Chapter 32: Intramurals

3.1K 108 21
                                    

A/N: Dedicated sa kanya dahil siya ang nagreply sa tanong ko about boy band songs. I like 5SOS na. Hehe.

Anyway enjoy reading guys. :)


_______


"BLUE NANDITO ka ba?!" sigaw ni Grey pagkapasok niya sa den. Kanina niya pa ito hinananap at malapit na niyang malibot ang buong campus. Hindi rin nito sinasagot ang tawag o text niya. "Mukhang wala rin siya rito," bulong niya sa sarili matapos makita ang assembly area nila. Sinilip na rin niya ang loft kahit na si Red lang naman ang palaging naglalagi roon pero wala rin. Huling tinignan niya ang maliit na kusina ngunit iba ang naratnan niya roon.

Napatingin sa kanya si Red na nakasandal sa counter habang umiinom ng root beer. Napaiwas ng tingin si Grey dahil sa totoo lang ay hindi pa sila nagkakausap ng matino simula nang marinig niya ang usapan ng dalawang matalik na kaibigan patungkol kay Sky. Kaya pakiramdam niya ay may gap silang dalawa. Na parang siya lang din yata ang nakakaalam dahil mukhang hindi naman napapansin ng kaibigan ang pagkailang niya. What do I expect? mapait na sabi ng isip niya.

"May- ah- si Blue hinahanap ko. Wala pala rito. Sige," hindi makatinging sabi niya saka tumalikod para umalis.

"Grey." Natigilan siya sa tangkang pag-alis pero nanatili siyang nakatalikod. "Let's talk."

Dito na lumingon si Grey at tinignan si Red nang nakakunot-noo. "Gusto mo akong kausapin?" tanong niya sa tonong hindi makapaniwala. Tumango si Red at inabutan siya ng can ng root beer. Wala sa sariling inabot niya iyon saka sumandal sa pader salungat ni Red. Lumagok siya ng sunod-sunod bago tumingin ulit kay Red na hindi pa yata inaalis ang tingin sa kanya. Nang hindi nagsalita si Red ay hindi na nakatiis si Grey. "Ano 'yun?"

Bumuntong-hininga si Red saka uminom ulit bago nagsalita. "About Hime."

Nabitin sa hangin ang akmang pag-inom ni Grey dahil sa sinabi nito. Napalunok siya at napatingin sa baba. "A-Anong- bakit mo ako-?"

"I know that you knew about her already."

Matagal na hindi nagbigay ng reaksiyon si Grey hanggang sa unti-unting sumilay ang isang mapait na ngisi. "Malay ko bang alam mo. As far as I'm concern, hindi mo pa iyon sinabi sa akin."

"I may not show it but I assure you I'm very much aware on what's happening around me," ani Red habang matamang nakatingin kay Grey. "Atleast when it comes to my friends."

"Friends huh? Really? Kasama ba ako ro'n?" Hindi mapigilan ni Grey ang maging sarkastiko sa pagsagot na first time niyang gawin kay Red. Napa-english din tuloy siya ng diretso. "Do you or did you even consider me even once as one?"

"Why would you even think otherwise?" mabagal na tanong ni Red na parang binabasa ang nararamdaman niya dahil sa paraan nito ng pagtingin.

"Dahil iyon ang pinararamdam mo. Ninyo," pagdidiin ni Grey. "Pakiramdam ko saling-pusa lang ako sa inyong dalawa eh."

"What are you talking about?" nagtatakang tanong ni Red pero umiling ng nakangisi si Grey at hindi sumagot. "Where is this coming from?"

Matagal bago sumagot si Grey na para bang nagbabalik sa ala-ala niya ang ilang eksena. "Masyado nang marami para isa-isahin ko pa ang mga dahilan kung bakit ko nasasabi ito. Pero sige, huwag na tayong lumayo. Ito na lang. Ang hindi mo pagsasabi sa akin ng tungkol kay Sky, na siya si Hime. Na kung hindi ko pa kayo narinig noon na nag-usap ni Blue ay hindi ko pa malalaman."

          

Bumuntong-hininga si Red at uminom saka yumuko. "You can't expect me to voluntarily tell you that or everything that I haven't tell you. Because I'm not like that," katuwiran nito. "Blue was able to know all of those because he happened to be there at the right time, at the right place. He always find a way to be there, to know all those things that sometimes I dont even know myself." Hindi nagsalita si Grey na waring pinag-aaralan ang katotohanan sa sinabi nito. "But I know why you're mad at me for not telling you that particular info." Maya-maya'y dagdag ni Red na binalik ang tila nang-uusig na tingin kay Grey.

Agad napatingin ang huli kay Red sa nanlalaking mga mata. "What- a-anong ibig mong sabihin?"

"You like her," walang kagatul-gatol na sabi ni Red na lalong nakapagpalaki ng mata ni Grey. "Or should I say, you're in love with her."

"Ba-bakit- a-ano- sino nagsabi niyan?" Hindi magkamayaw na reaksiyon ni Grey. "Kung si Blue ay huwag ka-"

"I told you, I only look indifferent but the truth is I'm fully aware of my surroundings."

Natameme si Grey at napayuko. Hindi na ulit nag-attempt na itanggi pa ito.

"Do you have any idea of what she is to me beside being a childhood friend?" Pagkuwa'y tanong ni Red sa hindi na kumibong kaibigan. Sasagot sana si Grey ng 'oo' dahil hindi siya ganun ka-slow para hindi malaman ito pero hinayaan na lang niyang magsalita si Red. This is what he wants anyway, ang sabihan din siya ng mga bagay-bagay na nasasabi nito kay Blue. "She's all I've got during that time. When no one even glances at me, she's there to look at me. When nobody seems to care, she never fail to make me feel that she does. When everyone just passes by me, she stayed by my side. She was the reason I still have memories to remember as a child. Yet she's the same reason why I wanted to forget it." Binaba nito ang hawak na inumin at naghalukipkip. "Noong makumpirma kong si Sky at Hime ay iisa, all I wanted is for her to acknowledge me again and be what we used to be. I badly want us to talk and spend time together like before. And somehow it happened, but then..."

Parang may kumurot sa puso ni Grey sa narinig. Ang isipin pa lang na magkasama ang dalawa na sila lang ay hindi na niya matanggap, paano pa kaya kapag nasaksihan niya ito. Pero pilit niyang isinantabi ang sakit na naramdaman para ipakitang kaya niyang maging kaibigan para dito gaya ni Blue. "B-Bakit parang hindi ka masayang nagkausap na kayo? May n-nangyari ba?"

Umiling si Red at bumuntong-hininga ulit. "It's just that I feel lost. I don't know what to feel anymore," tila nahahapong sabi nito. "Yesterday, when there's only the two of us talking, the same intense happiness and excitement I felt back then returned. That even though she changed a lot, I was still overwhelmed by the same feeling as before that I'm looking forward to be with her again. But as soon as I saw her this morning together with her bestfriends, it somehow negate that feeling. Para akong sinuntok ng katotohanan na kahit pa nagkaayos na kami ay hindi na maibabalik ang dati. She has her own life now, own world. Where I don't and won't belong. She may give me a bit of her time but it won't be enough for me. I don't think I would be satisfied with the fact that despite her being my own world, I will just be a part of her's. I want to be selfish with her, pero wala akong karapatan. Heck I don't even have the right to be mad at you or discourage you if you'd try and court her."

"Pero hindi mo pa rin gusto," hindi mapigilang masabi ni Grey. Para sa kanya, gaano man naguguluhan si Red sa nararamdaman nito ay iisa lang ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

Kunot-noong tinignan siya ni Red. "What?"

"Hindi mo pa rin gustong may nararamdaman ako sa kanya. You have no right but you still don't like it. You don't want me to continue having this damn feeling towards her." Hindi sumagot si Red bagkus ay nanatiling nakatingin kay Grey. Naging blangko ang mukha nito at hindi kababakasan ng anumang emosyon. Pero hindi ito naging hadlang kay Grey para sabihin ang nais iparating. Mabuti nang ngayon pa lang ay magkaliwanagan na sila. "Silence means yes. Kaya tatanungin kita ngayon. Pagbabawalan mo ba akong maghangad ng higit pa sa pakikipagkaibigan kay Sky? Kay Hime?"

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon