Nung nakita ko siya sa una pa lang, minahal ko na siya. Siguro nga, hindi kami pinagtadhana sa ngayon pero umaasa pa rin ako na balang araw, kami pa rin sa huli. Hi. Ako si Bryan. Ang hamak na student council president ng Lambert High Institutional University. Ever since bata pa ako, mahal ko na si Mackie. Wala man lang siyang kaalam-alam dun at hindi man lang niya alam na nag eexist ako sa mundong ito, minamahal ko siya nang buong-buo. Hanggang sa may nangyari lang isang araw...
Papalabas pa lang naman ako galing sa SCC Office, nakita ko si Mackie na umiiyak. Tinanong ko kung bakit at bigla na lang niya ako niyakap. Sa init ng katawan niya, nawala yung lamig ng katawan ko galing sa aircon ng SCC Office. Nagkausap kami tungkol sa lintik na 'pag-ibig' at bigla na lang ako nadulas. Natatamaan na ako sa mga pinagsasabi niya kaya sinabi ko na ako nga. Ako nga ang hamak na student council president na nagmamahal ng tapat sa kanya. Nung sinabi ko yun, bigla ko na lang naisip: "Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan mahal pa niya si Drew tsaka ko nasabi 'to? Sa tinatagal-tagal ba naman ng paglihim ko sa kanya nito, ngayon pa? Sa bagay, kailangan rin niya malaman sooner or later. Lalo na ngayon..." . Nagkasigawan pa kami sa tapat ng SCC Office. Nagpapasalamat lang talaga ako at walang mga teacher na dumadaan.
Pero sa huli, si Mackie na naman ang nagtagumpay. Nagsimula kami ulit sa simula. Pero, kumbaga sa Google Chrome, kahit ilang beses ko pa i-refresh ang page, yun at yun pa rin ang babalikan ko na website.. Si Mackie. Siya pa rin ang palaging bumabalik sa isipan ko no matter how hard I try. No matter how many times we say good bye and hello again to each other, it's always her. At ang pinakamasaklap dun, sobrang manhid niya. Why can't she try to feel her surroundings for once? She's so clueless. But even though she is, I still love her.
Nang magkalihis na kami pareho ng landas from the SCC Office, lumingon ako ulit sa kanya. Palayo na siya nang palayo. Palagi naman eh. Lapit ako nang lapit sa kanya. Siya naman, pilit niyang nilalayo ang sarili niya sa'kin. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang papaalis na siya at binulong ko ng mahinang mahina ngunit pinaparating ko kay Mackie: "Walang nagbago. Mahal pa rin kita." Hindi ko alam kung ano na ba ako ngayon.. Kung mahina na talaga ako o bobo.. O pilit ko lang talaga nilalakasan ang loob ko alang-ala sa nararamdaman ko para kay Mackie. At isa pang pinoproblema ko ay ang paparating sa School Pairs' Festival.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You
Teen FictionIt takes a second to like someone, a minute to have a crush on someone, a day to love someone BUT it takes an eternity to FORGET someone.