Alam mo na.
Tanggapin mo na.
Matatapos na ang school year na 'to at wag nang mag sinungaling, alam naman nating lahat na magkaka miss-an tayo. Pero, bago matapos ang school year 2015-2016, i-throwback muna natin ang iba't ibang klase ng tao sa bawat klase.
Ang pag-aaral ay nag ta take up ng halos kalahati ng buhay natin. Pero, kahit gano'n, isa ito sa mga pinakamahalagang bagay sa balat ng lupa.
Dito tayo nag kakaroon ng mga kaibigan, kaaway, ka-ibigan, tropa, barkada, bestfriend, boyfriend, girlfriend, at marami pang iba.
Ang pag-aaral ay parte ng buhay natin. Ito ang bubuhay sa atin.
Alam niyo bang napakasarap mag aral? Sigurado alam niyo 'yan. Pag tinatamad kayong mag aral, isipin niyo nalang yung mga taong hindi nakakapag aral pero, gustung-gustong mag aral.
Anyways, tama na ang drama XD Mag simula na tayo. :D
1. Mr./Ms. Late/Sleepyhead
Alam niyo yung ganito? Yung papasok na nga lang ng late pero, matutulog lang sa room. Kainis. Pero, ang pinaka masaklap pa eh, pumapasa ang ibang uri nito. Nakakainis lang. Alam mo yun? Yung ikaw nag papakahirap pumasa, sila patulog-tulog lang sa klase pero pumapasa! Leche! Paano kaya nangyari yun? -_-
2. Tamad
For sure naman alam niyo na ito. Haha ito yung mga tao na hindi gumagawa, pero pumapasa. Grabe siya. HAHA Pero, meron din naman yung tamad talaga na hindi pumapasa. Maraming ganito. Hindi ko nga alam kung bakit ganito sila. Pinag aaral ng magulang pero, ayan. Haayyyy... Meron akong na e-encounter na ganito. As in kahit sabihan mo siyang gumawa siya para makapasa siya, ay talagang hindi siya gagawa. Hay.
3. Ang Buhay ng Gangster
PFFTT HAHAHAHAHA Natawa ako sa title lol XD Ayun. For sure naman may nakita ka nang ganito. Ako? Marami. As in MARAMI. Syempre, public lang ako kaya marami niyan sa'min. Yung mga nandito sa wattpad na lalaking gangster pero, matalino't pumapasa? Tsk. Walang ganun sa real life, fren. Alam mo yung mga taong kung titignan mo ang pisikal na anyo, mapapaisip ka nalang: "May pangarap ba 'to sa buhay?" No offense, pero kasi 'yan lagi ang naiisip ko tuwing tinitingnan ko sila. Kasi, kung may pangarap sila, ayaw ba nilang makamit 'yun? Bakit di nila pinag sisikapan?
4. PEYMUS
Ayan na. Nasa title na. Sila yung mga taong kapag kasama mo ay laging may nakatingin na taong kinikilig or nag h-Hi sa kanila. Sila yung mga taong maraming liker sa Facebook. Sila yung mga taong maraming followers sa twitter. Sila yung mga taong pag umakyat sa stage ng school niyo eh talaga nga namang, grabe ang sigawan ng mga tao.
5. NERDS
Oo. Merong mga ganito. May mga ganito akong kilala. Sila yung mga taong study hard, minsan lang mangopya, madalas mag basa, madalas nasa section 1, madalas nakasalamin, at marami pang ibang traits. Nag papakopya rin naman sila pero, minsan lang. Ang gusto ko sa ibang nerd, shina-share nila yung knowledge nila. Yung ibang nerds kasi pag nag paturo ka, di ka papansinin eh :b
6. Impersonators
Kainis 'to. Haha. Ito yung mga kamag-aral natin na mahilig manggaya ng isang tao(and, are successful in doing so XD). Kilala niyo si Tinay? Ayun! Example na yun XD Bigla ka nalang tatawaging "Lolay" At matatawa nalang kayo sa kaniya. Dabest diyan yung kaklase ko XD Meron pang isang klase nito. Sila yung mga taong ginagaya yung mga galaw ng teacher niyong nakakainis or sadyang ang cute niya lang kaya nila ginagaya XD
7. In A Relationship <3
Jusme. Lahat naman ata ng classroom may ganito. Haha. Ito yung mga taong mag syota sa room niyo. May mga types pa 'to. Una, yung pa-tweetums na masusuka kayo ng mga kaklase mo sa sobrang kalandian. Pangalawa, sila yung palagi nalang nag aaway na ang sarap sigawan ng "Mag break nalang kayo!" Pangatlo, sila yung mga taong hindi sila pero parang sila at sasabihing: "Mag kaibigan lang kami." Bullshit. Mag kaibigan ba yun? Laging gumagala na mag kasama, nag hahatiran sa bahay, texting/calling/chatting each other day and night, pag gumala ang tropa, ine-exile nila yung sarili nila. Yung ganun? Nakakairita kaya. Isa pang patweetums eh -_- Pang-apat, Sila yung mga taong, lonely sa room kasi ang boyfriend/girlfriend ay nasa ibang section. Worse, nakikipaglandian siya with someone inside his/her room. Hay. Cheating cheaters -_- At ang pang huli, dahil mahaba na, Sila yung mga taong may imaginary relationship with crush. Ayan. Nangangarap nalang. Umaasa na baka sakaling mapansin.
8. Piranha
Sa pag kakaalam ko, ang mga piranha ay nagugutom every 8 seconds. Alam niyo na? Oo. Sila yung mga taong ang hilig hilig kumain pero, hindi tumataba. Alam niyo yun? Yung kitang kita niyo na mahilig siya na kumain pero, mag tataka ka kung saan napupunta yung kinakain niya kasi nga ang payat niya. Yung tipong pag bumili kayo ng pagkain sa canteen e tiba tiba ang kinukuha niya. Meron pa, subukan niyong mag Mang Inasal. Ay, nako. Bilangan ng kanin uy!
9. Panda
Ito yung mga taong palaging puyat. Sa araw-araw nilang pag pasok ay para silang nag eye liner at eye-shadow na itim sa sobrang lalim at itim ng eye bags. Minsan proud na proud pa sila rito. Okay lang din naman na maging proud kasi pinag hirapan nila yun XD
10. Fangirl
Ito yung mga taong adik na adik sa isang bagay. Kadalasan, babae ito. Minsan, binabae ito(Sexist shyeat). Sila yung mga tao na pag nakita yung crush nila eh todo kilig. As in pag inilapit mo siya sa crush niya eh para siyang bulateng nilagyan ng asin. HAHAHAHAHAHAHA XD
11.Construction Worker
Actually, ako talaga 'to eh. Haha. Kami yung mga tao na dala-dalawa ang bag, parang attorney na palaging may attachè case, hindi mafigure-out kung paano pagagaanin ang bag, kumpleto sa gamit na parang NBS, at higit sa lahat, palaging may HOLLOW BLOCKS ang bag.
12. Squadczszcszxzcszxzcszxcz
May ganito kami sa room namin. Ito yung grupo ng tao na so-called "forever" daw yung grupo nila. Masama na kung masama pero, face facts. Wala namang assurance na hanggang college eh magkakaibigan parin kayo. Pero, okay narin. Sila yung mga tao na malalakas ang trip. Haha. Sa nakikita ko sa kanila, madalas silang magkakasama, may sariling mundo, madalas nandyan para sa is't isa. Sila rin yung matatawag mo na "squad goals". Mamimiss mo rin for sure yung mga kagaguhan nila. Haha
13. Selfielord
Ughhhh etoooo. Ang never-ending Selfielord. Alam nkyo naman na siguro kung ano ang mga ito. Sila yung mga taong nakaka 100 selfies sa isang araw. Okay. Exaggerated. Pero, alam niyo kung anong gusto ko sa kanila? Sa sobrang dami nilang selfies, marami rin kayong memories na mal look back-an. Haha. Matatawa nalang kayo sa mga mukha niyo pag laki niyo >:D
14. Musical.ly Talented
Puwede narin silang matawag na Selfielord. Ito yung mga mahilig mag Musical.ly at expert sa paggawa nito. Dalawa lang kakilala kong magaling dito eh. Atleast one siguro meron nito sa bawat klase.
15. Gandang Di Mo Inakala
Ito yung mga babae na minsan lang maging maganda at pag nag paganda 'yan, ay nako. Tinalbugan lahat. Haha. Sila yung mga babaeng humble, hindi nag a ayos, boyish, at walang nanliligaw sa kanila. Pero, once na mag ayos 'yan? Ay nako. Magiging habulin 'yan. Haha lol
16. Bitches ✓
Ito yung mga ayokong babae. Oo, aaminin ko sa sarili ko. Bitch ako. Pero, in a sense na totoo ako pag ka-close ko. Pero sila? Ay nako. Saksakan ng landi, arte, sama ng ugali at iba't iba pang nega na ugali. So far sa room naman namin walang ganito. Pero, sure akong may naka-encounter na kayong ganito. Nakakainis siya, pramiss
17. GGSS
Gandang-ganda/Gwapong-gwapo sa sarili. Mayroong mga ganito! Marami ngang ganito sa room namin eh. Puwede narin silang maihalintulad sa mga Selfielord. Difference is, may aura silang sobrang yabang. Akala mo naman gwapo, hindi naman. Sila yung mga taong sobrang feeling? Sila yung mga taong gustung-gusto kong saksakin. May ganito nga sa school namin eh. Pero, ibang section siya. Ay nako! Napaka-papeymus kala mo naman gwapo siya! Inidoro nga tawag namin dun eh >:D
18. Hugotera't Hugotero
Ako 'to. HAHA Alam niyo yun? Yung lahat ng sasabihin mo may maihuhugot siya? Pero, kasi ako kaya ako humuhugot kasi nae enjoy ko yung reaction nila XD HAHA Nakakatuwa lang XD
19. Mr./Ms. Talented
Sila yung mga taong laging na e excuse sa klase kasi may club sila. Ako, Glee Club. Haha. Ayun madalas excused >:D Yung isa ko namang kaklase, Dance Troupe. Ayan. Pareho kaming excused lagi XD Sila rin yung mga taong pag tinanong mo kung sino'ng marunong kumanta/sumayaw sa room niyo, eh sila agad ang ituturo niyo. Madalas humble sila.
20. ABS- Absinero't Absinera
Ang pinakahuli, ang mga ABS. Ang mga absinero't absinera. Minsan pumapasa sila which is really unfair. Pero, guess what. The world is unfair. Tsk. Alam mo yun? Yung lahat ng mga kaklase niya pumapasok araw araw para lang pumasa tapos siya na umaabsent pumapasa? Aba matinde. Naiinis ako sa mga ganito. Yung wala namang dahilan para umabsent pero, umaabsent. Kainis. Madalas pa, sa group works pag sila yung pinadala mo ng gamit, aabsent kinabukasan, tendency, kulang kayo sa gamit. Diba? Kainis lang.
'Yan ang ilan sa mga klase ng mga Tao sa Bawat Klase. Iilan lang 'yan kasi tinatamad na ako XD HAHA 20 kinds naman na 'yan eh. Lol.
Ayan na.
Mag e end na ang school year.
Sigurado akong mamimiss niyo ang bawat isa sa mga kaklase niyo.
Salamat po sa mga nagbasa! Sana po makarelate kayo ^_^
~ProudPilipina
March 19, 2016 1:35 pm