Chapter 3: The Reason

5.3K 178 4
                                    

Chapter 3

Leck's POV

Nandito ako ngayon sa paaralang elementarya ng aming probinsya. Hinatid ko si Leroy kasi wala naman kaming raket ni Frida.
Pauwi na ako sa bahay ng makasalubong ko si Mike.

"Hi" bati nito saken.
Ano ba yan magpapanggap sana akong di ko sya narinig pero nahabol nya ako.
"Oy, lecks" tawag ulit nito sa'ken
"O-oy Mike, kamusta?" nakangiting saad ko.
"Eto, ok lang. Uy nga pala congrats! 1st place galing mo talaga girl" nakangiting saad nya
Haaaaaay. Kaloka! Di ako sanay ng ganan sya! Waaaaaaaa!

"Tsaka pwede, wag mo na akong tawaging mike? Hehe" saad ulit nito

"Huh? Anong gusto mong itawag ko sayo?" takhang tanong ko.

"Mika, Mika nalang para bongga! Haha" si mike na tuwang-tuwa. Sa palagay ko ay ngayon palang ipinapahayag ang lahi ni Eba sa kanyang puso.

"Ahhh,sige, Mika una na ako ha,kelangan ko pang magluto may sakit kasi si Nanay." nakangiting saad kay Mike este Mika.
Waaaaa di ko makeri, kaloka!

"Sige mare, chika nalang tayo latur" sabi nito at nagwave saken ng ba'bye.

Kung bakla si Mike bat di ko manlang naradar? Sira na ata ang GayDar ko -.-
So parehas lang pala kaming mga PaMenta. Kaya naman pala bentang-benta kay Mike ang acting ko. Kasi naga'acting lang din sya!

Parang gusto ko tuloy kumanta ng Bet Mo Ba ni Kelly Welt, kaloka parehas lang kami ng sinapit ni Kumareng Kelly. Yung mga prince charming namen mga Princess pala deep inside. ene be yen. -.-

--------

Narito na ako ngayon sa balur. Nakakapagtakhang ang tahimik ng bahay namin ngayon eh samantalang dapat ngayon palang ay naririnig ko na ang paghuni ni Inang Bayan (haha ibon lang.xD)

"Mader Ert" tawag ko kay inay ng makapasok ako sa balur.

"Mader!" tawag kong ulit dito. Bigla akong kinabahan sa di ko malaman na kadahilanan.

"Inay!" seryoso kong saad. "Inay!" tawag kong muli at nang marating ko ang kusina ay nakita ko si Inay na nakahiga sa lapag at wala nang malay.

"Inay?!" tawag ko dito sabay uga sa katawan nya pero di parin nagigising.

"Tulong mga kapit bahay! Tulungan nyo kami ang nanay! Tulong" walang ano-anoy dumating ang mga kapitbahay namin at binuhat si Nanay papunta sa Tricycle.

----

Di ko na namalayan ang mga nangyare, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng pinto ng ER.
Halos wala sa sarili ay nagdial ako ng numero, bahala na kung sino ang makasagot.
Ring..Ring..Ring..Rin..biglang may sumagot ng tawag.
"H-hello" sabi ko pagkasagot nya ng tawag.
"Hello bakla, ano kamusta na ang mudang mo?! Ano daw ang nangyare." halata sa boses nito ang pag-aalala. Tiningnan ko kung sino ang natawagan ko, si Frida pala.

"Wala pang balita,wala pang sinasabi ang doktor, Frida, pakisuyo naman jan ka muna sa bahay" sabi ko.
"Oo naman bes" agad na sagot ni Frida.
"Tsaka pwede bang ipagluto mo na rin ng makakaen ang mga kapatid ko at papasukin mo na rin sa eskwelahan, baka kasi magpumilit pumunta dito eh." pakiusap ko kay Frida.

"Kaloka ha! Fine keri lang." saad nito sa kabilang linya.

"Salamat Frida" sabi ko

"Sus ano ka ba ok sa olrayt lang yan" sabi ni Frida.

"Sige Frida, ba'bye salamat" saad ko at pinatay ko na ang tawag.

-----

Frida's POV

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon