko nakita si Dian sa grocery ay tinawagan ko sya para magkita kami. Actually, twice na namin magkita ngayon. Nalaman ko din na kakapanganak lang nya at si Alex ay nasa US para sa business nila. Hindi alam ni Sophia na nagkikita kami ni Dian at ayaw ko rin sabihin sa kanya dahil hindi nya naman ako maiintindihan.

"Wala ka na bang plano bumalik sa pag-aaral?" tanong ko kay Dian.

"Meron. Siguro paglaki na ng baby namin hindi ko pa kasi sya maiwan sa ngayon."

Napatango-tango nalang ako sa sinabi nya. Marami kaming pinag-usapan, yung past namin binalikan namin, tinatawanan lang namin yung nangyari sa amin. Naghiwalay kami sa araw na yun na may ngiti sa mga labi namin.

Pagdating ko sa condo ko ay tulog na si Sophia. Ilang araw na rin kaming ganito, hindi nag-uusap. Hindi ko kasi alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. Natatakot ako na baka magsimula akong magsalita ay masaktan ko na sya.

Aaminin ko hanggang ngayon mahal ko pa si Dian, pero importante din si Sophia sa akin. Umupo ako sa kama at tiningnan sya na nakahiga patalikod, kumusta na kaya sya? Nagkakalaman na din sya. Nagbihis ako ng pantulog at tumabi sa kanya.

"I'm sorry if I'm hurting you right now. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko." hinaplos ko yung buhok nya.


Kinaumagahan ay wala na si Sophia sa tabi ko. Siguro umalis na sya, simula ng magalit ako sa kanya dahil sa pagising nya sa akin ay hindi na nya ako ginising uli. Lagi na tuloy akong late sa klase, nauuna na din ako lumabas hindi tulad ng dati gusto ko lumabas pagwala ng tao.

Papunta na ako sa school ng matanggap ko ang text ni Sophia. Magkita daw kami sa field.

Pagdating nga ng lunch ay pumunta ako sa field. Nakita ko sya nakaupo sa ground at nakatingin sa malayo. Kumuha muna ako ng lakas ng loob para harapin sya.

"Sophia." tawag pansin ko sa kanya, lumingon din sya sa akin kaagad. Ngumiti sya ng pilit sa akin pero nandoon yung lungkot sa mata nya.

"Hi." bati nya sa akin.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

Tumingin na naman sya sa malayo. "Andrew, may problema ba tayo?" tumingin sya sa akin.

Hindi ako sumagot agad, pinakiramdaman ko ang sarili ko. "Hindi ko alam, naguguluhan ako e."

"Dahil ba kay Dian?" tumango ako bilang sagot. "Mahal mo pa ba sya?"

"Sophia, ayaw ko magalit ka-"

"Magagalit ako sayo kung hindi mo sasabihin sa akin yung totoo. Nasasaktan ako dahil para akong hangin na dinadaanan mo lang, nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung ano yung nasa isip mo." sabi nito at ng tingnan ko sya ay nagsimula ng mamuo ay luha sa mata nito.

"Mahal ko sya, pero importante ka rin sa akin. Ayaw ko na masaktan kita."

"Ayaw ko na papiliin ka Andrew dahil alam ko kung sino ang mas higit na matimbang dyan sa puso mo. Masakit pero kailangan ko tanggapin." tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.

"Ni minsan ba minahal mo ako?" hindi ako makasagot sa tanong nya nakatingin lang kami sa isa't isa. Ngumiti lang sya na parang alam na ang sagot sa tanong nya.

"Naiintindihan ko, masakit pero kailangan ko tanggapin. Gusto ko rin maging masaya ka." pagkasabi nun ay tinalikuran na nya ako. Ako naman ay parang na estatwa sa kinatatayuan ko. Nasaktan ko ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako.

To Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon