1. THE SUFFERING"Wag kayong makikielam dito! AKo parin ang masusunod sa pamilyang to!"bulyaw ni papah sa kanila. Ganun si papah, wala siyang papakinggang kahit ano, dahil isa lang ang pinapakinggan niya. Ang sarili niya. Kung anong maisipan niyang tama, siyang gagawin niya.
Ang sunod na nangyari.. nandito na ko sa labas, at nasa gate nakaharang si Papah kaya hindi makalabas labas sina mamah. Bahagya niya kong itinulak kasabay ng pagbinatawan niya sa pagkakahawak sa braso ko. Akala ko.. ma'a'out of balance ako sa ginawa ni Papah pero hindi dahil naayos ko ang pagtayo ko. Buti na lang.
Kasi.. hindi ko na makakayang may mawala pa sakin.Lahat na, nawala sakin.. Mahal ko, dignidad, at pamilya.. Pag nawala pa to, ,baka hindi ko na kayanin pa ang sakit sakit na ng dinadanas ko ngayon. SA sobrang sakit, hindi ko alam kung may paglalagyan pa ko ng sakit na nararamdam ko.
"Papah.. maawa po kayo sakin. Papah." Lumuhod ako sa harapan ng papah ko,wala na kong pakielam kung dumadami na ang mga kapit bahay naming nanonood saamin ngayon at hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko. ANg gusto ko lang mapatawad ako ng papah ko sa nagawa kong kahihiyan sa pamilya namin at tanggapin niya ko ulit. Hindi ko kayang mabuhay ng wala sila.
"Mula ngayon, kalimutan mo ng pamilya mo kami. Dahil wala na akong anak na katulad mo! Wala akong anak na disgrasyada!!!"hearing those word sa sarili kong papah.. pakiramdam ko, namanhid buong pagkatao ko. Ang sakit dahil hindi ko akalaing mangyayari sa pagitan namin ito ng papah ko. People knows na sobrong close kami ni papah. Ako nga ang female verion niya at si ate tricia naman ang mini version ni mamah, habang si trixie.. hati na ang itsura. Madalas pa na ako palagi ang kasama ni papah sa pamamasyal sa mga nasasakupan niyang bayan at madalas na ipagmalaki niya sa mga taong nakakakilala sa kaniya sa mundo ng pulitika. Ang sabi pa ni mamah samin, sa aming tatlo nila ate ako ang pinakamahal ni papah.
Kaya hindi ko inaasahang.. magagawa ni papah na kalimutan ako bilang anak niya. Somehow, i understand him. Kasalanan ko naman talaga kung bakit nagagawa to ni papah sakin eh. At nag sisisi ako.. sobrang nag sisisi ako.
"Lume!!! Nasan na yung mga damit"sigaw ni papah. Narinig ko naman mula sa likod ng gate ang iyakan nila mamah at ate Tricia.
"E-eto na po sir!!"kung kanina hindi maalis alis ang tingin sakin ni papah ngayon, inalis na niya ng maaninag kong dumating si manang lume na halatang takot na takot din. kinuha naman Papah ang damit na hawak ni Manang Lume, at inihagis niya yung sakin kasabay ng mga salitang tumarak sa dibdib ko sa sakit.
"Lumayas ka na dito! At ayoko ng makita ka pa kahit kailan! Nakakahiya ka!"kalampag ng pagsara ng gate na bakal ang sunod na umalingawngaw ang sunod na narinig ko.
"Patrice!!! Patrice!!! Anak."napapikit ako ng husto ng marinig ko ang boses ni mamah sa loob. Gusto kong yakapin siya, at mag sorry.. pero wala akong magawa."Hernan, nakikiusap akooo! Wag mong ganituhin ang anak natin!"sigaw pa ni mamah.
"Tumigil ka na armie! Wala na tayong anak na patrice! Si Tricia at Trixie na lang ang anak natin! Wala tayong anak na disgrasyada! Kaya halika na pumasok na tayo sa loob.!"
"Hernan!"
"Tumigil ka na! Kapag hindi ka pa tumigil, tatamaan kana talaga sakin! At kayo! Ano pang ginagawa niyo d'yan?! Pasok! Ang sinumang mag tangkang lumabas sa gate na yan para tulungan ang disgrasyadang yon! mabuti pang sumama narin kayo sa babaeng yan at wag na wag na kayong, magpapakita saakin!"
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaluhod sa harap ng gate namin. Basta iyak lang ako ng iyak ng malakas. My tears aggressively rolled down to my cheeks. Halos hindi na nga ako makilala dahil basang basa na ang mukha ko, at dumikit na ang ilang hibla ng buhok nsa pisngi ko. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang usapan ng mga taong nanonood sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
His Sweetest Revenge
RomanceIf you were given a chances to hurt the person who hurt you before, are you willing to take that opportunity to get your revenge to that person? His Sweetest Revenge ®Createdby: xxMissyClumsiieGxx 2018