Page 12

390 15 0
                                    

Page 12

Role

*****

NANG bumalik ako sa salas ay naabutan ko sina Shai, Shawn at Matthew na nakaupo na sa sahig at nakapwesto sa harap ng lamesita. Mukhang nagkakatuwaan na sila.

Tumatawa si Shawn habang medyo namumula na ang mukha ni Shai at kuntodo nguso ng labi. Siguro inaasar na naman siya nang mga Kuya niya. Nakakatuwa.

Naalala ko bigla yung mga kapatid ko sa malayo. Nakakamiss.

"Bakit nandito ka lang?" biglang may nagsalita sa likod ko.

Napalingon ako at nakita si Ma'm Serena na nakangiti sa akin. May hawak siyang tray na may lamang isang malaking bowl na may sphagetti then may mga kubyertos na rin at platito. Naamoy ko agad ang bango nun.

"Halika. Kain ka muna."

"Ako na po yan." Agad akong kumilos para kunin yung tray. Ngumiti ako.

"Salamat." Tumingin siya sa pwesto nina Shawn at nailing. "Tignan mo yang si Shawn. Nagpapatulong ako ta's kinalimutan naman." Nakatawang wika ni Ma'm Serena.

Muli akong ngumiti. "Namiss po siguro niyang makipagkwentuhan."

"Kasi naman. Masyadong subsob sa pag-aaral at sa panliligaw dun sa babaeng kinahuhumalingan n'ya. Tsk. Tsk."

Pilit akong ngumiti. "Okay lang po yun Ma'm. As long na hindi niya napapabayaan ang pag-aaral niya saka, iilan na lang po ang mga lalakeng nagbibigay pa po ng effort sa panliligaw. Masuwerte po kayo dahil napaka bait po at gentleman ni Shawn."

Natawa naman ng mahina si Ma'm Serena. "Totoo yan. Ang hirap kasi ngayon, lahat na lang ng bagay gusto minamadali. Gusto lahat instant. Hay naku!"

Tumango ako.

"Halika na." Aya niya sa akin.

Nauna nang humakbang papalapit kina Shawn si Ma'm Serena. Nakangiting sinundan ko naman ito ng tingin. Masaya niyang binati ang mga anak at pamangkin at naupo na rin sa tabi ni Shai. Sa carpetted din na sahig. Para lang siyang kapatid din nina Shawn at nakipagtawanan sa kanila.

Ang Mama ko kaya? Ganyan din kaya siya?

Paano kaya siyang tumawa? Ano kayang tunog ng tawa niya o ng boses niya? Nakalimutan ko na kasi.

Huminga ako nang malalim at ngumiti bago humakbang papunta sa kanila.

Maalala pa kaya niya ako?

"Ihahatid na kita pauwi."

Nilingon ko si Shawn matapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa loob ng isang eco-bag. Ipinagamit sa akin iyon ng isa sa katulong nila kasi yung bag ko, useless pa rin.

"Huwag na." Ngumiti ako sa kanya. "Magta-taxi na lang ako."

"Magtataxi ka ng ganyang itsura?" Salubong ang kilay na wika niya.

Bahadya akong natigilan.

Oo nga naman. Ngumiwi ako. Kaya lang.... anong magagawa ko. Hindi pa tuyo yung damit ko kanina.

"Nakakahiya na kasi sa inyo." Sabi ko. Masyado na akong naging abala hindi lang sa kanya kundi pati sa Mommy niya.

"Nahiya ka pa?" Tumawa sya ng mahina. "Ayos lang yun."

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya."

Sabay kaming napalingon ni Shawn. Lumapit sa min si Matthew at tumayo sa tabi ni Shawn.

Napangiwi ako. Ano naman ang drama ito?

"Ihahatid mo siya pinsan?" Nagtatakang tanong ni Shawn.

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon