Ang mga malaBouncer na lalake na nasa gilid ng stage ay nakamatyag sa lahat ng kaganapan sa BroadPath museum. Inaayos na kasi ng mga organizers ang mga na-bid na items upang ibigay sa mga matagumpay na bidders ang kanilang mga items. Fully armored ang mga bodyguards dun at nakakatakot sa laki ang mga ammunitions nila. Nakapila na din ang mga mayayamang bidders upang magbayad using their Elite Cards. Si Mary Ann ay inaalalayan ni Teodoro dahil di ito makalakad ng maayos. Katabi nya sa pila si Nidora na patingin-tingin din sa kapaligiran nya.
"Hay matindi na talaga ang panahon ngayon, kailangan pa gumamit ng mga baril baril na yan para lang masiguro kaligtasan nating lahat. Buti pa nung panahon namin na kahit umagahin ka sa kalye ay walang gagalaw ng masama sayo. Iba na talaga mundo ngayon", ang pabuntung hininga na sabi ni Nidora na pawang kinakausap ang kanyang sarili.
" Hello po, kayo po yung naka-bid sa wig? Balak ko din sanang magtaas ng kamay kanina kaso baka di naman bagay sa kin" ang nangingiting sabi ni Mary Ann kay NIdora. Biglang nahimasmasan si Nidora na animo ay naglalakbay diwa sa kanyang pagkabata. Nginitian sya ni Nidora at biglang napako ang paningin ng matanda sa kanyang tyan.
" Naku Hija mukhang kabuwanan mo na ata? Bilog na bilog ang tyan mo at nakakasiguro akong babae ang pinagdadalang tao mo. Mapalad ka Hija dahil mukhang maganda ang magiging anak mo", ang sabi ni Nidora sabay tingin sa mag-asawang Mendoza na para bang nakakita sya ng artista.
"Ay salamat naman po. Ang galing nyo po kasi tama po kayo babae nga po ito. Sabi ng Doktor ay malapit na nga po talaga akong manganak. Pinilit ko lang ang asawa ko na pumunta dito para ma-bid ang emerald lenses dahil....". Biglang naputol ang sinasabi ni Mary Ann dahil isang malakas na tinig ang narinig nila mula sa mga speakers ng BroadPath.
"Ladies and gentlemen sorry to interrupt you but we have a special announcement to make, kindly sit on your designated chairs pls", ang mahinahon ngunit malinaw na sabi ng Host.
" Ano ba naman yan kung kelan malapit na tayo Hija na makuha ang items natin may ganyan ganyan pang nalalaman na special announcement", ang medyo padabog na sabi ni Nidora.
After 10 minutes ay nakabalik na lahat ulit sa mga kinauupuan nila. Medyo nangalahati na lang ang mga guests dahil ang iba na di nakakuha ng items ay nagsiuwian na after ng bidding. Isang matandang babae ang biglang lumabas sa stage. Magara ang kasuotan nito at nagkikislapan ang mga diyamante sa buong katawan. Medyo mangiyak ngiyak ang matandang babae na ngayon ay nakaharap na sa isang mikropono. Sa likod ng babae ay may 3 bodyguards na armado at may dala dalang isang silver tray na may nakalagay na parang golden bowl na nakataob. Bulungan ang mga bisita at hulaan sila kung ano ang laman ng bowl na yun. Nagbiro si Tidora na baka yung pustiso ng matanda ang nandun at sinaway sya ni Nidora na tumahimik.
" Good evening to all. I hoped you enjoy this wonderful event. Ako nga pala si Mrs. or should I say ex-mrs Angel Romero. Nagtataka siguro kayo kung bakit nasa harapan nyo ako ngayon? Kakamatay lang ng asawa ko pero namatay sya na masaya ang puso nya. Pero ang pagkamatay nya ay may pahintulot dahil sampung taon na dapat syang namaalam sa mundong ito. Matindi ang cancer na bumalot sa katawan nya at malaking pasasalamat namin noon dahil nadiskubre namin ang bagay na ipapakita ko sa inyo ngayon" ang mabagal na sabi ng matandang babae.
Sinenyasan ni Mrs. Angel na dalhin na sa harapan ang silver tray na may nakatakip na golden bowl. Pagkaangat ng bodyguard sa golden bowl ay isang napakaputing liwanag ang sandaling lumabas sa isang pendant. Ang pendant ay hugis mata at parang buhay ito kung tititigang mabuti. Namangha ang mga bisita sa nakita at muling umingay dahil sa mga bulungan.
"Ito po ang Eye Pendant na halos sampung taon ding isinuot ng asawa ko. Nakuha namin ito noon sa pamamasyal namin sa Mount Himalayas at ang pendant na ito ay nagbibigay lakas sa sinumang makakasuot nito. Halos di din umedad ang asawa ko noon ng sampung taon sa pagsusuot nito. Pero dahil sa matanda na talaga ang asawa ko at gusto na din nyang mamaalam sa mundo ay nagpasya sya na hindi na ito isuot. Kaya ngayon ay ipapabid ko ang eye pendant na ito at sana ay makatulong ito sa kung sinuman ang makakakuha nito" ang may lungkot na sambit ni Mrs. Angel.
Nakatingin si Mary Ann sa pendant at manghang mangha sya sa liwanag na nakita nya kanina. Ang mga Zobeyalas din ay namangha at ang bibig pa nga ni Tini ay napabukas. Nagsimula ang Bidding sa 17Million pesos agad at halos lahat ng tao ay nagtataasan ng kamay.
Isang matandang lalake na nasa 50 yrs old na ang nagtaas ng kamay at nagbigay ng 100Million na presyo. Isang malakas na "ooh" "aah" ang madidinig sa mga bisita dahil napakalaking halaga nito. Ang matandang lalake ay may kapayatan at malamya kumilos pero ang nakapagtataka ni isa sa mga bisita dun ay di sya nakikilala. Ibig sabihin ay baguhan lang ang matandang lalake na ito sa mundo ng bidding.
At dahil hindi sya kilala ay nilapitan muna sya ng mga armadong bodyguards para suriin kung siya nga ay legal na miyembro ng BroadPath museum. Pagkalapit sa kanya ng mga bodyguards ay may ipinakita syang Elite Card at sa gamit na scanner ng mga guards ay itinapat nya ang card to reveal his identity.
Ang pangalan ng may-ari ng card ay si Arturo Vega pero iba ang mukha nito sa system ng scanner. Isang malakas na sigaw na "impostor" ang nadinig ng lahat sa isa sa mga guards bagu kumalat ang nakakaubong usok sa paligid ng BroadPath museum. Mga sigawan ang madidinig at mga barilan ang umalingawngaw sa BroadPath museum. Iba't ibang boses ang madidinig mo at marami ay boses ng pagkatakot at iyakan.
Mabilis na rumesponde si Richard Faulkerson sa mga pangyayari. Malapit lang sa kanya ang mga Zobeyalas at Mendozas kaya tinulungan nya na makatakas ang mga ito. Bitbit nya ang anak na si Alden sa kanyang bisig at umiiyak ito. Matalas ang memorya ni Richard kaya naman sa loob lamang ng ilang oras ay nakabisado agad nya ang mga entrance at exits ng BroadPath museum. Tinakpan nya ilong nya at ng anak at sinabihan din ang mga Zobeyalas at Mendozas na gawin ito. Inakay nya sa isang pinto ang mga ito sa gitna ng makakapal na usok na pumapalibot sa museum.
BINABASA MO ANG
ALDUB 2.0
FanfictionAng mga bida na gaganap dito ay magmumula sa Earth 2.0. Kung ano ang Earth 2.0 ay malalaman nyo lang kapag sinimulan nyo na syempreng basahin ang nobelang ito. Aking ipinagmamalaki sa inyo ang una kong obra na pagbibidahan ng phenomenal loveteam na...