Mclare Family
"Kamusta na raw si Achea?" Tanong ko kay Sophia nang makalabas na siya sa ospital. Hindi na ako pumasok pa, kaya naghintay na lang ako sa labas.
"Ayos naman, may mga natamo lang talaga siyang mild fractures sa leeg at paa niya. Mga ilang linggo lang raw na pahinga ay siguradong gagaling na siya. Kaso may malaki kang problema." Nabakas ko sa mukha niya ang pag-aalala. Ano naman kaya ang problema, ko?
"Since, ikaw ang kasama ni Achea sa rooftop, pinaghihinalaang ikaw ang tumulak sa kanya."
"What the heck? Siya 'yung kusang tumalon! Bakit ako nadamay?" Hindi ko namalayang napasigaw na ako, e bakit ba kasi nadamay ako? Hindi ko naman siya pinilit o binigyan ng black mail para mag-suicide siya at higit sa lahat hindi ko siya tinulak!
"I know. Calm down, may darating na mga pulis mamaya. Better say them the truth na lang, and if you won't mind. Magiging witness ako at syempre, sa side mo ako." She's concern, alam ko. Pero paano kung hindi sila maniwala? Oo. Isa akong derective agent pero sikreto. Hindi alam ng mga pam-publikong pulis. Kapag sinabi kong isa akong agent, baka isipin lang nilang baliw ako. Kaya nga sa tuwing gagawa ako ng move ko, maingat para hindi sumabit gaya ngayon. Naman o! Siya kasi 'yung kusang tumalon.
"But never tell them about the werewolf thing." Tumango lang ako sabay nito ang pagdating ng mga pulis.
"Basta kumalma ka lang, wala ka namang kasalanan hindi ba?" Oo, wala talaga. Liban na lang sa ninakaw ko nga ang libro ni Achea, hindi, hiniram ko iyon ng wala nga lang pahintulot.
"Sir, kailangan po namin kayo sa prisinto para sagutin ang ilan naming mga katanungan." Tumango lang ako bilang tugon, "Sasama po ako, isa akong witness." Sabi ni Sophia, pinayagan naman siya at parehas na kaming nakaupo ngayon sa back seat ng kotse ng pulis.
---
Nakalaya ako, pero hindi rin naman ako nakulong. Wala kasi silang sapat na ebidensiya bukod sa andoon lang ako sa crime scene at may witness nga akong kasama na si Sophia. Hindi nga niya nakita lahat ng pangyayari pero nang magsalita siya kanina para depensahan ako ay parang nandoon siya ng mga oras na iyon. Pero malaki ang pasasalamat ko sa pagtatanggol niya sa akin.
Sa ngayon, hinihintay na lang magising si Achea para siya naman ang tanungin. Napaisip ako, sasabihin niya kaya ulit na werewolf siya? Pero hindi nga siya werewolf sabi ni Sophia hindi ba? Ni ako naguguluhan na talaga.
Gabi na nang makauwi kami sa condo unit namin, dinaanan pa kasi namin si Galleo sa trabaho nito at minanmanan ngunit ordinaryo lang siya ngayon, walang mga kaduda-dudang ikinilos. At ganoon pa rin, sa kanya pa rin ang kutob ni Sophia kahit na ba sa ilang oras na pagmamanman namin ay mukha siyang ordinarying tao lang talaga at malabong maging werewolf.
Nang makauwi na ako ay kaagad akong sumalampak sa kama ko, nakakapagod ang araw na ito lalo pa't muntikan na akong makulong. Pahamak na Achea. Paano na kaya namin ngayon maiimbestigahan pa siya kung alam na niya ang pakay namin? At ang pinakanakakadudang tanong ay, bakit niya sinabing werewolf siya kung ganoong hindi naman?
Mula sa pagkapikit ko ay napadilat at napabalikwas ako.
Maaring nasa libro ang kasagutan!
Kaagad akong pumunta sa cabinet ko para kunin 'yung libro, pero nang hanapin ko ito doon ay wala ito. "Dito ko lang nilagay iyon a?" Hinalugbog ko na ang buong cabinet ko pero wala pa rin. Saan naman napunta 'yon?
Binuklat ko isa-isa ang aking mga damit, baka kasi inipit ko ito sa mga iyon. At nang ibuklat ko ang isa kong damit ay may biglang nahulog na kapirasong papel, kaagad ko iyong kinuha, at nang makita ko ito ay isa pala itong litrato.
Hindi ito sa akin kaya sigurado akong nanggaling ito sa librong ninakaw ko, at mukhang may kumuha na ng libro at hindi sinasadyang maiwanan ito.
Tiningnan ko ng maigi 'yong litrato medyo may kalumaan na. Nang matitigan ko na ito ay saka ko nalaman na isa pala itong litrato ng pamilya.
May isang matipunong lalake ang nakayakap sa isang babaeng may napakahabang buhok na may dala-dala namang dalawang sanggol sa magkabilang kamay niya.
Dalawang sanggol na animo'y magkambal! Pero teka? Kung isa sa mga ito si Achea, paanong wala siyang kapatid ngayon at matagal na niyang sinasabi sa publiko na nag-iisa lang siyang anak at patay na ang mga magulang niya noong sanggol pa lamang siya?
Kung tutuusin sabay ng pagka-panganak sa kanya ang taon na inubos ng organisasyon namin ang lahi ng mga taong-lobo. Magdadalawampu't limang taon na kasi siya ngayon, sa pagkakaalam ko. Pero kung siya nga ay isang taong-lobo, edi pati rin itong kapatid niya? Edi dalawa sila? Puwede rin namang siya ang natirang sanggol at napatay rin ang kapatid niya. Kung magkaganoon nga, edi siya talaga ang werewolf?
Andami kong tanong at andami ko na ring konklusyong nabubuo ngunit ramdam kong hindi pa sapat.
Tiningnan ko ang likuran ng litrato na may nakasulat, binasa ko iyon.
"Mclare family."
Mclare? Teka, hindi Mclare ang apelyido ni Achea e! Fiorell ang apelyido niya, kung ganoon, hindi siya isa sa mga ito? Hindi siya werewolf? Pero bakit na sa kanya ang litrato at libro ng Mclare family at anong rason niya para magpanggap na werewolf at magpakamatay gayong hindi naman pala siya ganoon?
Napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo ko, hindi ma-digest ng utak ko ang napakaraming tanong na nabubuo. Hindi mahanap ang tamang sagot, nakakalito.
Ipinikit ko panandali ang mata ko at may bigla akong naalala.
"Mclare, Mclare," mula sa mga alaala ko ay para bang na-encounter ko na ang apelyidong iyon, hindi ko nga alam kung saan at kailan. "Saan ko nga ba ito huling nabasa o narinig?" Napapitik ako ng malaman ko na kung saan.
"Assassins department!"
:;:;
BINABASA MO ANG
The Last Lycanthrope
WerewolfSi Clark at Sophia ay naatasan ng isang hindi pangkaraniwang misyon at iyon ay ang hanapin at patayin ang huling werewolf na nabubuhay sa mundo, sa kadahilanang may dala itong malaking banta sa sangkatauhan at upang makapaghiganti. Magawa kaya nila...