Epilogue

272 9 0
                                    

"Mama! Ayaw sakin ng crush ko! Uwaaaaaa!"

Natawa na lang ako.

"Anak, anong magagawa mo? Eh ayaw sayo eh."

"Mama naman!" At ayun. Nagwalk-out ang gaga.

Nakikita ko sakaniya ang sarili ko.Napangiti ako bigla. Sa dinami dami ng pinagdaanan ko sa lovelife, sa awa ni kupido, binigay niya na si The one. Walang iba kundi si Julius. Matapos yung sa pasabog niya sa Christmas disco, naging kami for 2 years. Kinasal 8 years ago at nagkaroon ng isang babaeng anak. Oh ha? Hanep.

"Hi hon." Bati sakin ng kakagising kong asawa.

"Hi hon." Kiniss ko siya.

"Nakasalubong ko si Caili. Problema nun?"

"Nagmumukmok kasi ayaw daw sakaniya ng crush niya."

Napailing siya.

"Yung batang talagang yun oh. Manang mana sayo... Aray!" Kinurot ko nga.

"Kain ka muna dyan at dadalhan ko ng pagkain yung maarte nating anak na mana sayo."

Umakyat ako para dalhan si Caili. Pagpasok ko ng kwarto, nadatnan ko siyang iniistalk ang crush niya. Kay bata bata eh.

"Anak, kumain ka muna. Mamaya ka nang mang-istalk."

"Mama hindi ako stalker. Admirer ako kasi maganda ako."

"Stalker, Admirer parehas lang yun."

"Psh. Oo na po" Pinatay niya yung laptop at nagsimula nang kumain.

"Anak, ang bata mo pa. Okay lang kahit hindi ka pa crush ng crush mo."

"Alam ko naman po yun ma. 8 years old palang kaya ako."

"Sino ba yang crush mo?" Tanong ko.

"Kaibigan ko po."

Kaibigan...

Sa pagkakaibigan kami nagsimula. Tagapagtanggol at tagaprotekta ko siya. Hindi ko inasahang makakahulugan ko siya ng loob kasi may gusto akong iba noon. Hindi naging maganda ang love story namin, pero kahit papaano, natuloy ito at umabot pa sa harap ng altar..sa harap ng pari.

Hay, memories.

"Ma? Why are you acting like that?"

Biglang bumalik ang ulirat ko.

"Wala, may naalala lang. Anyway, anak, hindi lahat ng pagkakataon, gusto ka ng gusto mo pero kapag dalaga ka na at maencounter mo ang ganyan ulit, matuto kang maghintay dahil hindi minamadali lahat ng bagay. Pero hindi pinag-aantay ang pagkain kaya kumain ka na at maligo. Okay?"

"Opo ma."

Bumaba na ako at saktong paalis na si Julius papuntang trabaho.

"Ingat ka ah. Pinagluto kita ng paborito mong barbeque sa kawali. Bye hon. I love you."

"Sweet naman ng hon ko. I love you more."

Nagkiss kami. Smack lang. Hahaha.

I watched him as he drives his car.

Napangiti nanaman ako.

Minsan na akong nasaktan pero di ako sumuko.

At hindi ibig sabihin pag friendzone ka, hanggang kaibigan ka lang forever. Kung mahal mo siya, why not prove it? Why not fight for it? Gaya ng ginawa ko. Ipaglaban mo hangga't kaya mo pero kung hindi naman worth it ang pinaglalaban mo, destiny  ang bahala dyan. May dadating para saluhin ka, may dadating para mahalin ka nang sobra pa sa pagmamahal mo.

Mahal na mahal ko si Julius and I will love him always and forever.

Friendzone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon